*I want this to be my song for this quarter.
This is my NOW
Jordin Sparks
There was a time I packed my dreams away
Living in a shell, HIDING from myself
There was a time when I was so AFRAID
I thought I'd reached the end.
Baby, that was then
But I am made of made of more than my YESTERDAYS
This is my NOW,
And I am breathing in the moment
As I look around,
I can't believe the love I see
My fear's behind me
Gone are the SHADOWS and DOUBT
That was then
This is my now.
I had to decide.
Was I gonna play it safe?
Or look somewhere deep inside,
Try to turn the tide.
Find the strength to take that step of faith?
This is my NOW,
And I am breathing in the moment
As I look around,
I can't believe the love I see
My fear's behind me
Gone are the SHADOWS and DOUBT
That was then
This is my now.
I have a courage like never before, yeah.
I settled for less, but I'm ready for more.
Ready for more..
This is my NOW,
And I am breathing in the moment
As I look around,
I can't believe the love I see
My fear's behind me
Gone are the SHADOWS and DOUBT
That was then
This is my now.
And I am breathing in the moment
As I look around,
I can't believe the love I see
My fear's behind me,
Gone are the shadows and doubt.
That was then.
This is my now
This is my NOW.
Sunday, April 12, 2009
Katapusan
Note: You need a speaker while reading this. DON'T COPY.
"Ito na ba ang katapusan ko?" mahinang usal ni Cheska.
"Unti-unti na akong hinihigop ng karagatan. Dumidilim ang paligid. Wala na akong makitang liwanag...hindi ako makahinga.."
"Hindi..pwede...madami pa akong nais gawin.."
"hin..di.."
RRiiiinnnnnnngggggggg!!!
"Cheska, gising na, may pasok ka pa di ba?" Pag-gising ni Mila sa kanya.
Nalimpungatan si Cheska. Natapos ang kanyang bangungot. Napasinghap siya kasabay ng pag dilat ng kanyang mga mata. Buhay pa siya.
"Isa lang masamang panaginip.." bulong ni Cheska sa sarili. Ngunit hapung-hapo siya. Nakatitig lang siya sa kisame ng kwarto, nakatitig sa kawalan. Matapos ang ilang sandali, inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Isang pamiliar na kwarto, parehong mga gamit, ang kanyang kama, ang aparador, ang pinto. Naramdaman na niya ang init ng sinag ng araw na tumatagos sa nakabukas na kahoy na bintana. Bumangon na siya at nagsimulang maghanda para sa pagpasok niya sa eskwelahan.
Habang nasa daan tila iba ang pakiramdam ni Cheska sa paligid. Magaan ang kanyang pakiramdam. Tila di na niya kelangan pang alalahanin ang panaginip niya kanina. Napatingin na lamang siya sa labas ng bintana ng FX na sinasakyan niya. Malayo pa siya sa kanyang eskwelahan, matagal pa ang biyahe.
Nakarinig siya ng isang sigaw mula sa loob ng sasakyan. Naramdaman niyang may likidong tumulo mula sa kanyang noo.
"Dugo?"
Dumilim ang kapaligiran. Nilamon ng katahimikan ang kapaligiran, namanhid ang kanyang buong katawan. Sumikip ang paligid. Hindi siya makahinga.
"Andito na tayo" saad ng drayber.
Doon nagmulat ang mga mata ni Cheska. Bigla siyang napahawak sa noo niya. Walang bahid ng dugo.
"Miss, baba ka ba o hindi?"
Nagmamadaling bumaba si Cheska sa sasakyan.
"Isang panaginip na naman?" Nabahala ang kalooban ni Cheska, tila hindi magiging maganda ang araw na iyon para sa kanya.
Puno man ng alinlangan ang kanyang isipan, tinahak pa din niya ang daan patungo sa kanyang silid-aralan. Ilan pa lang ang mga kaklase niya na nasa silid. Napa-aga siya ng pasok. Nagtungo siya sa bakanteng silya na nasa likuran, ang silyang madalas niyang upuan. Kakaibang kapangyarihan ang tila lumukob sa kanyang buong pagkatao. Bigla niyang nasilayan ang kanyang sarili sa isang kwarto na puno ng mga makukulay na kanvas. Inilibot niya ang kanyang paningin. Nakaramdam siya ng matinding lungkot na di niya mawari. Marahil ito ay dahil sa katahimikan ng silid.
May nakita siyang isang blankong puting papel katabi nito ay isang pudpod na lapis. Kinuha niya ang mga ito at sinubukang gumuhit. Naisipan niyang gumuhit ng isang puno. Nang natapos niya ito, nagulat siya sa nakita. Isang puno na walang mga dahon, walang bulaklak o prutas man lang. Ito'y tuyo't marupok na. Nabitawan ni Cheska ang papel kasabay nun ang pagpatak ng dugo mula sa kanyang noo.
"Eto na naman!" napasigaw si Cheska.
Hindi niya malaman kung mahuhumindang siya sa nangyayari sa kanya ngayon. Inatake siya ng hindi masukat na taokt at kawalan ng pag-asa. Pakiramdam niya ayaw na niyang gumising pa para lang sumailalim sa walang katapusang panaginip na ito.
"Madami pa akong gustong gawin! hindi ko to maintindihan!"
"TULUNGAN NIYO KO!"
"TULUNGAN NIYO KO!"
"tulungan..niyo..ko!"
"Ms. Cheska? Ms. Cheska?"
Unti-unting iminulat niya ang kanyang mga mata. Napakaliwanag ng paligid. Nakakasilaw. Hinanap ng kanyang mga mata ang tumatawag sa kanyang pangalan. Natagpuan niya sa kanyang tabi ang isang nars.
"Gising ka na Ms. Cheska" saad ng nars.
"Sino ka?" nagtatakang tanong ni Cheska sa babae.
"Ako nga pala si Nica, ako yung naka-assign na nurse sayo."
"Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito?" muli niyang tanong
"Na-comatose ka, mag-iisang buwan ka ng walang malay.."
"Comatose? Papaanong.." nabigla siya sa sinabi ng nars.
"Naaksidente ang sinasakyan mong FX noon at dead on arrival ang lahat ng mga pasahero pati yung drayber maliban sa iyo, ikaw lang ang maswerteng nakaligtas."
"Nakaligtas.. ako.."
Subscribe to:
Comments (Atom)