Monday, March 12, 2012

Relationship Status

I can't believe that in a short span of time my world really turned 360 degrees (again). From Single to In a Relationship to Its Complicated to In a Relationship again. Bawat phase andami kong natutunan, andami kong narealize. 

Sabi ko nga, siguro dahil late bloomer ako, binibigyan ako ni Lord ng mga heavygat na trials. Naisip ko, sana hindi ako binigla, sana yung mga petty muna, yung simpleng mga arguments muna pero baka I'm too old for petty quarrels or should I say, I'm too mature for that (heheh! yes I claim that I am mature).

I know hanggang sa puntong ito, wala pa ring conclusion, wala pa ring kasiguraduhan pero walang masamang maghangad ng magandang kapalaran. Gusto kong ishare sa inyo yung experience ko the past months at lalo na yung mga natutunan ko. 

1. TRUST is the most important thing in the relationship more than LOVE.  Sobrang totoo ito. Kaya nga once malamatan yang trust na yan ang hirap ng ibalik sa dati ang lahat. Ako yung tipo ng tao na nakikita ko yung mga tao na mabubuti lahat, kahit sabihin nila na hindi okay o masama siya, hindi ko siya ibiview na ganun unless maprove ko sa sarili ko na totoo yung sinasabi nila. Kaya naman madali akong magtiwala pero pag nawala yun, mahirap ibalik. Alam kong hindi ako clingly na girlfriend, hindi ako grabe kung magselos (nagseselos pa din ako pero in moderation), hindi ako demanding, di ba sabi nga niya low maintenance lang ako? 100% yung trust na binigay ko. Somewhere down the path, it was tested by fate. Nangarag ang puso ko ng bongga. I didn't know how to handle it. I panicked. Salamat sa mga mabubuti kong kaibigan they helped me survived that ordeal. One day naging paranoid ako at naniniwala akong may pinaghuhugutan yung pagiging paranoid ko, nagburst na lang yung mga pent up emotions. Nag-away kami, then I realized na mali nga ako. I apologized pero sinabi ko din yung pinaghuhugutan ko. He understands where I am coming from. Sa panahon na ito, I am rebuilding it. 

2. Make an effort to stay and to hold on. EFFORT, eto siguro yung kulang sa relationship namin or should I say kulang sa kanya. I remember posting this line: "When someone stops trying, relationship starts to fail." Super true. Hindi lang siguro sa part niya pero pati na din sa akin. I started to stop understanding him or even trying to get through him. Somehow, nagpabaya din siguro ako, losing my patience and all. 

3. People don't necessarily change, they just show their true colors. Check na check! Yes people change pero it could also be that you just don't know them well. Kulang yung ilang months lang para makilala mo ang isang tao. Though hindi mo naman kailangan ng madaming years para lubusan silang makilala, it just takes a problem to know them better. Pag andyan na yung problema, dun mo siya mas makikilala. Paano ba niya hinandle yung sitwasyon, etc. 

4. Through thick or thin, you should be there for him. Mahirap pala to? Ngayon ko lang nalaman yun. Halatang nangangapa pa ako. Palagi natin tong naririnig na parte ng isang wedding vow pero para isabuhay to, hindi pala ganun ganun na lang. Yung tipong andyan ka pa din kahit hindi ka niya maitreat for lunch or dinner (shallow thing lang ito ah and I am not saying na malaking percentage yung panlilibre), yung kahit hindi ka niya maihatid sa bahay ninyo dahil kulang siya sa budget keri lang, yung tipong hindi na maganda yung nangyayari sa buhay pero andyan ka pa din. Hindi to basta basta at lalong hindi ito minamadali. 

5. Be careful what you wish for because you might get it. Wag tayong wish ng wish ng basta basta lalo na kung hindi ka handa dun sa wish mo. Ilang beses ko tong naprove, all ears si Lord sa mga wishes ko lately kaya ayan. Digital na ang pag-grant ng wishes.

Minsan akala mo kaya mo na, na alam mo na lahat, yun pala hindi pa. Madami pa akong kailangang matutunan sa relasyon na ito, hindi ko alam kung hanggang saan kami makakarating pero isa lang ang sigurado ako, willing akong i-take yung chance na to. Eto na yung RISKS when falling in love, yes, ito na yun mga kaibigan. 

Its up to you if trials will make or break your relationship. You are the captain of your own ship sabi nga nila. Let us try to live our lives to the fullest and be thankful for all the trials because it will make us stronger and a better person. Walang perfect relationship at lalong walang happily ever after dahil wala tayo sa fairy tale. Ang meron lang ay dalawang taong nagmamahalan **shet ang cheezy!tama na!*