Saturday, January 21, 2012
Never say that someone completes you. We have to feel whole even when we are by ourselves, for needing a certain someone is not LOVE but dependency. Wanting a person to become a part of our life is the best reason for having them. So rather than search for that someone who will complete you, wait for the person who will complement your completeness.
Monday, January 16, 2012
Blah.Blah.Blah
Think before you click.
Ito ang dapat na panata namin.
May point naman, we should be responsible for our posts. Hindi lang naman tayo ang nakakabasa nito kundi ang Whole Web World so dapat maging maingat.
What I couldn't understand is that pati pagtethank you ko sa boyfriend ko eh prohibited na din?
Una, thank you lang naman yun.
Pangalawa, boyfriend KO naman yun
Pangatlo, account ko yun
Pang-apat, that's just the way I appreciate
Pang-lima, I LOVE YOU lang yun.
blah.blah.blah.
Bawal na lahat?! 

Sunday, January 15, 2012
Friday, January 6, 2012
Love at your best
Lately, madalas kong marinig yung phrase na "sobrang mahal mo na ata siya" o "huwag masyadong magmahal".
Nawiweirduhan lang ako. Fan ako ng mga romance stories kaya hindi ko alam kung may kinalaman yun sa opinyon ko about dito pero weird lang.
Sabi nga, masama ang sobra. Pero masama din bang ibigay ang best mo sa isang relasyon?
Live your life to the fullest.
Kailangan bang maidefine and difference ng sobra sa best?
Eto ang naiisip ko tungkol dyan:
Ayokong dumating yung time na may regrets ako. Yung tipong may maiisip akong what ifs. Tell me if I'm wrong pero gusto ko lang na maibigay lahat ng makakaya ko para sa taong mahal ko. Nega akong tao, alam ninyo yan. Iniisip ko na baka dumadating yung time na magkakahiwalay kami and all kaya parang kailangan kong maipakita kahit papaano na I did my best. Ayokong maging isang tao na ibibigay yung best effort niya pag hiwalay na. Yung tipong loving from afar ang drama after ng hiwalayan. Hindi ba mas madaling mag move on pag ganun? Pwede mong sabihin sa sarili mo na hindi ka nagkulang, at that's the end of it. Mas madali yung acceptance process. Ayokong dumating yung oras na sasabihin ko sa sarili ko na, huli na ang lahat wala na.
Sabi ko nga, hangga't kayang kong intindihin, iintindihin ko. Hindi ko sasabihing martir ako pero hindi ba't ganun naman dapat? Bigayan lang. Give and take. Huwag nating iequate yung pagmamahal natin sa isang tao. Hindi natin yun madadaan sa percentage, kung ilang percent mo ba siya mahal o dami/amount ng gifts o kung ilang beses kang nag-antay atbp.
Love is immeasurable.
Pwede namang 100% yung love mo para sa kanya tapos 100% mo ding mahal ang sarili mo. Bakit kailangan pa nating hati-hatiin yung 100% lang? Huwag natin limitahan ang kakayahan nating magmahal. Huwag nating kitidan ang pag-iisip natin para hindi tayo lamunin ng selos at inggit. Magmahal tayo tulad ng Diyos. Unconditional love.
Payo ko lang:
Kung may mahal ka, ipaalam mo sa kanyang mahal mo siya malay mo mahal ka din niya (cliche man pakinggan pero totoo)
Mahalin mo din ang sarili mo para mahalin ka din ng ibang tao. Maging karapat-dapat ka para sa nakatakda sayo, hindi yung hinahayaan mo lang ang sarili mo sa dilim tapos itatanong mo kung bakit walang nakakapansin sayo e ganito-ganyan ka naman.
Love at your best 

Subscribe to:
Comments (Atom)