
hahaha!! Big thanks to MEG for the SANUK SANDALS that I won!
for the Letter of the Month for February!

hahaha!! Big thanks to MEG for the SANUK SANDALS that I won!
for the Letter of the Month for February!
--inuunahan ko na ang madla, ipagpatawad ninyo ang mga kababawan ng gawa ko, bata pa po ako nito, walang alam sa mundo (gumawa daw ba ng excuse?!). Wala din itong kinalaman sa buhay ko (kaya naman bj, wag kang mag-isip ng kung anu kung hindi di ka magiging SWAN!), isa pa po ito sa mga nahalungkat ko sa aking mahiwagang notebook, originally English ito kaso, alam kong madaming wrong grammar kaya tatagalugin ko na lang
--
"Cherry, I'm so sorry...Hindi ko sinasadyang mahalin siya.." Humihingi ng tawad si Matthew sa kanyang girlfriend dahil gusto na nitong makipaghiwalay.
"Matt, okay lang yun, sabi nga nila 'expect the unexpected'" sinusubukan ni Cherry na pagaanin ang sitwasyon. Para sa isang taong hinihiwalayan, hindi galit si Cherry.
"Huwag mong isipin na hindi kita minahal nung magkasama tayo. Minahal kita pero ngayon nakita ko na ang "true love" ko, for good." Nagulat si Cherry sa sinabi ni Matt pero hindi niya ito pinakita bagkus ngumiti pa siya dito at sinabi, "Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't isa at alam kong merong ibang nakatadhana para sa akin."
"Napakabuti mo Cherry, alam kong makikita mo ang lalaking para sayo." at nagpaalam na si Matt. Walang ibang ginawa si Cherry para pigilan ito, nagkasya na lang siya na titigan ito habang papalayo sa kanya. Biglang nawalan ng malay si Cherry at nang gumising siya, nasa loob na siya ng isang ospital. Dumating ang doktor at kinausap siya.
"Ms. Dominquez, palala na ng palala ang kondisyon mo araw-araw. Mas makakabuti sayo na mag-stay dito sa ospital para maobserbahan ka."
"Doc, mamatay na po ba ako?" tanong niya.
"Kritikal ang na kalagayan mo dahil mahina na ang puso mo, hindi ka na maaring sumailalim pa sa isang heart transplant dahil ilang beses ka ng naoperahan. Magpahinga ka na muna sa ngayon." Lumabas na ang doktor sa silid niya.
"Ma-matay na ako.." nanghihinang saad niya and she sighed. "Mabuti na lang at magiging masaya na si Matt kahit wala na ako dito.."
Naalala niya ang panahong nadiagnose siya na may butas ang puso niya. Alam niyang ikamamatay niya yun. Kaya naman kinausap niya ang matalik na kaibigan na si Mae. Sinabihan niya itong makipaglapit kay Matt. Walang alam ang kaibigan niya na nobyo niya si Matt dahil kakagaling lang nito sa Amerika. Wala din itong alam tungkol sa sakit niya, maski si Matt. Inakala ni Mae na ipini-pair lang niya ito kay Matt dahil nga kakahiwalay lang nito sa boyfriend at broken-hearted pa. Umayon sa kanyang plano ang lahat. Handa na siyang antayin ang oras niya.
Ilang linggo ang nakalipas. Sa ospital.
Nakahiga si Cherry sa hospital bed. "Masaya na ang mga importanteng tao sa buhay ko, handa na akong umalis na may ngiti sa labi..." Cherry said to herself. Naramdaman niyang hindi siya makahinga. Nagmamadaling tinulungan siya ng nars at kasunod nun ay ang pagdating ng doktor. Sinusubukan siyang isalba ng mga ito... ngunit wala na siya.
Nabalitaan nila Matt at Mae ang nangyari. Pumunta ang mga ito sa pinagdausan ng libing. Nilapitan sila ng ina ni Cherry at iniabot ang sulat na nakita sa ilalim ng unan ng dalaga.
Dear Matt,
Masaya ako at nakita mo na ang kaligayahan mo at least kahit wala na ako, alam ko na may mag-aalaga at magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko. Pinlano ko ang lahat para naman hindi ka malungkot pag-iniwan kita. Palagi mo sanang tatandaan na, saan man ako naroroon, patuloy kitang mamahalin.
Cherry
Hindi makagalaw si Matt habang hawak pa din ang sulat. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya.
"Letting go of someone doesn't mean we're hurt but we let go because we want the person to be happy with someone else."
--oh ha! may kasama pa palang quote ito! Palagay ko nagawa to dahil sa palabas na "Lavender" yung taiwanese drama. walang originality! hahaha!--
Sa iba’t-ibang pagkakataon, may nakikilala tayong iba’t ibang tao. May mamahalin tayo na di sinasadyang dumating sa ating buhay ngunit may pag-asa pa ba kung ito’y huli na?
SA di inaasahang panahon, muling nagkita sina Bien at Owen. Ang pagtatagpo ba na ito ay babago sa kani-kanilang buhay o mananatili ang tanong ang nakaraan.
“Rowena Martinez? Ikaw ba yan?” tanong ni Bien
“Ako nga, Bienvenido Santos!” nagulat man si Owen pilit niyang itinago ang nararamdam sa pagpapakita ng blangkong ekspresyon dito.
“Gumanda ka ngayon ha, mukhang in-love ka.” Tudyo nito.
“Hindi naman ako in-love, ahm… gusto mo maupo muna tayo?”
Sila ay nasa isang parke sa Maynila. Naupo sila sa isa sa mga nakahanay na mga bangko.
“Kumusta na nga pala kayo ni Lynnie?” tanong niya. Si Lynnie ang dating kasintahan ni Bien.
“Matagal na kaming naghiwalay… Ikaw, kamusta na?”
“Okay naman ako” maiksing sagot niya.
“May asawa ka na ba? O kasintahan?”
“Wala at saka wala pa yan sa isip ko.”
“Ganun?” bumalot ang lungkot sa puso ni Bien, wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango. Akala pa naman niya na may pagkakataon na sila ni Owen.
‘Kung alam mo lang, matagal na kitang gusto kaya lang maraming mga bagay na nangyari na di ko napigilan’ bulong ni Bien sa sarili.
Sa muli nilang pagkikita, muli ring bumalik ang pag-ibig na matagal nang namamahay sa kanyang puso. Nakatingin si Bien sa kawalan habang ginugunita ang nakaraan. Natahimik ang paligid, umaayon ang katahimikan sa nakaraan, isang nakaraan na kailanman di na maibabalik pa…
Lumapit si Lynnie kay Bien, humihingi ng pagkalinga. “Bien tulungan mo ako, iniwan ako ng kasintahan ko.” Maluha-luhang sinambit ni Lynnie kay Bien.
“Lam mo, kaya mo yan. Marami namang iba dyan na pwede mong mahalin.” Ang mga salitang iyon ay tumatak sa isipan ni Lynnie. Nakabuo siya ng konklusyon na matutulungan talaga siya ni Bien. Alam niyang maaring si Bien ang kasagutan sa kanyang pangungulila.
Para kay Bien, wala sa puso ang sinabi niyang iyon. Naikumpara lang niya ang sarili niya sa sitwasyon ni Lynnie—na binabalewala ng kanyang napupusuan na si Owen. Doon nagsimula ang pagiging magkasintahan nila.
Ngayon, nagkaharap na silang muli. Nakasalalay na sa kanila ang hinaharap.
‘Bien, huli na ang lahat, ang pagtingin ko sayo noon at sakit na nadama ay tila naiwan na lamang sa nakaraan. Bakit ngayon ka lang nagbalik? Kung kalian napagod na ang aking puso sa paghihintay. Ako ba ang may pagkakamali? Ako ba ang dapat sisihin?’ mga salitang tanging siya lamang ang nakakarinig, mga tanong maiiwang walang kasagutan.
“Sige aalis na ako” tumayo at tumalikod na si Owen.
“Owen…” napatayo na rin si Bien. Nais niyang pigilan si Owen. Nanatiling nakatalikod ang babae.
“Pwede pa ba?” nasabi din ni Bien ang kanyang iniisip.
Napaluha si Owen, mabuti na lang at nakatalikod siya. Hindi sinagot ni Owen ang tanong ni Bien. Iniwan niya si Bien pati na ang katanungan nang puso na siya lamang ang makakasagot.
Lumamig ang simoy ng hangin at nanunuot ito sa kalamnan ni Bien. “Bakit, Owen, Bakit?” bulong ni Bien habang tinatanaw ang pag-alis ng babae. Isang tanong na kalian ma’y hindi masasagot.
---ang weird nito... naghahalungkat ako ng mga gamit tapos nakita ko to sa isang notebook. Feeling ko habang binabasa ko to nasa ibang panahon ako, parang panahon ni Rizal, weird talaga. Hindi ko din maalala kung bakit ko to sinulat at kung bakit nag-inarte si Owen dito. I think 2nd HS ako nung ginawa ko to.

| Rating: | ★★★★ |
| Category: | Music |
| Genre: | R&B |
| Artist: | Utada Hikaru/ Jessa Zaragosa(english) |
Dear Lord God,
I am waiting for a result today, I am hoping to receive a good news po.
Sana po pagbigyan ninyo po ako dito, eto lang po ang wish ko this Valentine's Day at sa lahat ng special days. (hindi po ito lablyf)
Super as in super super gusto ko po ito. Mas gusto ko to kesa sa lablyf (totoo po! pramis!). This is my chance! :D Lam ninyo naman po, "C" muna bago "L".
Thank you po pala sa mga blessings ko lately ![]()
, overwhelm na overwhelm po ako. Kakataba ng
.
ok, nabasa ko yan sa aking horoscope sa friendster. AT! sabi ko "emotional inertia?? ano yun?"
so niresearch ko sa google ang meaning ng inertia. Ang result: Inertia is the resistance of any physical object to a change in its state of motion. In even simpler terms, inertia means that an object will always continue moving at its current speed and in its current direction until some force causes its speed or direction to change. *thanks to wikipedia for the explanation.
at kung ito ay irerelate sa emotions?
para ba itong biglaang pag fluctuate ng emotions? Meaning pag ka excite kaya ang normal flow ng iyong emotions ay biglang nagbago.
Sabi kasi sa horoscope: Get over your emotional inertia. So parang wag masyadong maexcite? anyways.. kahit ano pa yan.. natutuwa pa din ako sa mga nangyayari sa akin ngayon!
*iba talaga ang feeling na mabasa ang name mo sa magazine! gusto ko nang ipaframe yung page na yun! haha! sana next time na mababasa ko ang pangalan ko eh for real na, as in ako ay part talaga ng isang publication! *
hahaha! YOU=Multiply
I miss you! Ang tagal ko na ding di nakakagawa ng blog. For some reasons, di ako makagawa. Anyways, I am BACK!
May mga bagay-bagay akong naisip these past few days..
.. Malungkot kumaing mag-isa sa Chowking ..
.. Nakakalasing ang Pag-ibig (oh! wag masyadong magreact, dahil yan sa PBB) ..
.. Pag pala nag-announce ako na engaged na ako, hindi kayo maniniwala! *'lang ya kayo!* ..
.. Ang mga taong ayaw magpahanap, wag ninyong hanapin, okay? ..
yun lang hahahahah!
LSS:
"A couple of years
And I'm gonna know your name
It's like I waited for you forever
And I know this might sound insane
But it won’t be long
Till we're gonna take this up
What I'm talking about our future love"
Quote: *found this in a forum*
"It is called flirting if you are in a relationship…
…but it is called being friendly if you are single!"
"Malandi ako… pero sa iyo lang…"