Tuesday, December 28, 2010

Vision Board for 2011



Okay, after a night of thinking, here comes my vision board for 2011! Lets start!

1. Cameras: *in plural form pala itey* kung ano man ang mauna kong mabili okay lang but still, I'm hoping for the best one! . I wanted to save memories and I wanted them on photos (well, aside from my blogs and diary) kaya I really wanted to have my own camera (may digi cam dito sa bahay pero loser ang battery sooo, I really need a new one)

2.Travel. In relation to number 1, I also wanted to travel din kasi with friends kaya yun kelangan may camera. Siguro ang target place ko for this year is Bohol or Palawan or Cebu (ang tagal na itong nakaplan pero unfortunately hindi matuloy tuloy). God is soo good kaya naman I know one of these days makakarating din ako dyan. I am not aiming for out-of-the country trip since a. wala pa akong passport, b. kulang ako sa funds, c. i'm not yet ready.

3. Pink External Hard Drive. Oh well, I know Lee would love it! I'm so positive na for 2011, makakamit ko ito! Para ito sa security reasons just in case hindi makaya ni Lee ang mga pinaggagawa ko.

4. Nokia X6. Its not bad to wish for the stars. Definitely magkakaroon kami ng new phone (dahil sa company) pero hindi siya Nokia X6 PERO sana, sana talaga may mabuting palad na magbigay sa akin nito! --LOL! jk! Although hindi ganun katindi yung desire ko have it pero its not bad to put it in my vision board, malay natin.

5. Pink Laptop Bag. Its for Lee para hindi siya mahirapan sa travel mahirap na baka ma-injured pa siya or what.

6. Savings. I am planning to open a power saver account baka sa second quarter ng 2011 magawa ko ito or earlier I hope. I needed to save money for the future. Naisip ko kasi kailangan magkaroon muna ako ng 1M before I get married (okay, I know na wala pa akong groom, BF to be exact BUT I'm positive one day dadating din yun sooo, I need to prepare). Ayoko kasi na magkaroon ng financial problem kaya yan.

7. MS. Goal ko to for 2011. Madami na akong nakatenggang plots at kailangan na nilang mabuo. Sana pagnatapos ko sila at naisubmit may maapprove. Magpapamudmud pa naman ako ng signed ko na libro! LOL! **goosebumps all over**

8. Heart skip a beat. Oh well, lets think positive di ba?! Law of Attraction!

9. Stronger friendship bond. Hindi na kasya yung iba pang picture pero yan ang pinaka latest so I chose that picture. I am praying for my friends to stay for good. Pati na din sa mga NFFs (New Found Friends), stay  I am also praying na sana maayos na ang mga gusot at misunderstanding sana magawa na din ang "forgive and move on".

10. Love to Live. Live to Love.  Spread the love in the World! Live our lives to the fullest! 

A Review of My Life (2010)

I was scanning my multiply site particularly sa mga blogs ko. Naghahanap kasi ako ng question and answer thingy pero wala pala ako nun for 2010, soo, gagawa na lang ako ng sarili kong review for 2010.

Optimism

Napakahirap nyan gawin especially, pag nakadepress mode ako. Pero malaki ang tiwala ko sa positivity. Di ba sinasabi nila dapat maganda yung start mo sa taon para maganda ang turn of events for the whole year. Honestly, hindi naman kagandahan ang start ko ng taon PERO madami pa din namang nangyaring maganda sa akin. Tulad na lang ng mga sumusunod:

1. Work @ GMA. Isa akong dakilang BUM last January 2010, struggling and searching. Pagdating ng February, unti-unti ko nang nasilayan ang liwanag ng pag-asa (ano daw?!), come March, dyaran! may work na ako.

2. Went to Baguio. Masasabi kong major travel ko ito for summer kasama ko pa ang mga best buddies ko na si Ateng at Pot. Nagstart na akong umariba sa mga lakaran dahil sympre may kaperahan na ako!

3. Eleksyon 2010. Toxic itong panahon na ito ngunit, subalit datapwa't masaya yung experience ko dito. Natutunan ko ang tunay na kahulugan ng salitang "compassion" at "commitment" and as I go along mas naiintindihan ko na siya.

4. EK Adventure. First time kong makapunta sa EK buti na lang at libre! Ang dami ko ding ginawang first time dun like riding the space shuttle na talaga namang ultimate challenge. Kasali din pala ako sa game na inorganize ng HR at nanalo ang department namin! Nanalo ako ng additional 400 wizard money!

5. Salary. Okay, natutuwa ako dito kasi hindi naman talaga ako nageexpect ng malaking salary but then God is soo good. He blessed me with a good paying job.

6. Good Health. May mga nagkasakit sa family namin PERO nagagamot naman sila, thank God for that. At ako, wala naman akong naging malalang sakit.

7. Satisfaction. I am a satisfaction-starved person (kung may ganun man, ako yun). I badly seek for satisfaction in my life that way kasi napifeel ko na okay ako. Nakaramdam ako ng satisfaction sa mga pinaggagawa ko for the whole year kung hindi man 100% siguro mga 80% sure akong satisfied ako sa madaming bagay. Yung 20% yun yung pagiging nbsb pa din at mga conflicts along the way. 80% not bad.

8. Met new friends. Sobrang dami kong nameet na bagong mga kaibigan ngayong taon na ito. Mula online hanggang in person. Thank you sa friendship, you know who you are!

9. I met LEE. Ang laking pasasalamat ko talaga dito. Dati kasama lang siya sa vision board ko, ngayon nagkatotoo na!

10. Nakatapos ako ng isang MS! Hindi siya na-approve BUT still, nakatapos ako ng isa! accomplishment na yun para sa akin.

Sobrang jampacked ang buhay ko para sa taon na ito. Ang daming lessons na natutunan ko. Ang daming realizations. Ang daming blessings. AT dahil dyan masasabi kong I have lived my life well for 2010. Madami mang mga trials and challenges alam ko at naniniwala ako na malalampasan ko yun. Madami man akong mga bagay bagay pa na hindi nakakamit ngayong taon pero I'm still optimistic na maachieve ko din sila in God's time.

I wish myself for a more prosperous new year!

Thank po GOD!

Monday, December 27, 2010

Masinop @ 7




Naisurvive namin kahit konti lang kami. Almost a Christmas Party. I had fun guys! ;)

Saturday, December 25, 2010

The Time Has Come

I knew it.

Time will come talaga where you really needed to let go. We are losing it, come on guys, admit it. Hay, I guess, it is easier to pretend not to care. Sorry, but I give up.

Sadyang may kanya-kanya na talaga tayong buhay. A totally different lives. Siguro sasabihin ng iba na, pwede pa, kung ako ang tatanungin, ewan ko lang. Nakakapagod at ayoko na din talagang isipin pa. Why do I care so much ba to people who doesn't want to appreciate? This is supposed to be our celebration pero anong nangyari? You drifted away.

Sasabihin ng iba, bitter ako. Let me tell you this, hindi po ako bitter. Nalulungkot, oo pero bitter, hindi. Sadyang pagod na po ako. This is a resignation. After seven years *actually ten years na* eto na ang pinakakinatatakutan kong moment. Akala ko kaya pa natin, pagsubok lang to, pero asan na kayo? I have so much faith in US. Sa maniwala kayo sa hindi, miss ko na kayo pero... I don't want to push myself too much.

I believe na kung may gusto may paraan kung ayaw madaming dahilan. You know where you stand *I hope so*. Ayoko sana itong gawin, magbablog ng walang katuturan pero gusto ko lang siyang mailabas, once and for all. Rant? Probably. Angry? No. I'm trying to understand here, honestly. Eto na tayo eh.





Friday, December 24, 2010

Admin Peeps!




We just wanna have f-un! :D

GMA Network Christmas Party 2010


nasa CR kami nila ate magic

credits to: Ralph, Ate Kits and Ate Cy! :D grabbed pics! ;)

Before and during the party

Location: Amoranto

*di ko maupload sa FB to eh

Friday, December 17, 2010

Day 30

Day 30 – A photograph of yourself today + three good things that have happened in the past 30 days.

* last day na nga lang hindi pa ako agad nakapagpost at dahil dyan, isasama ko yung kahapon sa 30 days ko so naging 31 days na noh?! yung nasa pinaka taas na photo yan ang picture ko exactly for the 30th day, while yung sa baba niya ay yung photo ko ng Christmas party namin.

1. Blessings: Napaka daming dumating na blessings sa akin mula nung nagstart ako mag blog nito pero hindi ko naman sinasabi na magkakablessings ka pag nagblog ka or whatever pero dumating kasi sila within that 30 days, isang patunay na nga yung baby LEE ko. And I got to share them with you.

2. Realizations in life. Andami kong realizations and learning na din within the span of 30 days. Whether its about life in general, friendship, hardships, etc. *patience na din pala.

3. Survivor. Hindi yung survivor sa GMA but in my own ways naging survivor ako dahil natapos ko ang 30 days ko! ;)

mwah!


Wednesday, December 15, 2010

Day 29

Day 29 – Something you could never get tired of doing.

Hmmm.. siguro ang paghinga! Hindi ako mapapagod na huminga araw-araw kahit gaano pa kahirap at katoxic ito dahil umaasa ako na bukas ay mas maganda at mas masayang araw para sa akin. Pero maliban dito siguro hindi ako mapapagod magsulat at magbasa.

Meron at meron akong panahon para magsulat at magbasa.

I'll write what I want to write and I'll read what I want to read! :D


**one day na lang! :D

Tuesday, December 14, 2010

Day 28

Day 28 – Your favorite movie.

Ano pa ba e di:

INNOCENT STEPS



















pwede isa pa?


Day 27

Day 27 – A picture of you last year and now and how have you changed since then




















          Now                                                                                  Then

The picture in the right was taken last November 13, 2009 sa bahay, eto yung panahong bum pa ako at walang magawa kaya ayan, picture picture, pose, pose. The picture in the left naman was taken last December 3, 2010 sa Studio 5 ng GMA. First picture ko with Richard Gutierrez.

How have I changed since then?

Masasabi kong sobrang daming nagbago. Una, dati bum ako ngayon hindi na. Pangalawa, yung relationship ko with my friends before ay hindi pa ganun katatag kumbaga friends kami pero hindi tight yung relationship kaya ngayon medyo nagdrift na yung iba kaya nalaman ko yung mga friends ko na worth keeping. Pangatlo, lumawak yung network ko, hindi na lang ako limited sa HS, College at Officemates may mga extracurricular activities na din ako ngayon.

Nameet ko sila Victoria Amor, Aira Felicity, Angel Bautista, Carla Giopaolo, Edith Joaquin, Jean Mae Oryza, Maan Beltran, Ella Gualvez, Yumi Sagara, Elise Estrella, Roma Nympha, Faith Teodoro, Nicka Gracia and a lot more!

Last year, nafeel ko yung tinatawag nilang "mid life crisis" kahit pa nga 21-22 pa lang ako nun, struggle talaga. Ngayon, mas alam ko na yung gusto kong gawin sa buhay. Alam ko na yung priorities ko at yung mga goals na gusto kong maachieve. Dati kasi blurred pa dahil sobrang dami kong gustong gawin pero hindi ko siya magawa. Natuto akong magprioritize at maging realistic din. Hindi ko naman masabing tapos na ako sa mid life crisis na yan pero ngayon, stable pa ako ulit. Kung dadating man yung time na malilito ako and all siguro mas alam ko na siyang ihandle compared dati.

When I was still in JC (previous employer ko) feeling ko ang toxic ng buhay ko everyday. Walang nangyayaring maganda, lahat talaga negative pati tuloy yung mga taong nakapaligid sa akin nahahawa sa pagkanega ko. I hated my life then. Ngayon, ayoko naman magsalita ng tapos pero I can say na mas okay na ako sa kung saan ako naroroon. Mas naging patient na din ako sa mga bagay bagay. From a cigarette patience naging candle patience na siya (I improved right?) Naniniwala akong nagmature na ako (yung ang paniniwala ko okay, bawal kumontra).

I'm still hoping for the best in life.

Sunday, December 12, 2010

Day 26

Day 26 – A photo of somewhere you’ve been to.
Tam-awan Village in Baguio. Bakit ito? kasi naman, hindi namin naikot to nung pumunta kami dahil biglang umulan eh wala pa kaming payong, great di ba?

Day 25

Day 25 – What’s in your purse?

*pwede bang bag na lang?

Saturday, December 11, 2010

Friday, December 10, 2010

Favorite Movie ko




This is MY ULTIMATE FAVORITE MOVIE!!!! eto din yung pinaka fav scene ko sa lahat.

"When you're dancing, love me."
--awww... >_

STREETDANCE 3D Clip: Tomas Solo




Ang galing ni Richard Winsor dito! AT not to mention his gorgeous body! kahit hindi marunong sumayaw, aaralin mo talaga makasayaw mo lang siya! wahahaha! I want him in my wedding! lol!

Day 24

Day 24 - Photo of something that means a lot to you.
Do I still need to explain? love you all! :D

Thursday, December 9, 2010

Day 23

Day 23 - 15 facts about you

May nagawa na ako dati parang 30 facts about you pero sympre para maiba naman hindi ko yun ico-copy paste.

in no particular order

1. Nearsighted ako. So pag malayo ka sa akin ng mga dalawang dipa, blurred ka na kaya pag nakasalubong ninyo ako, hindi ko agad kayo mapapansin unless malapit na kayo sa akin.

2. I worked in a broadcasting company kaya pag may breaking news or special coverage may pasok ako. Busy ang lola ninyo.

3. May pagkakikay akong tao. I love pink. Pink lipstick. Pink dress. Pink Shirt. Pink Skirt. Pink bag. Pink everything. hindi ba masyadong obvious? pero hindi ko favorite si Hello Kitty, mas gusto ko si Robby Rabbit.

4. Kuripot ako. Mahirap magkapera so ever since hindi ako gumagastos para sa mga bagay na more than 1k kaya naman muntik na akong magkasakit nung binili ko etong si Lee. Naniniwala kasi ako na kung mabibili mo ang isang bagay ng sale bakit mo siya bibilhin ng regular price? lol!

5. Mataray DAW ako pero pagnakakasama na nila ako sasabihin nila na, "hindi naman pala". Dati super mataray talaga ako pero ngayon, ahm.. hindi na masyado, medyo tame na ako unless provoked.

6. NBSB. I don't know if its related with number 5 pero I strongly believe na hindi pa kasi SIYA dumadating.

7. I love pasta and pizza. Dati nagtataka ako kung bakit wala akong favorite food. Everytime na sasagot ako ng slum book palaging "anything delicious" ang sagot ko BUT now, meron na! Italian food ang preferred ko kainin.

8. I usually arranged my books according sa release or book code (yun ba yung tawag sa number na nasa book?!).

9. I'm not an avid fan of flowers. Kasi masyado siyang expensive para lang ipangdisplay. Okay na yung isang pirasong bulaklak (este tangkay pala) kesa dun sa mga bouquet-bouquet na yan malalanta din naman sila pero kung isang tangkay lang, yun pwede pang makeep.

10. I love freebies! pero sa work ko di ko masyado yun maenjoy kasi bawal kami tumanggap ng gifts from whoever lang unless personal yung transaction.

11. Basta usapang kaibigan, lagi akong concern. Alam ko kasi ilan lang ang tunay kong kaibigan kaya naman as much as possible I want to be there for them. Pero pag sila ang nang-betray wala na, may lamat na talaga. Mahal ko kasi sila.

12. Gusto kong mag-aral ng Forensic Psychology pero hindi yun sika dito sa Pilipinas. Pero if given a chance, ipu-pursue ko talaga to. Yung mas madali na lang ireach ay yung sa solair na muna.

13. Hindi ako marunong magdrive. Nakakatakot kasi eh. Pero siguro pag natry ko na at magkaroon ako ng lisenya, itatry ko mag-drift driving! **c/o ms. elise! ;)

14. Mababaw lang daw ang kaligayahan ko. Madali akong mapatawa eh. Madaling bumenta sa akin ang mga jokes kahit pa minsan corny.

*whew! buti last na, ang hirap mag-isip eh*

15. Ang name na Neziele ay kinuha ng mama ko sa naging pasyente niya dati pinalitan lang niya ang "M" ng "N". Would you believe na may kapangalan ako dito sa Pilipinas, friend ng friend ng friend ko, nasa US na siya so technically, ako lang ang nag-iisang Neziele sa Pilipinas. *sa pag-kakaalam ko at kung may makikilala kayong ka-name ko dito sa bansang to, ilabas nio siya! :))

bow.


Wednesday, December 8, 2010

Day 22

Day 22 - A letter to someone who has hurt you recently.

o-kay. Ahm. Someone who hurt me recently, actually wala naman akong maalala. Pero kung yung dati pa, yun meron. Last year pa yun pero yun na yung maku-consider ko as hurtful event for me, kaya yun na lang siguro. May letter ako sa kanya before pero gagawa na lang ako ng bago.

Dear MCP,

Its been a year already pero until now hindi pa din tayo okay. Ayoko nang balikan pa at i-rewind ng i-rewind yung mga nangyari. Siguro may dahilan ka for doing that to me at iintindihin ko na lang yun, nangyari na eh at hindi na natin mababago pa.

Alam ko naman na naiparating ko sayo kung gaano ako na-hurt nung nangyari yun. Of all people kasi, hindi ko ineexpect na ikaw ang gagawa nun sa akin. I felt betrayed talaga. Itinuring kitang ate at sa palagay ko naman masasabi kong naging close tayong magkaibigan. Nanghihinayang lang ako sa mga pinagsamahan natin dahil pakiramdam ko na lahat yun hindi totoo. Ikaw pa naman yung pinakapinagkakatiwalaan ko at umaasa ako na more than anyone else, ikaw ang makakaintindi sa akin, after all, ikaw ang team leader namin di ba?

Dati sinabi ko sa sarili ko na, hindi ko makakalimutan yung ginawa mo at hindi pa kita nafo-forgive at ayokong makasama ka sa kahit na anong event na kakailanganin nating mag-interact. Pero ngayon, alam nila na okay lang sa akin na nasa isang okasyon tayo. Alam ko na kaya kong maging civil sayo. Hindi ko to sinasabi dahil magpapasko na, sinasabi ko to dahil yun ang totoo.

Ayoko nang isipin pa yung betrayal, kakalimutan ko na yung nangyari at siguro may tipak na nang forgiveness sa puso ko. At thank you na din pala dahil madami din akong natutunan sa mga nangyari. Sabi nga attract positive energy kaya ayokong maging nega forever. One day siguro dadating yung time na total forgiveness na ang meron ako para sayo.

Masaya ako para sa mga narating mo na ngayon at happy din ako na hindi ka na NBSB! Congrats! Ako din pagdating ko ng 26 hindi na din ako NBSB!

Goodluck! and GodBless!

Neish

**akala ko wala akong maisusulat, whew!**

Tuesday, December 7, 2010

Day 21

Day 21 - Photo of something that makes you happy.

hmmm.. something that makes me happy? akalain mong nahihirapan akong magisip ng bagay na makakapagpasaya sa akin. Ibig bang sabihin nun hindi ako masaya ngayon? Hindi naman siguro. Madami kasing nagpapasaya sa akin eh.

1. Bonding with friends.

2. Reading pbs

3. Surfing the net!

Ambabaw ko ba? Yan kasi yung nagpapasaya sa akin sa araw araw na ginawa ng Diyos. :D

Sunday, December 5, 2010

Day 20

Day 20 - Meaning behind your blog name

neziele - obviously name ko to. Nung gumawa ako ng account sa multiply, nag-iisip ako ng unique na name yung tipong ako lang yung may ganung name, medyo may mga nilista ako and then naisip ko bakit pa ako lalayo e pwede ko namang gamitin yung real name ko, i mean di ba, super unique nung name ko at  akong-ako naman? kaya yun na yung name na ginamit ko for my blog *di masyadong creative pero I'm so sure na unique naman.

Day 19

Day 19 – Another picture of yourself.

*picture ko yesterday, sa bahay to nila ateng. bonding moments kami :D

Day 18

Day 18 – Something you crave a lot.

Pizza and pasta :D


Day 17

Day 17 – A photo of you and your family.

*at dahil, yung family pic namin ay nasa sirang pc, tagpi tagpi na lang ah.

*picture ng mga pinsan at kapatid ko.

sa baba yung pic ni mama at nung tita ko.

My Baby




Meet Lee, my baby! :D

Friday, December 3, 2010

Survivor Fever




si aki! :D

*muna!

Edited

okay andito na yung picture namin ni Chard!

Thursday, December 2, 2010

Hanggang Dito Na Lang by Jimmy Bondoc




**narinig ko lang to sa FX, tamang pang-emo lang. at talagang minsan may mga bagay-bagay na HANGGANG DYAN na lang. ;) para sa mga hindi maka-move on dyan, at sa mga patuloy na pinipilit ang mga bagay-bagay. eto ang kanta ko para sa inyo! :D

akala ko'y habang buhay tayo
akala ko hanggang dulo
kay haba pa ng kalsada
dito nga ba tayo bababa?

kung ganito na nga ba’ng usapan
kung dito na ang hangganan
dapat sigurong iwasan ang mga minsang kamustahan
mga nakasanayan dapat nang kalimutan
upang di tayo magkasakitan

hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
hanggang dito nalang

akala ko’y habambuhay ang awit
akala ko’y hanggang langit
kay haba pa ng kantahan
dito na ba tayo tatantan
kung ganito na nga ba’ng tadhana
sara'ng pinto at bintana
dapat sigurong iwasan ang pagkatok sa’ting nakaraan
mga nakaugalian dapat nang pagbawalan
sunugin na ang mga larawan

hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
hanggang dito nalang

ang ganda na sana
bakit biglang nag iba?
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Palagay ko’y tayo
hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
hanggang dito nalang

Wednesday, December 1, 2010

Day 16

Day 16 - Your celebrity crush

Local: Richard Gutierrez at Dennis Trillo at Rafael Rosell
bakit? gwapo silang lahat and they've got the body kahit pa nga mataba ngayon
si Chard *close kami, walang kukontra!








Hollywood: hindi ako masyadong ma-crush sa mga hollywood stars pero like ko si
Wentworh Miller dahil favorite ko ang Prison Break astig siya kahit wala siyang
buhok *sa ulo sa itaas* >:D at kahit pa ang chika ay bading siya!






Korean: oh noh! masyadong madami kelangan ko muna itong pag-isipan pero the
first Korean actor na naisip sa mga oras na ito ay si Hyun Bin (hero sa Kim Sam
Soon) - may history pa ito pero mas magandang hayaan na lang natin ang history
na manatili sa nakaraan. May naisip pa ako ulit, si Jumong! *crush ko din yung
nagpakamatay recently si Park Yong-ha, sayang siya.


 *other pictures to follow*