Friday, April 29, 2011

Freedom

I remember two years ago, I was trying to break free from the company which makes me sick everyday. I understand Ivy very well, somehow I can relate

Sa ngayon kasi hindi yung company ang may problema, yung tao na, well, lets say isang tao. Minsan talaga malas ako sa mga nagiging katrabaho ko. 

I will mark this day *birthday pa naman ng friend kong si Ateng! Happy birthday!* pero talagang hindi ko siya kinaya! I broke down in front of him! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang wala na akong karapatang magdecide on my own at sobrang tanga ko ba at very incompetent ako para iguide ako ng sobra?! Siguro hindi ko talaga kaya ang mga face to face discussion about things that I am not ready to face. Mas okay akong mag-express kung isusulat na lang, dito kasi napag-iisipan ko pa yung sasabihin ko. 

Wala namang problema sa akin kung pag-usapan natin yung problema pero para diktahan ako na hindi ako dapat gumalaw nang hindi mo alam, sa tingin ko sobra na yun. Sinasakal mo na ako! Sa lahat ng ayaw ko ay yung hinahadlangan ang kalayaan ko to express myself (in whatever way). Ang alam ko kasi democratic country to, may karapatan akong mag-rant, mag-whine, magwala! lalalong lalo na kung pag-aari ko naman ang "account" ng kung anumang networking site! Mataas talaga ang resistance ko pag-alam kong pinipigilan ako sa bagay na ginagawa ko lalo na kung alam kong wala naman akong ginagawang mali. 

Real world would never really be a perfect world, pero ang mundo na ito ay hindi sa iyo! Hindi kita boss para magreport ako araw-araw. Gusto mo na yung mga intern nasusupervise mo ng husto, edi sayo na! Kaya wag mo akong or kahit sino sa amin na binaby-pass ka! Wala kang hawak na empleyado.

Ano ba ung sinasabi mo na ayaw mo na mangyari sa akin yung nangyari sayo? Magkaiba naman tayo! sa isang taon ko na tinagal dito, wala pa naman akong kontrobersyang nasangkutan, ewan ko sayo. You said you are just helping me grow pero I'm telling you, you are not helping me grow, para akong halaman na dinidiligan mo araw-araw pero hindi mo ako hinahayaang maarawan! Lulunurin mo ako tubig!

Huwag ka masyadong ganid sa kapangyarihan dahil hindi mo yan madadala sa langit! Aanhin mo ang kapangyarihan na yan kung wala namang nagmamahal sayo?! At the end of the day, ano ba ang na-accomplish mo? Ang mamuno? oh, tapos? Pag naging tunay na boss ka, I'm telling you, aalis talaga ako! bumuo ka ng sarili mong team! 

From now on, I'll prove to you na I can do better things for the company! I will not let you pull me down or drown me with your so-called power! I just need to practice my assertiveness more. I will not give up my freedom to grow!

Friday, April 22, 2011

Holy Week - The Experience

I was invited by Kuya Jonas and Ate Magic to spend the holy week with them. I had to think it over for how many days pa dahil nga I usually spend it with my family at home. Tapos naisip ko, I could try it since wala din naman akong gagawin sa bahay kundi mga household chores *takas*. 

When I agreed with them, I didn't expect it to be that "exciting" and "memorable". 

Maundy Thursday

11AM, umalis ako ng bahay papuntang Malolos, Bulacan. 12AM na ako nakasakay at nakaalis ng Trinoma dahil a.) mahaba-haba ang pila papuntang Malolos, at b.) wala masyadong bumibiyahe. 1:30PM na ako nakarating ng Malolos crossing, mga quater to two nila ako nasundo dun. Pumunta kami sa bahay ng boss namin, si Mam Kelly. Dinala kami nila Mam sa new house nila. Hindi pa tapos na tapos yung bahay nila pero maganda yung structure. Nagpicnic kami sa labas ng bahay nila. Kwentuhan, at mega sharing. I always like hearing their production stories, madami ka kasing matutunan sa mga experienced people like them. Nakapag-open up din kami tungkol sa unlikeable officemate namin. 

6PM umalis na kami para maghanda sa Visita Iglesia. Halos 7:30 na din kami nakarating sa Basilica Minore de Imaculada Concepcion, ang unang simbahan namin. Nakasama ko yung family ni Ate Magic and Friends ni Kuya Jonas. Hindi naman ako na-OP dahil nameet ko na din naman before yung mga kapatid ni Ate Magic, at friendly din naman yung friends ni Kuya Jonas. Naexperience ko ang ginagawa sa Visita Iglesia. Dati akala ko, magvivisit ka lang talaga sa mga simbahan, meron pa palang reading, reflection at prayer na gagawin.  Pangalawang simbahan sa Barasaoin Church. Nakarating na ako dito before pero hindi ko pa napapasok. Ang ganda nung loob niya at madami ding mga tao. After nun, dumaan kami sa bahay nila Kuya Jonas para kunin yung tubig then off to the third church. Pangatlong simbahan, Parish Church of Sta. Isabel, ako ang naglead ng prayer dito. Nauutal pa ako sa pagbabasa nung prayer at yung Our Father, Hail Mary at Glory Be nila tagalog! e hindi ko alam yung tagalog version, sabi ko kay Ate Magic siya na lang yung part na yun or in english ko dadasalin yun. Pang-apat na simbahan, Sta. Maria Trinidad Church tapos panlimang simbahan, St. James the Apostle Parish, Pang-anim na simbahan,  Sta. Rita Parish, may mga batang angel talaga na nasa stage/altar. Yung pampitong simbahan ay yung St. Martin of tours Church sa Bocaue na kung saan kami na yung last na nagpunta dahil 12AM na nun so magsasara na sila, buti na lang pinatuloy pa din kami. May eksena pa dito na may matandang babaeng pumasok, nagsusungit, bakit daw kami nakaharang sa may pinto, hindi daw makapasok yung gustong pumasok. Tapos nagmano dun sa pari at lumuhod at taimtim na nagdasal. Parang nakita ko sa kanya yung mga iprokritang mamamayan sa Noli Me Tangere at El Fili, makasalanang-maka-Diyos! Anyway, hindi na namin pinatulan bilang nagbi-visita Iglesia kami at matanda na siya.

Station of the Cross sa Divine Mercy National Shrine. Andaming tao, weird lang kasi kalahati sa nagpunta at nakita namin parang hindi naman nandun para mag nilay-nilay. They meet with their friends, family, boyfriends-girlfriends. Pero naisip ko, sino ba ang masama? Sila na naalalang gunitain ang mga religious practices ng simbahan or ang mga taong piniling manatili sa bahay at balewalain ang holy week? Well, bahala na si Lord sa kanila. Mga ilang istasyon din ang binasahan ko ng prayer, hindi ko na malaalala kung anu-ano yun basta apat na beses akong nagbasa dito. Naisip ko na sana next year may makasama din akong friend sa Visita Iglesia. Kahit bonggang lakad yung ginawa namin, hindi sumakit yung legs ko o yung katawan ko. Siguro, dahil para naman sa Kanya yung ginawa ko at ako, sa sarili ko, bukal sa loob ko yung ginawa namin kaya hindi na Niya ako hinayaang manakit ang katawan, pero sinipon at inubo ako. Pinaghalong puyat, pagod at pagkainin ng ice cream. 

Good Friday

Alas kwatro na din kami natulog nito at gumising kami ng 8AM para makita at mapanuod ko ang mga nagpipinetensya at nagpapapako sa Krus sa Paombong, Bulacan. Pinag-suot nila ako ng black shirt para daw hindi makita yung talsik ng dugo (ewwness to!) Pero dahil tinanghali kami, isa na lang yung nakita ko (hindi ako natalsikan dahil lumayo ako). Three out of five ang nakita ko na nagpapako sa Krus. May video ako nung last na nagpapako. Andun din pala yung mga crew ng Rescue para icover yung event. Ayun, nakapunta kami sa harap mismo ng stage (ginamit namin ang koneksyon). Sobrang init as in dahil tanghaling tapat! Nakablack pa ako, nangitim  ako ng bongga! I'll post the video one of these days. or better watch rescue on Thursday, after Saksi. Hindi dito nagtatapos ang journey ko. Pinasabay na nila ako sa van ng rescue pauwi para hindi na daw ako mahirapang sumakay ng bus. Andito na exciting part. Kailangan pa nilang mag-interview ng doktor at yung last na nagpapako sa Krus dahil yun ang case study nila. Naligaw kami papuntang Hagonoy. Natagalan kami sa pag-iinterview sa CS dahil may nag-aamok na lasing at pinapaalis yung van namin, kinailangan pa naming lumipat ng lokasyon at inabot na kami ng 8PM! Napagdesisyunan nila na magdinner, dine in dahil sa sobrang katoxic-an. Nasa KFC kami sa Tabang exit ng NLEX, kumakain na kami nang biglang may nagkagulo sa labas, may sumalpok na sasakyan sa center island. Hindi pa kami tapos kumain lahat, at bilang Rescue ang kanilang show sabi ko sa kanila, icover nila yun, dali-dali silang nagpunta sa labas dala ang camera *na buti na lang may dalawang extrang tape pa si Kuya Leonard (assistant videojournalist). Naiwan ako sa loob para bantayan yung pagkain, thinking hindi naman sila magtatagal, pero I was wrong, grabe yung nangyari sa driver *watch Rescue for more details*. Nag-take out na kami ni Chard *yung researcher*. Maya-maya, may nagkabanggaan na cars ilang kilometro lang ang layo sa pinangyarihan ng unang aksidente. Bakit sila nabangga? mga usi kasi! Buti na lang galing sila sa Visita Iglesia kaya hindi na sila nagtalo, pinag-usapan na lang nila ang bayaran ng damage, etc. Napag-usapan palang namin habang nasa van na magkakaroon na sila ng istorya ayun! biglang meron nga. 11:30PM na ako nakauwi sa bahay, nag-offer na sila na ihatid na ako sa bahay pero nagpababa na lang ako sa tricycle-an. Feeling ko, bigla ako nagkaroon ng "immersion" sa programa. Tayong-tayo na nila ang buong episode just in one day! Thanks to me daw! hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil may naaksidente kaya! Buwenas na malas! Nakakapagod ang buong experience na ito as in. Nafeel ko kung ano ang nangyayari behind the scenes! Nakita ko kung paano sila nagwork, hindi kumain on time, etc. etc. 

Sabi nila patay daw ang Diyos pag sapit ng 3:00PM, pero gusto kong maniwala na andyan pa din siya at nakikinig sa mga little prayers ng tao. Nang hiniling namin ni Chard na sana magkaroon pa sila ng istorya hindi ko naisip na ganun kabilis. Parang ang nega ng dating kung point of view nung naaksidente yung titingnan pero sa point of view namin, hindi *masama na ba kami dahil dun?*

Napagalitan ako, pero ayos lang, the whole experience was worth it! Hindi ito ang inaasahan kung outcome pero thank You na din dahil madami akong natutunan at narealize sa lahat ng ito! 

p.s: pasensya na kung masyadong mahaba ang kwento ko, hindi pa yan detailed pero yan naman ang mga highlights! 

Sunday, April 17, 2011

A Wedding

I attended a wedding yesterday. It was a very simple wedding pero parang punong-puno siya ng love and sincerity. Parang yung mga binabasa ko lang na libro at favorite plot ko, best friend-turned-lovers! :) 

May moment lang na nagpaflash sa utak yung sarili kong wedding. Hahaha! O di ba?! Atat?! Anyway, boyfriend muna. 

First time kong maka-attend sa "after-the-wedding-party" which is "inuman". Napasubo kami ng friendship kong si Paula. Bigyan ba naman kami ng Emperador Brandy Light! Bonggang shock talaga ako. Anyway, bilang nasa probinsya kami at kailangang "makisama" ayun, uminom kami ni Pau! Who would have thought na mauubos namin ang isa't kalahating brandy?! Apat lang ang nagtatagayan hanggang sa tatlo na lang kami. Hilong-hilo talaga ako dun after ng hindi ko nabilang na shots. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa CR AT ayun, bumigay na ako! Nagtawag na ako ng uwak! For the second time in my life! Nung unang beses kasi dahil sa tequila at gin ngayon naman dahil sa brandy! Pagbalik namin sa bahay, ayun plakda agad ako! Hanggang pagkagising ko may feeling pa din ako na parang masusuka ako na hindi *hang-over na ba yun?!*

ayun, sharing lang! hindi na rin kami nakaikot masyado! next time na lang siguro! :D

Saturday, April 2, 2011

Crazy Little Thing Called Love

Rating:★★★★★
Category:Movies
Genre: Romance
Unang nagsabi sa akin na maganda itong movie na ito ay si Pot, tapos si Jami, tapos si Aimee. May kinopy ako na movie sa kapatid ko, hindi ko alam na ito pala yun. I got bored yesterday kaya pinanuod ko.

Mega tawa at iyak ako. Classic story na nga siya kung tutuusin, ugly duckling turned to a swan. Pero na-tats pa din ako.

Aakalain mo na one-sided love ang concept ng movie pero hindi pala. Di ko na nga napigilan mapaiyak sa last part. May gusto din pala si Shone kay Nam! Bongga talaga yung flashback na yun.

Siguro isa sa mga natutunan ko sa movie na ito ay kung kayo talaga, kayo. Humadlang man ang panahon, magkikita at magkikita pa din kayo lalo na pag parehas na kayong mature at handa na sa isang relationship. Tinuro din dito yung importance ng friendship! You must stick with your true and real friends no matter what.

Try to watch it! Ang ganda niya!

Friday, April 1, 2011

Maling Dahilan

Dahil sa mga nangyayari sa mga OFW natin sa ibang bansa, naalala ko yung isang lecture namin sa SCL 3. Ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino ay PANANDALIANG solusyon lamang sa UNEMPLOYMENT dito sa Pilipinas. Pero sa pagdaan ng panahon, ito na ang naging PANGUNAHING solusyon ng gobyerno para umangat ang ekonomiya ng bansa. Sinasabi na prinoject lang nila na ilang taon lang ito na magiging OPTION at pagkatapos kailangan nang tapusin pero ganun ba ang nangyari? HINDI.

Ito na ang naging sagot sa patuloy na inflation rate ng bansa. Ito na ang naging sagot ng mga mamamayang Pilipino sa kahirapan nila. Ito ang EASY MONEY para sa kanila. MALAKI kasi ang epekto ng mga dolyar na nireremit ng mga OFW sa estado ng bansa. Ito na ang isa sa naging pambayad utang natin.

ALAM ba nila ang tunay na epekto nito sa atin?

SA PAMILYA. Ito nga daw ang pangunahing bumubuo sa isang mamamayan. Dito nilililok at hinuhubog ang mga kabataang PAG-ASA ng BAYAN. Pero malaking porsyento ng mga Pilipino ang nagiging OFW. Sino na ang huhubog sa mga ANAK nila? Sino na ang magtuturo ng tamang landas sa kanila? Ang mga Lola at Lolo nila? Tiya at Tiyo? Mga kapit-bahay? Isa ito sa mga nagiging dahilan ng pagiging rebelde ng mga bata ngayon *inuulit ko, ISA lamang ito sa dahilan at hindi ko ni-lalahat* Nakakalungkot dahil, yumaman man sila ang katumbas naman nito ay pagiging watak-watak ng pamilya. Sapat ba ang pera na pinapadala nila sa pamilya nila para hubugin ang kanilang mga anak? Sapat ba ito para ituwid ang landas nila? Mapag-aaral nga nila ang kanilang mga anak sa magandang eskwelahan, mapag-tatapos nila at ANO PA?!  Yun na lang ba ang paraan nila para maparamdam ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga? Naniniwala pa rin ako sa PROXIMITY. Ang PRESENSYA nila ang mas mahalaga. Hindi na nila maibabalik ang panahong nasayang nila, hindi na nila makikita muli ang UNANG ngiti, ang UNANG hakbang, ang UNANG kaibigan at madami pang-UNA ng kanilang mga ANAK. Yun ba ang ang pangarap nila sa kanilang PAMILYA? Kelan sila babalik? pag HULI na ang lahat? ano na lang ba ang maabutan nila? ang HULIng asawa ng kanilang anak? ang HULIng apo nila? ang HULIng ngiti? ang HULIng buhay?

SA BARANGAY. Hindi na bago sa inyo ang mga kwentong barangay na may mga mamamayan na OFW. Ang mga asa-asawang naiwan dito sa Pilipinas ang tumatanggap ng mga PADALA nila. AT pag-nagbabalik-bayan ang mga OFW uso ang PASIKATAN sa BARANGAY.  Bibili ng bagong sala set si Misis dahil nagpadala si Mister sa kanya. Si Kapit-bahay naman nakita ang na nagpadala ang Mister ng KUMARE nila. Tatawag siya sa Mister niya at manghihingi din ng pera para matalbugan ang sala set ng Kapit-bahay. Patalbugan dito, patalbugan doon hanggang sa umabot sa puntong mangungutang na sila para mapanindingan ang pagiging MAYAMAN nila sa barangay. Magkakaroon ng IRINGAN sa pag-uwi ng mga OFW nilang mga asawa. Hindi naman piyesta sa kanila pero talo pa nila ang may piyesta sa dami ng handa ng bawat pamilya. Isa lamang ito sa mga klasikong kwento sa isang barangay.

SA BANSA. Hindi ako masyadong magaling sa ECONOMICS na subject pero nakikinig naman ako paminsan-minsan sa prof namin. Tulad nga ng nabanggit ko na, nakakatulong sa ating ekonomiya ang mga "remittances" nila. Hindi na ma-abolish ang kalakaran na ito dahil NAKAKATULONG ito sa ekonomiya. Ilang taon na din ba mula ng NA-USO ang pangingibang-bansa? Naging negosyo na nga ito ng ilang nating mga kabababayan, nagkaroon na ng mga kumpanya na nagdadala ng mga Pilipino sa ibang bansa para mag-trabaho. Nagkaroon na ng mga DEPARTAMENTO na nakatututok sa mga overseas filipino worker. PANANDALIAN lang daw na SOLUSYON pero bakit ganito?


Hindi ko itatanggi na may mga kamag-anak din akong OFW. Kinakabahan din ako para sa kanila lalo na't napapabalita na may mga gulo na din sa Saudi Arabia. Pero hindi ko maiwasang magkumento tungkol dito. Naging saksi ako sa TUNAY na kalagayan ng mga kamag-anak ko, nakakalungkot PERO yun ang reality ng mga buhay nila. SANA dumating ang panahon na hindi na nila kailangan pang mangibang-bansa para mapabuti ang kanilang buhay. SANA magkaroon tayo ng TAMANG kasagutan sa KAHIRAPAN