**kagabi, bigla ko naisip etong story na to, mega emote talaga ako, napakasakit sa puso talaga. Naalala ko yung character na isinulat ni Ms. V!**
Isang malaking kahalangan talaga na makulong sa isang kahong walang lagusan o sa isang bahay na walang pinto. Hindi ka maaring magpapasok at hindi ka kailanman makakalabas.
Isang matagumpay na pintor si Marah, 26 palang siya pero madami na siyang achievements. Sa loob lamang ng 5 taon nagawa na niya ata ang lahat lahat na gusto niyang gawin sa buong buhay niya maliban sa isa.
Ang magmahal at mahalin.
Nineteen years old si Marah nang nalagay sa binggit ng kamatayan ang buhay niya. Stage four na ang dengue niya at kinakailangan siyang masalinan agad ng dugo. Swerte siya dahil nalagpasan niya ang estado na iyon. Nakakuha sila ng dugo mula sa blood bank ng bansa.
Malaki ang pasasalamat ng mga magulang niya dahil nadugtungan ang buhay niya. Ngunit isang bomba ang sisira sa buong buhay niya.
Ilang araw na ding pabalik balik si Marah sa ospital. Malaki na din ang hinulog ng katawan niya. Maging ang mga magulang niya kitang-kita na malaki ang pinoproblema. Sumabog na ang isang masamang balita.
"Ma'am, we are sorry to inform you but your daughter is HIV positive."
Isang linya lang yun na sinabi ng doctor, isang pangungusap na babago sa ikot ng mundo niya.
Ni hindi niya magawang magsalita o tumayo man lang tila ang kaya lang niyang gawin ay lumuha. Hindi niya maalala kung paano sila nakauwi. Isang nakakatakot na katahimikan lang ang lumulukob sa kanya.
Nakaupo siya sa kanyang kama at ni huminga ayaw na niyang gawin. Ang bilis ng mga eksenang pumapasok sa isip niya at wala siyang maintindihan ni isa. Naramdaman na lang niya ang malamig na kwadernong may larawan niya. Binuksan niya ito, nabasa niya ang nasa unang pahina.
I want to be a painter! I want to tour around the world! I want to own a condo, a car, the lastest gadget in town! I want to be famous! I want to fall in love! I want to have my own family and have kids! I want to grow old with my man.
Hindi niya namalayan na nabasa na ng luha ang pahina na iyon. Kamakailan lang niya sinulat yun. Gusto niyang planuhin ang buhay niya at gusto niyang isulat ang mga priorities niya sa buhay. Pero wala na siyang pag-asa, hindi na niya matutupad pa ang mga iyon.
Pinunit niya ang pahina na yun maging ang susunod at susunod at susunod. Hinagis niya yun sa kabilang bahagi ng silid. Lahat ng mahawakan niya itinatapon niya. Nagwawala siya.
Bakit ako pa? Bata pa ako!
Pakiramdam niya nagtaksil sa kanya ang kapalaran. Ano bang naging kasalanan niya at binigyan siya ng ganung sakit? Ni wala siyang nobyo! Ni hindi siya nagsisigarilyo o umiinom. Hindi niya sinusuway ni minsan ang mga magulang niya. Naging mabuti siyang anak. Bakit siya pa?
Gusto na niyang mamatay.
Gumising siya isang araw at sinabi niya sa kanyang mga magulang na gusto niyang magpunta sa Paris. Tutuparin niya ang pangarap niya. Kahit sa nalalabing panahon niya sa mundo. Aabutin niya ang langit.
Sa loob ng 5 taon, binuhos ni Marah ang buhay niya para abutin ang mga pangarap niya. At ngayon kailangan na niyang bumalik dito sa Pilipinas.
Sa pagbabalik niyang ito, hindi niya inaasahang makikita niya si Randolf, kaklase niya noong highschool. Doon nagsimula ang pagdalaw nito sa kanila hanggang sa sabihin ni Randolf na ...
"Marah, I love you."
Nagbalik ang alaala niya nung una niyang nalaman ang tungkol sa sakit niya.
"Randolf..."
Gaano ba kasakit ang malaman na hindi mo pwedeng mahalin ang taong nagmamahal sayo? Gaano ba kahirap tanggihan ang pag-ibig ni Randolf?
"Hindi tayo pwedeng magkatuluyan, Randolf."
"Pero bakit?"
"May... AIDS ako."
Patlang.
Pakiramdam ni Marah, hinihigop siya papunta sa isang madilim na walang hanggan. Ayaw niyang maging makasarili.
Gusto man niyang mahalin si Randolf pero hindi niya pwedeng ibahagi dito ang sakit niya. Gagawin lang niyang komplikado ang lahat, ang buhay niya, ang buhay ni Randolf.
I want to be a painter! I want to tour around the world! I want to own a condo, a car, the lastest gadget in town! I want to be famous! I want to fall in love! ... I want to have my own family and have kids! ... I want to grow old with my man...
Hanggang pangarap na lang ang lahat.
Pinipilit pa din siya ni Randolf sa kabila ng lahat. Pero ayaw niya itong idamay. Walang nakalaang hinaharap para sa kanilang dalawa.
"Limang taon, Marah." sabi ng doktor sa kanya.
Wala siyang magawa. Kaya ba niyang kalabanin ang panahon? Kaya ba niyang salungatin ang kapalaran? Kaya ba niyang abutin ang langit?
Isang gabi, pinuntahan siya ni Randolf sa bahay, lasing ito.
"Randolf, ano bang ginagawa mo dito? Gabing-gabi na! Lasing ka ba?" akay-akay niya ito papuntang sala.
"Hindih akoh laseng!"
"Ba't ba tinanong pa kita! Sino bang umamin na lasing siya!" inihiga niya ito sa sala nila. Wala pa naman ang mga magulang niya at mag-isa lang siya ngayon.
"Mharah... mahal kita..." paulit-ulit nitong bulong.
Habang pinupunasan ito ni Marah, hinahayaan lang niya ang mga luha niya na umagos. Yun lang ang magagawa niya para kay Randolf.
Ni hindi niya ito pwedeng yakapin.
Hindi pwedeng halikan.
Hindi niya pwedeng mahalin...
Abot-kamay lang niya ang langit pero tila napakalayo pa din. Ito na ang obrang hindi niya kailan man matatapos!
Naikuyom niya ang kamay.
Ito na ang pinakamahirap na sandali ng kanyang buhay. Ito ang pinakamalaking pagsubok na hindi niya kayang lagpasan. Ito ang isang bagay na hindi niya kayang labanan.
Kinausap niya ang Diyos.
Alam ko dadating ang panahon ko na kukunin Ninyo ako, kaya ako nagbalik ng bansa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinagtagpo ninyo ang landas namin ni Randolf? Ayokong sirain ang buhay niya dahil sa pagmamahal ko o sirain ang buhay ng magiging anak namin. Bubuhayin mo pa ba ako ng mas matagal? Malulunasan po ba ang sakit ko? Maabot ko ba ang langit dito sa lupa?
**hindi ko na kayang ituloy! nakafull emo mode ako ngayon!**