Saturday, December 31, 2011

I confess that in 2011, I...

I confess that in 2011, I…

() stayed single for the whole year
(x) celebrated Halloween
( ) had my heart broken
(x) broke someone else’s heart
(x) went over the minutes on my cell phone
(x) had a good relationship with someone
() someone questioned your sexual orientation
() gotten pregnant
() had an abortion
(x) have/had a relationship with someone you’ll never forget
(x) done something I’ve regretted
() lost faith in love
() kissed under a mistletoe

SCHOOL/WORK
(x) took an honors/advanced class
() broke the dress code
() straight A’s
() met one teacher you really like
() met one teacher you really hated
() failed a class
() skipped school
(x) did something I am proud of
() discovered a new talent
() proved myself an idiot
() embarrassed myself in front of the class
() fell in love with a teacher
() intentionally tripped someone at school
(x) were involved in something I’ll never forget

OTHER
() painted a picture
() wrote a poem
(x) posted a blog
(x) listened to music I couldn’t stand
(x) went to a sleepover
() went camping
(x) threw a surprise party
(x) laughed till I cried
() laughed till I peed in your pants
() visited a foreign country
(x) cut in a line of waiting people
(x) told someone I am busy when I am not
(x) partied to celebrate the new year
(x) cooked a disastrous meal (just today! damn)
(x) lost something/someone important to me

(x) broke a promise
(x) lied
(x) went behind my parents back
( ) cried over a broken heart
(x) disappointed someone close
(x) hid a secret
(x) pretended to be happy
() slept under the stars
() kept my new years resolution
(x) forgot my new years resolution
(x) met someone who changed my life
(x) met one of my celebrity crushes
(x) changed my outlook on life
(x) sat home all day doing nothing
(x) pretended to be sick
() left the country
() almost died
(x) given up something important to me
() lost something expensive
(x) learned something new about myself
(x) tried something I normally wouldn’t try and liked
(x) made a change in my life
(x) found out who my true friends were
(x) met great people
(x) stayed up til sunrise
(x) cried over the silliest thing
(x) was never home on weekends
() got into a car accident
(x) had friends who were drifting away from me
() had someone close to me die
() had a high cell phone bill
(x) spent most of my money on food
() had a fist fight
() went to the beach with my best friend
(x) saw a celebrity
(x) gotten sick
() liked more than 5 people at the same time
(x) became closer with a lot of people

Say Goodbye to 2011

It’s the time of the year na! Review, review, review and review of the year. Honestly, sobrang jampacked ang 2011 ko. A lot of unexpected things happened just like last year. Makulay ang buhay 2011. Simulan natin ang review sa mga highlights ng buhay ko sa bawat bahagi ng taon.

1st Quarter (January – March):

Bilang unang quarter ito ng taon, eto yung panahon ng pagpaplano for the whole year, andyan ang pagseset ko ng goals, vacations, and others (yes, including lovelife).  Puro kami job fair nito, nasa labas kami lagi ng office, socializing, naghahanap ng qualified applicants. Basically, pinaikot ko ang buhay ko sa trabaho, which is not bad di ba after all ito ang nagpifinance sa akin? Wala naman akong ibang pagkakaabalahan. Hindi ko masabing kalma lang ang unang bahagi ng taon dahil may kanya-kanyang topak na umuusbong (all throughout the year, I may say). Dito ko naexperience na manuod ng premiere night na super pinaghandaan ko talaga. Background music please:  Suddenly Its Magic Dito ko naexperience na masagad angemotional tolerance ko o ang pagtitimpi ko sa trabaho. Minsan kailangan mo lang talagang ibuhos yan (parang Nestea lang). May ilang blessings din akong natanggap ng panahon na ito na hindi ko talaga inaasahan at sobrang thankful ako dun.

“Patience is a virtue”

2nd Quarter (April – June):

Ginusto kong magkaroon ng buhay sa labas ng trabaho. Sumali ako sa Kapuso Calamity Brigade. Nagrerepack kami ng mga goods at school supplies. Nakakapagod pero may sense of fulfilment after. Pakiramdam ko antagal ng nangyari nung pagsali ko, ngayong taon palang pala yun. Naisip kong ipractice ang “social responsibility” ko bilang mamamayan ng bansang PIlipinas at kahit papaano may maitulong sa mga nangangailangan. Madami akong sinubukang bagong bagay nang panahong ito, tulad ng pagsama sa Visita Iglesia na unang beses kong ginawa sa tanang buhay ko *at may bonus pa*. Pakiramdam ko ang banal ko (kahit hindi naman talaga). Andito din yung feeling na andami kong gustong gawin na bago na parang may hinahabol akong oras, it must be the age. Umattend pa naman ako ng kasal ng isa kong friend, pumanic attack ako. Hahaha! But I’m happy for them really, kahit naiinggit ako sa kanila  Eto din pala yung panahon na nagwriting workshop ako at I must say na sobrang helpful nito sa akin (kahit pa wala pa akong natatapos isulat, I swear, magkatime lang ako, susulat ako)

“Volunteerism and sense of fulfilment”

3rd Quarter (July – September)

Eto ang masasabi ko na very juicy na panahon. Dito ko nakilala ung worst nightmare ko, yung tao na magpaparealize sa akin na hindi pa ako desperada para bumigay na lang basta, na I can still wait for somebody that I know I deserve. Nayanig ang buhay ko talaga nitong time na ito. Test of faith ika nga. Luckily, I survived. Andami kong realization nitong panahon na ito, kaya naman thankful pa din ako na nakilala ko sila.

Kailangan ko pa bang sabihin na etong panahon din na ito nang makilala ko ang lovelife ko? Ang dating simpleng hiling ko lang nagkatotoo bigla. Hindi ko na talaga yun inaasahan pang dadating ngayong taon dahil nga puro sablay yung mga nakikilala ko. Sinabi ko sa sarili ko na: tama na, sa ibang bagay na lang ako magpofocus. At yun nga ang ginawa ko, nag-exam ako sa UP at sinuwerte naman ako na pumasa. Naka-set na yung utak ko na studies muna ang focus ko. Gusto ko kasing may iba pang mapagkaabalahan maliban sa work at friends, something productive ika nga. Tulad ng mga kasabihan, when it rains, it pours, sunod-sunod talaga ang blessings. Super thankful ako sa Diyos dahil dito. Nasabi ko na ba na napromote din ako? Oh well, yan, sinasabi ko na. Oh di ba, bonggang-bongga?

“Expect the unexpected.”

 

4th Quarter (October – December)

Sa bawat bahagi ng taon, masaya ako pero itong huling bahagi siguro ang pinakamasaya. Dito ko nakita na nagmamaterialize ang mga dating hiling ko lang, ang mga dating plano ko lang. Naexperience ko din ang isang m dilemma na kailangan ko ng adivice talaga from my friends at infairness nasolve ko naman siya. Kung meron mang 360 degrees turn of life, ito na yun. Nagkaroon ako bigla ng isang tao na magiging karamay ko sa mga problema at sa mga new experiences ko in life ang Mr. Commitment ni Ms. Pessimist. Sobrang dami kong natutunan, sobrang daming realization at mga bagay na dapat ipagpasalamat. Di man malaki yung bonus namin okay lang at least hindi kami nasalanta ng bagyo.

“I’m so blessed”

Gusto kong iclaim na nagmature ako at sobrang dami ko talagang natutunan for this year. Sa dami ng blessings na dumating sa buhay ko ngayon, pakiramdam ko ang swerte ko (kahit never pa akong nabubunot sa mga christmas raffle ). 

So there, that's my 2011 life.  

Thank you po Lord!

Monday, November 28, 2011

Lovelife

Start:     Oct 30, '11 09:00a
Ayan! May lovelife na ako <3

Sunday, November 27, 2011

Awkward Moments

Awkward moments with his relatives and churchmates:

Opening greeting: Girlfriend ko po, si Neish

Awkward moment 1:

Tita nia: uy, gumanda ka ngayon ah!
Me: (smile lang at tawa)
Junted: Tita, iba na po yan.
Tita nia: Ay iba na ba yan? Kamukha kasi

Awkward moment 2:

Tito: Siya ba yung taga UST?
Me: Ah opo
Tito: Sino yung taga CEU?
Junted: BSU po yung dati
Me: Hahahaha, Eto po si Ate Magic, siya po yung taga CEU

Awkward moment 3:

Junted: Tito, bagong girlfriend ko po
Another tito: Bago ba? Hindi nga?
Junted: Opo, bago po ito (lumabas saglit)
*tito lumapit sa akin
Another tito: Hindi ba ikaw yun?
Me: Hindi po, iba po yun (smile)
Another tito: Seryoso?
Me: Opo

Awkward moment 4 *ultimate awkward*:
(Churchmates na common friend ni EX)

Junted: Girlfriend ko po si Neish
Churchmate 1: HUH?! (high pitch talaga ang boses)
Churchmate 2: Talaga? Anong nangyari?
Me: (smile lang)
Junted: Wala na po kami ni Iya
Churchmate 1: Hindi ka naman kasi nagpaabiso, bumusina ka dapat
Churchmate 2: Kaya pala parang may kulang eh
Me: (todo smile lang at natatawa)

After nung mga awkward moments sabi daw ng karamihan ay kamukha ko nga daw yung ex niya pero MAS maganda daw ako (buti na lang!)

Lesson: Awkward moment=Smile

Tuesday, November 22, 2011

Minsan lang.

Minsan iniisip ko kung kailangan kong matuwa na sinasabihan akong low maintenance, madaling kausap at hindi mahirap i-please.

Minsan gusto ko din mafeel na importante ako.

Minsan gusto kong makareceive ng chocolates.

Minsan gusto kong isurprise ako.

Minsan gusto ko din mag-inarte at magpa-importante.

Minsan lang naman, pwede ba yun?

Saturday, October 29, 2011

Mr. Commitment meets Ms. Pessimist

We had a misunderstanding last friday. Kaya po hindi ko siya kasama sa EB. Minsan kasi talaga pambasag trip siya, yung tipong kung kelan ako in a happy mode biglang may something na mangyayari na hindi kaaya-aya. 

He shared his sentiments about our relationship, he felt daw na parang naglalaro lang kami. No labels, fling ba?  I was hurt nung sinabi niya yun, of all people, ako pa talaga yung naglalaro lang. What I was asking was just time to make sure everything is okay. Iniyakan ko yun, sumakit yung ulo ko because of that, sakit din sa puso. Again, nakausap ko si Ate Rox nun, she said may point si Junted, not because feeling niya ay nakikipaglaro nga ako but because masyado ko daw pinapatagal e mahal ko naman daw. I had to think it over and over again. Hanggang EB, iniisip ko yun, tapos biglang may na realize ako habang binasa ko yung grand prize winner ng essay writing contest. Hindi kailangan maging perfect yung relationship ninyo para masabing happy-ever-after na. Hardships and pains make every thing real. Naiiyak nga ako while reading it, tagos sa puso.

Mas okay sana kung personal itong nangyari pero baka hindi ko din mapigilan na hindi maiyak, ang chaka lang.  Anyway we had this conversation over YM.

Junted: pede magtanong?

Neish: ano yun?

Junted: umiyak ka ba dahil mahal mo ko?

Neish: umiyak ako kasi feeling ko ang bad kong tao para maisip mo na "naglalaro" lang ako

Junted: hindi naman po ikaw yung sinabi ko hon eh yun ang naramdaman ko and ganon talgah ako khit kaninong girl pag ganong situation

Neish: ayun nga i felt bad lang

Junted: kasi diba lagi akong nagtatanong pero wala naman ako nakukuhang malinaw na sagot sa mga tanong ko prang nagiging playful yung mga pangyayari. im really sorry about that honey. promise it wont happen again. napapagusapan lang natin ngayon toh so wag sasama ang loob mo ha

Neish: ok

Junted: nabawasan ba pagmamahal mo sakin? because of that? what are your thoughts now?

Neish: my thoughts are posted in my FB, check mo

(naisip ko baka hindi pa din magets, that's why i told him these things:

Neish: Nung dumating ka sa buhay ko, I consider you a blessing. Sunod-sunod yung blessings na dumating sa akin nung time na yun, i felt so lucky. I really never know how to love, sabi ko nga, maniniwala ako pag sinabihan akong hindi ako marunong magmahal kasi hindi ko pa yun naeexperience, baka dahil hindi ko lang kaya talaga.  Sinasabi nila na kung masaya ako, ienjoy ko lang daw. Yun naman ang ginagawa ko, taking my time, enjoying every moment. But I never knew its not a very good thing to do. Iniisip ko, ako ba ang may problema lang o baka napepressure ka din ng tao sa paligid mo? Imagine, we act as if we have a relationship tapos everybody's expecting na pag tinanong nila tayo about our status sasabihin natin, tayo na pero hindi naman yun yung nangyari, so naisip ko baka nga iba yung ibig nilang sabihin with "enjoy the moment" baka you need to be "in the relationship" para ma-enjoy mo yung moment (in every sense of the word) at dahil ikaw nga si mr. commitment, you wanted something specific, you wanted something concrete at ako naman si ms. nega, I wanted something true, I wanted something that is not tangible. I worry a lot kasi di ba? Sabi ko, baka mabilis nga yung naging takbo ng relasyon natin, parang may mga naskip na tayong stages. Although at the back of my mind, quality pa din naman yun. I just can't help it but to WORRY (again). Minsan I can't just disregard the opinion of other people. Pero hindi naman kasi sila yung nasa relationship di ba? tayo naman? Kaya minsan naguguluhan ako.

Junted: exactly

Neish: Description: :-$

Junted: ok pls proceed

Neish: Hindi ko nga masabi kung kelan nagbago yung relasyon natin e, basta biglang ganito na

Tapos I wake up one day, sabi ko sa sarili ko, "I love him na". Pero ewan ko ba hindi ko pa din siya masabi, I was buying time dahil baka sakaling magbago, hindi dahil ayoko pero dahil gusto kong malaman kung totoo yun. Everytime na tatanungin mo ako kung mahal kita, hindi ko masabi, uncertain yung feeling. Sabi nung friend ko, I overanalyze things daw, hayaan ko na lang daw dapat yung mga bagay-bagay. Psych kaya ako kaya malamang I have a tendency to overanalyze things. Napepressure ako dahil parang antagal kong magisip, everyone's waiting for my answer, everybody's asking me, tapos nagtatanong ka pa, nagpapile up siya sa utak ko. Siguro kung hindi ako mag-iisip, matagal ng tayo but since i think too much, well, ayan tayo, friends. I admire you for being so dedicated. Honestly, I don't need your promises. Gawin mo na lang, wag ka ng magpromise. Promises are meant to be broken (hindi man ngayon pero baka sooner or later). Nakakatakot nga minsan yung pagiging dedicated mo kasi parang hindi ko kayang ihandle, here you are, nakikita mo na yung future natin, etc., etc.,pero ako, short-term pa lang ang nakikita ko, parang bawal magkamali, bawal magback-out, bawal ma-fall out of love kasi naiset mo na yung sarili mo na tayo na talaga. Sinasabi mo na wala ka naman ineexpect from your exes, hindi ka lang nila maintindihan pero i think, naiintindihan ko kung bakit sila ganun, kasi ganyan ka, you think ahead of the relationship parang there is this silent rule na they have to level up to you hindi man yun yung gusto mo na mafeel nila pero unconsciously lumalabas siya e. You expected something from them and I felt that too. Ewan ko kung masama ba yun or what pero nakakapressure lang. Iniisip ko kung kaya ko ba yun? kaya ko bang tumagal sa isang relationship na hindi nabobore, hindi nauumay? Minsan kasi may tendency ako na mabore sa mga bagay bagay pero sabi nga nila kailangan kong magtake ng risk para walang regrets. Every time na feeling ko ready na ako, may mangyayaring hindi kaaya aya, nadedelete sa utak ko yung naipon kong lakas ng loob e. Yung song na pinost ko sa wall ko, yung You Got me and Arms, nakakarelate ako sa kanila. Maganda sana kung personal ko na sasabihin pero baka magbago na naman yung isip ko or baka may hindi kaaya ayang mangyari ulit tapos maudlot. Either i let you go or i keep you. Naisip ko baka hindi ko kayang i let go ka, masyadong mahirap, so dun ako sa isa pang choice: to keep you. I'll accept your offer na itry out yung relationship with you kesa pagtalunan natin ito e wala pa naman. So?


Junted: tayo na ba? is that the bottom line of all these
Neish: yes
Junted: then tell me [demanding to kung minsan eh]
Neish: yes, I love you!
Junted: i love you too!
Neish :
Junted: d ka magsisisi, magtiwala ka lang sakin matututunan mo lahat ng kelangan mo matutunan at di ka mahihirapan
Neish : do you trust me?
Junted: yes i do.
Junted: how could you ask that? i mean why did you ask that
Neish: i just want a confirmation
Junted: i dont just trust you. i am surrendering my whole self to you.
Junted: kung my mga prinsipyo akong kelangan baliin para magmatch ang tugtog natin ill do that, give and take lang
Neish: ano naman yung mga prinsipyo mo na kailangan mong baliin?
Junted: i dont ask anything from anyone what important is i know i am being loved. Maprinsipyo akong tao pero di ko ipipilit yun kung di naman kailangan
Neish: ok
Junted: maprinsipyo ka din diba. pero iba pag taong mahal mo na ang subject kasi kahit sa algebra sinasabi there is always an excemption to the rule. yan ang una mong kelangan malaman. the rest will follow and they are not taught ...

There finally, I said it!

Wednesday, October 19, 2011

Monday, October 17, 2011

May Unawaan

Okay. Finally, naiintroduce ko na siya sa bahay as "manliligaw" kahit pa nga para kaming mag-MU (May Unawaan! lalalim!) na kami.  Sobrang bothered pa ako kung paano ko siya ipapakilala, after all, first time ko naman kaya di ba? So I have an excuse para mangarag. Last minute pa nga parang gusto ko pang magback-out pero go lang ako! Alam ko namang kaya niya ang sarili niya eh.

Overall, masasabi ko na I have nothing to worry about. Sabi nga ni special friend, I want to be always in control daw and I worry too much and I guess he's right. Mukhang acceptable naman siya dito sa bahay so, kailangan lang nilang masanay na palaging may pumupunta dito sa amin. At ako, on the other hand kailangang matututong, I let go yung feelings ko for him. I tend to hold back. Ayoko kasing maging clingy, needy at too dependent on him to the point na masasanay na ako at mahihirapan na akong intindihin siya. Sabi niya sa akin, okay lang daw yun, sundin ko lang daw yung sinasabi ng  ko. He likes me dahil mature daw ako mag-isip, sabi ko, tipikal lang din akong babae, nagpapapansin, nagpapapilit, nagtatampo, hindi ako palaging mature. Sabi niya, siya na daw bahala sa akin pag naging ganun ako, after all, tipikal din daw siyang lalaki, naghahanap ng sweetness at affection sa isang girl.

You know what's great about our relationship is that we are open with each other. We can talk about anything under the sun. Hindi ako nahihiyang ibrought up ang mga bagay-bagay, hindi ako nahihiyang sabihin kung ano talaga yung iniisip ko. Siya din naman ganun. Sabi ko nga before, parehas kami ng wavelength, I'm not sure if its good or not pero so far, nagkakaintindihan kami. Dahil nga dun, feeling tuloy ng ibang tao masyadong mabilis yung takbo ng relasyon namin. Pero, nagkakaintindihan kasi kami hindi na kailangan ng paligoy-ligoy pa, o pahirapan pa, basta ginagawa namin yung makakapagpasaya sa amin, go! 

Minsan pag nag-uusap kami, he tends to edit his thoughts, kaya kong sabihin sa kanya na huwag na niyang i-edit pa at sabihin na lang niya kung anong iniisip niya, hindi siya naooffend or something. Siya nasasabihan niya ako na ng mga bagay na he disapproves of, like if he invites me out daw, hindi ko na kailangang idrag pa ang friends ko, he is inviting me out dahil he wanted to have quality time with me (in short masolo). Kung iba yung nagsabi nun, maiinis ako pero na-gets ko naman yung point niya kaya yun.

Feeling ko, nagbabago ako, masyado akong understanding, masyadong patient at masyadong giving, baka hindi ko mapanindigan. *eto na naman ako, nagwoworry ulit. Pasensya na po, hindi ko lang talaga maalis sa sistema ko ang maging cynical. Konting time pa, bibigay na din ako. 

Monday, October 10, 2011

I Love You?

Ako na ang hindi pa naiinlove, ano bang dapat kong gawin ha?

Naka-chat ko si Ate Rox., naikwento ko sa kanya yung 'special friend' ko sabi niya sa akin mahal ko na daw yun hindi ko lang ma-accept. Bigla naman daw akong napaisip di ba? 

Nakikilala ko si Special Friend thru my officemate. Nung una, wala talaga akong balak magpadala sa panrereto ng officemate ko, alam ninyo naman na puro losers lang yung mga lalaking namimeet ko lately so parang pahinga muna ako and besides mag-MA pa ako so busy talaga ang buhay ko at walang space para sa love life. And then, this happened. 

Nung inintroduce kami hi-hello lang talaga, ni hindi ko nga naisip na magugustuhan ko siya or something eh. Yung second encounter (parang aparisyon lang) namin, dun umo-kay! Feeling ko kumportable akong makipagkwentuhan sa kanya, yung tipong friends-friends. Sabi niya sa akin, naappreciate niya yung effort ko na magstay kasama siya kahit todo buyo ang mga magagaling kong officemates. Nung kinagabihan nga ay magkatext na kami. Chill lang. Normal na getting to know. Share-share ng mga usual na bagay like work, family and exes (niya lang--malamang di ba? ang ex ko lang naman ay ex-crush). Every night na nag-uusap kami para lang kaming friends. Hindi ko nga lang alam kung kelan at kung paano kami naglevel-up. Siguro nung hinatid niya ako sa house nung may bagyo o baka naman nung sinabi niyang namimiss niya ako o baka nung first time niyang hinawakan yung kamay ko. Ewan ko, biglang ganun na.

Sabi ko nga, feeling ko, nabuhay yung "dream guy" ko, gentleman, stable, patient, understanding, caring, loving, mature, God-fearing. He's all that. He is too good to be true. Sabi nga nila Ms. Ej at Ate Rox huwag kong isipin na I don't deserve someone like him. Kumbaga kung swerte ako sa kanya, swerte din siya sa akin. 

Ito yung sinasabi nila na, "Love comes when you least expect it." Hindi kaya ako prepared. Winish ko lang naman siya nung birthday ko ah, pinagdasal ko lang naman siya tapos biglang, tadan! Ayan na siya. May warning naman Siya actually (nung sinabi sa akin ng officemate ko na may irereto siya) dinedma ko lang. Malay ko bang magiging ganito! HAY!

In fairness naman, hindi naman niya ako pinepressure or anything, basta pinaparamdam at pinapakita lang niya yung nararamdaman niya. At ako? ganun din, sinusubukan kong tumbasan yung ibinibigay niya sa aking patience at understanding. Alam ninyo ba ang nagawa ko na for him?My friends wouldn't believe this pero I was able to wait for him from 5PM to 9PM for our first date. Imagine, first date namin tapos pinag-antay ako? AKO talaga na very impatient sa mga bagay-bagay. Second date, I waited again for him ng mga one and a half hour dahil 7PM pa ung out niya sa office. Third date, I invited him to watch a movie kaya lang 7PM pa nga siya so I went ahead and bought movie tickets for us plus food na din since 7:50PM na wala pa siya. Siguro kung ibang tao lang yun, 1st date pa lang na pinag-antay ako, tsugi na, pero ano?! I waited for him. Siguro deep inside, alam ko na ilang taon din naman yung inantay ko para sa pagdating niya so ano naman yung ilang oras pa na mag-antay di ba?

Last sunday, I went to Bulacan para magsimba. Nagseserve kasi siya sa simbahan ng 11AM. 7AM palang gising na ako para magprepare. Nag-antay ako sa Trinoma ng more than hour para makaalis yung FX papuntang Bulacan. Narinig ko na nga lang yung first reading niya mula sa labas ng simbahan, responsorial psalm na lang talaga yung narinig ko ng malapitan. Hindi ko din naman siya masyadong makita dahil malabo nga yung mata ko. The idea of surprising him was from my officemate talaga, tapos nakakakita na din ako ng way para maipakilala siya sa bahay as my friend. Super naappreciate daw niya yung effort ko ng pagpunta dun at pagsurprise sa kanya, touched daw siya. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun. To think wala pang isang buwan kaming magkakilala. 

Kakabreak lang din niya sa girlfriend niya of 4-years (I think). Pero inaassure niya ako na hindi siya yung tipo ng tao na papasok sa isang bagay na alam niyang hindi siya makakapag-commit and I believed him. I trusted him 100%. Mali ba yun? Nararamdaman ko naman na sincere siya and all. Kinukwento niya yung ex niya pero parang sinasabi lang niya yun para malaman ko yung mga ayaw niya sa isang relationship. Halos pareho kami ng takbo ng isip, ang hirap paniwalaan na may tao palang pwedeng makaintindi sa akin.

Sobra akong natatakot, ngayon na pina-iisipan ko siya. Parang ang hirap isipin na mawawala na lang siya bigla na parang bula. Hangga't maari nga ayokong masanay at maging masyadong dependent sa kanya. Alam ba ninyong, he talks about marriage at this point and having family din? Though kaswal na usapan lang naman yun, parang nakakatakot isipin pa din. Pero nakikita ko naman yung sarili ko na kasama siya ng matagal pero madami lang akong tanong sa isip.

Paano kung hindi ko pala kayang mahalin siya ng matagal? Paano kung magsawa ako? Paano kung mawala yung feelings namin sa isa't isa? Paano kung hindi niya ako maantay? Paano kung hindi pala kami para sa isa't isa? Paano kung mag-fade ung feelings niya? Paano na?

I think too much daw sabi ni Ms. Ej, kaya lang hindi ko lang talaga maiwasan. Kung pwede lang na iskip namin tong stage na ito eh. AT alam ba ninyong ang song for the week ko eh yung "Nothing gonna stop us now by MYMP" Swak na swak sa amin. 

Sabi ko sa kanya, be patient lang, basta ang alam ko I'm half-way there pero sabi nga ni ate Rox, I am there na. I need more time para i-accept yun! hay! buhay!

Nobody is perfect and yet I feel we are perfect for one another. 

Wednesday, September 28, 2011

Blessings

Haay, andaming blessings lately, nakakaoverwhelm pero super thankful at super happy naman ako. After mga disasters na nangyari before, eto blessings naman. 
Eto nga ang isa sa mga blessings na dumating. I passed the entrance exam of UP SOLAIR so meaning I will be studying AGAIN! Nakakatense at nakakapressure siya somehow kasi you should always be at your best, UP to eh at may work experience na ako so parang may expectation na dapat madali na sayo ang mga bagay-bagay. Thank you po Lord! Hindi ko talaga akalain na makakapasa ako dun, sobrang ninosebleed ako sa exam.

Another unexpected blessing (I consider him as a blessing kasi, he made me happy everyday). I met someone through my officemate. Nung una kaming pinakilala parang hi-hello lang tapos nasundan nung pag-iinvite ng officemate ko dun sa office namin, dun na nagsimula ang lahat. Personally, I didn't expect na everything will turn out fine. I thought, another fail na naman ito pero so far parang hindi naman. Okay siya. Mabait. Gentleman. Definitely may takot sa Diyos. Very smart. Basta yun na. 

With all these, ayokong irush ang mga bagay-bagay. Sabi nga, one step at a time. Kalma lang. Hinga-hinga. THANK YOU PO LORD!

Tuesday, August 23, 2011

Philippine Volcanoes




Ye boi! I love you JAKE LETTS! and I like you OLIVER SAUNDERS!

Saturday, August 20, 2011

A Review

A review not of my life but one the books I've read recently, hindi pa ako nakakapagreview ng libro na ginawan ko ng sariling blog, usually kasi  kung saang website andun yung writer dun ko pinopost but since hindi ko kilala yung writer hindi ko alam kung saan ilalagay. 

Pag hindi ko nagustuhan yung libro, usually hindi na ako nagkocomment pero sabi nga nila makakatulong din yung negative criticism or should I say constructive criticism sa isang writer.

MID siya na nakasabay ng libro ni Dior. Dahil MID siya, binasa ko siya agad. Naloka ako while I was reading it kasi feeling ko bipolar yung heroine tapos later on naisip ko bipolar din yung hero so bagay sila. 

1st issue: Characterization. Alam ko na dapat ang character ng mga bida dapat nag-eevolve sa istorya pero dito parang kinapos ng eksena para maipakita yung pagpapalit o pag-evolve nung heroine. From a mahiyain biglang naging outgoing. Okay yung ganun pero parang naging abrupt lang yung nangyari. Sa unang chapter, college student pa lang yung heroine tapos later on nag-fade na yung "student" character niya naging mature siya na parang 25 years old na siya. Okay lang na hindi magbanggit ng edad as long as masusundan mo yung mga pangyayari tapos alam mo na tumanda na pala sila. Kaya parang bipolar tuloy sila :(

2nd issue: Yung friend na lalaki ng heroine eh parang siya yung hero na nakalaan para dun sa girl.  Too protective for a friend and she's too close to be just his friend. Madami din masyadong characters na nabanggit, nakakalito. **binasa ko ulit yung book for the second time kasi baka wala lang ako sa mood or something pero ganun pa din.

3rd: Sexual tension. Hindi siya masyadong nadevelop sa story parang bigla na lang may nangyari sa kanila dahil nakita nung hero na nakabikini yung heroine basta as a reader alam mong may sexual tension sa pagitan ng bida sa unang interaction nila pero dito wala. 

4th. May mga eksenang fill-in the gap. I know minsan, talagang yung reader yung magpifill-in dun sa story dahil hindi naman dapat ihahain ng writer pero parang yung mga importanteng detalye yung kailangang i-fill in ng readers.

5th. Too much vulgar words? Para sa isang hero, sapat na siguro yung mapapa-shit siya pero siguro nga hindi ko lang type yung hero kaya pati yun napansin ko **dahil may mga ibang hero naman na mapag-mura pero parang hindi lang bumagay sa hero dito.

Hindi naman siya super bad. The fact na naapprove yung novel ibig sabihin okay siya, hindi ko lang siya siguro type. I know babasahin at babasahin pa din siya, sabihan ninyo na lang ako kung okay naman pala siya at hindi ko lang naappreciate yung story. 

Sunday, August 14, 2011

What's Wrong?

Siguro naman aware kayo na patuloy kong hinahanap si Mr. Right, The One, True Love etc., taon-taon, isa sa mga wishes ko ay ang mameet siya. Tuwing magbibirthday ako sinasabi ko na "next birthday ko may boyfriend na ako", hindi ko naman akalaing madami pala akong next na dadaanan. 

Hindi pa naman December 31 para iwrap-up ko ang taon pero pakiramdam ko lang masyadong madaming nangyayari sa buhay ko sa walong buwan na nakalipas, nagiging uneasy tuloy ako na parang ayoko ng umusad pa. 

Alam ninyo yung issue tungkol kay Deadma King, Married Guy, Epal Officemate at Weird-Stalker guy (wala akong posts about dito pero alam ko nabanggit ko na ito sa mga usapan dito) at meron pa pala My Impossible Dream. Hindi ko maintindihan kung anong meron ako at puro sablay ata ang mga lalaking namimeet ko.

Kamakailan lang nagkaboyfriend yung isa kong officemate, wala masyadong nakakaalam dahil complicated (complicated dahil maaring maging issue sa office). Isa ako sa mga nakakaalam nito, hinulaan ko lang naman yun, and oh well, tama ako. Naging friend ko din yung guy at nakakatext ko din once in a while. Supportive ako sa lovelife ng officemate ko kahit pa nga feeling ko she deserve more than that, tutal buhay naman niya yun, go!. Nasabi ko na nakakatext ko yung guy di ba? May nakakalokang eksena lang sa text. Inamin ng guy na may crush siya sa akin, ako naman nashock ako kahit pa nga madalas magparinig yung guy sa text deadma lang ako, iniisip ko, joke lang yun. Sinabi ko iyon sa officemate ko dahil magkaibigan din kami, nagkaroon sila ng maliit na away dahil doon pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko yun, she has the right to know. 

Guess what, yung boyfriend ng officemate ko at yung Married Guy ay partner sa work. Sabi ko nga dun sa officemate ko, hindi na ako makikipaglapit pa o magpapakita ng friendliness sa mga crew nila baka malagyan nila ng malisya. Kung iisipin mo nga hindi naman ako kagandahan (sakto lang), hindi rin ako mabait, Miss Sungit nga daw ako kaya hindi ko sila maintindihan.

Naalala ba ninyo yung post ko about sa new found friend ko? May feeling ako na another sablay guy ulit siya. A month ago, dapat magpopropose na siya sa girlfriend niya pero nagbreak sila at parang nalost siya bigla. Nirefer ng friend-madz ko siya para sa kahit na anong work sa amin at dahil CompSci graduate siya naisip ko na pwede siya dun sa isa sa mga position sa amin. Ininvite ko siya for exam, and then nakapasa siya so interview naman, napili din siya nung boss so for requirements. Nakatext ko siya dahil sa mga iyon. He invited me out with my madz, umokay naman ako tutal kasama naman yung friend ko. Sa mga palitan namin ng texts, hindi naman ako manhid o tanga para hindi mapansin na nagpapalipad hangin siya sa akin. Deadma lang ako, last thursday, dumaan siya sa office dahil gusto daw niya akong makita at kahit naghintay pa siya ng 2 hours sa akin. Hinatid niya ako hanggang MRT. He asked me kung gusto ko daw kumain sa labas sabi ko naman pag kumain kami sa labas dapat kasama yung mga friends ko at hindi pa din naman ako gutom.

Hindi ba dapat kinikilig ako sa mga texts, tawag at pagpunta niya sa office? Pero ZERO! In my mind, gusto ko lang makatulong sa kanya para mawala yung pagkabore niya sa bahay nila (dahil mag-isa lang to at nasa mindoro ang family niya). I have this feeling kasi na, he needed someone to uplift his ego by dating someone again. Hindi ako naniniwala sa love at first sight dahil hindi ko pa naman yun nararamdaman kaya alam kong hindi pa naman seryoso kung ano mang pagka-crush ang meron siya para sa akin.

Okay naman siya actually, matangkad, may lahing chinese, gentleman, sweet PERO hindi ako kinikilig sa kanya, either naMANHID na ako or wala lang talagang SPARK. Hindi ko alam kung nasobrahan na ako sa kakabasa ng PB pero hinihintay ko yung "butterflies in my stomach" "erratic heartbeat" and "spark in my eyes". Am I expecting too much? Pero hindi ba dapat mararamdaman ko yun kung siya na nga? kaso wala eh. O baka naman hindi yun nararamdaman agad? baka pagnagtagal tska yun lalabas? Super late bloomer nga siguro ako kasi dapat iniisip ko to nung college pa ako pero wala akong magagawa ganun talaga.

Sabi ko sa sarili ko, kapag dumating na si Mr. Right ngayon, handa na ako pero parang hindi pa din pala. What's wrong with me?

Saturday, August 13, 2011

Sunday, August 7, 2011

Adele - Rolling In The Deep




Parang ang sexy ko everytime pinapakinggan ko ang song na ito therefore this will be my song for the week! **hanggang sa mafeel kong bloated na ako! ;)

Tuesday, August 2, 2011

Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin

Rating:★★★★
Category:Music
Genre: Other
Artist:Angeline Quinto
May gusto ka saking mahal
May balak kang agawin siya
Itsura pa lang sakin lamang ka na
Ligawan mo sya siguradong magwawagi ka

Nakikiusap ako sayo, nagmamakaawa
Kunin mo nang lahat sa akin
Wag lang sya

Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Alam kong kaya mong paibigin sya
Sakin maagaw mo sya
Pakiusap ko sayo magmahal ka na lang ng iba
Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
Pag sa aki'y inagaw mo sya

May pakikilala ako sayo
Kasing ganda ng mahal ko
Sya na lang ang ibigin mo

Nakikiusap ako sayo nagmamakaawa
Kunin mo nang lahat sa akin
Wag lang sya...Wag lang sya

Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Alam kong kaya mong paibigin sya
Sakin maagaw mo sya
Pakiusap ko sayo magmahal ka na lang ng iba
Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
Pag sa aki'y inagaw mo sya

Ikamamatay ng puso ko
Pag sa aki'y inagaw mo sya

Napakinggan ko siya kaninang umaga at na-LSS na ata ako at feel ko lang siyang gawan ng review :P

Maganda yung melody niya pero yung message kasi ng song parang nakakainis na nakakalungkot.

Di ba parang ang desperate nung girl pag ginawa niya ito? Ang makiusap dun sa other girl na huwag agawin yung guy to the point na bibigyan na lang niya yung girl ng ibang lalaki para mahalin, naku ha?! sobra na yan, bawal mag salita ng patapos pero, hindi ko ata kaya yun gawin, ang magmakaawa para lang hindi agawin yung "mahal ko" sa akin. Parang napakababa din ng self-esteem nung girl para isipin na kayang agawin sa kanya yung mahal niyang guy eh hindi ba dapat two way din ito? yung lalaki dapat iprove na hindi siya magpapaagaw, masyado naman atang sinuswerte yung lalaki para pag-agawan ah!

On the other hand, paano nga naman kung super mahal mo talaga yung guy no? or paano kung malapit ka ng mamatay tapos yun na lang yung panahon mo para makasama yung guy? **emo lang** nakakalungkot.

Saturday, July 30, 2011

Source Code

Rating:★★★★★
Category:Movies
Genre: Mystery & Suspense
I love this movie! I should have watched it in 3D and it would all be worth it but unfortunately I just watched the downloaded version but nevertheless it was GREAT!

I love the concept of SOURCE CODE, its a computer program by the way. The whole simulation of a parallel universe amazes me. Imagine, the last 8 mins of your life is being captured by a computer program?! Amazing isn't it?!

First point: I love the science-fiction-mystery-suspense combination in this movie, you really need your brain cells working in here. It even made me think what if all you have is 8 minutes to change your life what will you do? I like watching movies that are really informative but not dragging or boring.

Second point: I love how the character of Captain Stevens evolved in the story from a confused, incomplete man to a satisfied, complete hero. The twists were in the right place, it was great, really!

Third point: I love their love story! What if just before you die you will find the love of your life? its hard right? Emotional indeed! Heartbreaking but I guess their emotions were filled-in (thanks to a few 8 mins of their lives) and I was satisfied by the way it was shown in the movie (although of course, I would want a happy ending). If you were in their place, what will you do in the remaining 8 mins of your life?

"Tell me everything gonna be okay"
"Everything's gonna be okay!"

"This is not time travel, this is time-reassignment."

"It is irrelevant"


I love the ending! It made you want for more!

Captain America

Rating:★★★
Category:Movies
Genre: Science Fiction & Fantasy
**WARNING!! SPOILER NEISH ON BOARD**

The movie was good but not as good as Inception or (for the others) HP7 or any of their favorite movies.

Why?

There were parts of the movie that was a bit dragging. There were also scenes that I think can be removed from the movie without affecting the story (like how they promote 'Captain America' with all those stage plays and how they destroyed the enemy's camp, etc). I probably expected too much that was why I got a bit disappointed. They should have focused more on Captain America being the hero and all, and they should have added more complicated twists and made it more action packed without the boring parts.

I was also waiting for an elaboration on how Captain America's shield became that way, they just said that it was made from a rare metal and that's it, no more explanations. I also heard that in the comics, it was Captain America's ring but in the movie they made it a shield (or probably it was a shield first before it became a ring?).

BUT I have to admit that Chris Evans' body was really hot and "yummy!" hehehe! it made everything more bearable. I love the part where Steve and Peggy were talking over the transmitter (hmm, i don't know its name but they were in a control booth) and Steve was saying he will save a lot of lives by letting himself die. Peggy was inside the control booth and trying to convince Steve to live for her and then the conversation ended with a promise of a date (I guess that was the best part).

The second best part was the ending, where Steve woke up after 70 years! (spoiler!) and I was telling my friends that I felt bad for their love story.

"Because a weak man knows the value of strength, the value of power"

"You just don't know when to give up do you?"
"I can do this whole day"

last line:

"It's just... I had a date"

Wednesday, July 20, 2011

Realisasyon

from FB notes:


Kanina habang paakyat ako ng hagdan, may naisip ako: ang buhay pala ay para ding pag-akyat ng hagdan, kailangan mong humakbang ng paisa-isa nang walang pagmamadali para malagpasan natin ito ng matiwasay.

 

Ang buhay natin ay isang paglalakbay patungong langit (sino ba naman ang nabubuhay para makarating ng impeyrno di ba?) at sadyang hindi ito madali para kanino man. Noong mga bata pa tayo, tinuturuan tayo ng mga magulang natin na tumayo sa sarili nating mga paa, dahil alam nila na kailangan nating lakbayin ang buhay na bigay Niya sa atin.

 

Sa bawat paghakbang na ito, hindi natin kailangang madaliin dahil baka madulas tayo o baka mapatid tayo. Minsan, nararamdaman natin na kailangang marating natin ang tuktok agad, ni hindi na natin napapansin ang ibang taong nakakasabay natin sa paglalakbay. Minsan din sa pag tanaw natin sa itaas  maari din tayong madapa at masugatan dahil hindi na natin nakikita ang nilalakaran natin. Madapa man tayo at masugatan kailangan nating magpatuloy.

 

May mga pagkakataon na kailangan nating lingunin ang pinanggalingan natin pero dapat pagkatapos nun, uusad tayo dahil pag masyado tayong nagtagal sa pagbabalik tanaw maari tayong malula at mahulog o maari din tayong makaabala sa daan. Minsan napapagod din tayo, kaya kailangan nating tumigil at magpahinga pero siguruhin nating uusad tayo pagkatapos. 

 

Dumarating din tayo sa puntong, kailangan nating mamili ng tatahaking landas. Hindi din naman kasi pwedeng sa deretsong daan lang tayo, minsan kailangan nating lumiko. Hindi din maiiwasan na may madaanan tayong matarik na hagdan, mahirap pero kailangan natin itong malagpasan. Kaya nga merong barandilya (salamat sa google at tinagalog niya para sa akin ang handrail!) pansuporta, pang-amot ng konting lakas.

 

Minsan kailangan din nating magparaya sa iba para mauna na sila dahil kung hindi maari kayong magkabangaan at mag-away, maabala pa kay pareho. Hindi masamang magparaya basta alam mo sa sarili mo na kaya mong mahuli, hindi maglalaon masasabayan mo din sila.

 

Ang hirap no? Pero wala namang may sabing kailangan nating maglakad ng mag-isa. Kaya tayo meron tayong kapamilya, kaibigan, kaklase, kabarkda, katrabaho, kabatak, kai-bigan, at kapanalig para kahit papaano maibsan ang hirap at mas maging magaan ito.

 

Hay buhay! 

Saturday, July 16, 2011

Birthday Rush!

Isang taon na naman ang nadagdag sa number age ko! Pero matagal na akong tumigil sa pagtanda, nastuck ata ako sa 18! wahaha! LOL!

HAAAY! BUHAY! Andami nang nangyari sa akin, half a year palang, minsan gusto kong huminto na muna para mahabol ko yung mga bagay-bagay. Ironic no? Kung hindi kasi ako titigil pansamantala, hindi ko sila mapoproseso. Dadaan na lang sila nang hindi ko namamalayan. 

Hinahanap ko yung blog ko last year pero wala pala, gumawa lang ako ng review ng buhay ko days before my birthday! Sa isang kisap mata, 24 na ako! Next year 25 na, year after next 26...

Ngayong birthday ko, may isa lang akong wish sa tuwing hihipan ko ang kandila sa cake ko:

"Sana po magkaboyfriend na po ako, yung "the one" ko po sana mameet ko na."

In fairness ah, ngayon lang ako nagwish ng ganito for my birthday. Siya na bahala kung posible na ito ngayong taon. Ang saya nun pag natupad yung wish ko ngayong taon! hehe! magkakaroon ako ng bonggang celebration sa 25th birthday ko! 

Salamatan portion na:

Maraming salamat kay Papa Jesus for giving me another chance to prove that I am worthy of this life. 

Sa aking pamilya! mahal ko kayo! 

Sa aking mga ka**so: Ateng, Pot, Bj at Kitin! I labyu forever! Salamat for still keeping me as your mean friend! Kayo na yan! again, mula sa kaibuturan ng aking **so, maraming salamat!

Sa aking mga Madz na sina: Kc, Rach, Mean and Fely: inaantay na tayo ng El Nido! Keep in touch, walang bibitiw! mahal ko kayo! Pati na din sa aking magaling na boss na si Joie Llanillo!

Sa aking mga UST peeps na sina: Pau, Rose, Aires, Marga, and Eyn: Miss ko na kayo girls! alam ko kahit madalang tayong magkita, andyan lang kayo for me! Sleep-over tayo! <3

Sa aking mga paboritong manunulat at dear friends na sina: Victoria Amor, Edith Joaquin, Yumi Sagara Carla Giopaolo, Elise Estrella, Doreen Laroya, Ivy Claire, VP Dianne, Mariane Reign, Danica, Ate Yewel, Leng, Leah, Nikka, Aki, Cess pati natin sa Bookware family: Ms. Malou and Ms. Apple!

Sa Kapuso Admin: Kuya Jonas, Ate Magic, Ate Gizelle, Manay Cy, Ate Kits, Ralph, Kuya Richard, Kuya Ali, Sir Git and Ma'am Kelly! the best kayo! kaya natin to! 

Sa lahat ng nakaalalang batiin ako! Salamat! Next year ulit! 

Saturday, July 2, 2011

Another Dream

Namiss kong magpost ng blog sa multiply puro na lang kasi ako twitter at FB! 

Meron ako ulit encounter with "that man" sa aking dream. Medyo blurred na sa isip ko pero naisave ko siya sa cellphone ko parang ganito yung scene:

May sakit ako tapos may isang guy (na feeling ko kilala ko siya, andun kasi yung familiarity). Nasa loob kami ng isang bahay (na hindi ko maalala kung saan ko siya nakita), nasa sala kami at dahil nga masama yung pakiramdam ko umiiwas ako sa kanya pero sabi niya sa akin na okay lang, nagpunta kami sa rooftop na magkaholding hands. Along the way mga mga ibang characters kami na makikita and then i-aassume nila na kami na. Next scene, yayakapin ko siya na parang gusto kong itago yung mukha ko sa dibdib niya. In my mind alam kong mabango siya. Next scene naman sa work place (hindi sa GMA pero yung ilang tao dun, from GMA), magpapalit daw kami ng work assignment, yung iba naming officemate nahiwalay sa amin pero kami hindi. Tapos ayaw pa niya akong iwan pero dahil kailangan na naming magwork umalis na siya. Ayun, dun na ako nagising.

Every time na mananaginip ako, nararamdaman ko yung mga yakap, holding hands at kung may kissing scenes parang totoo! Kaya minsan gusto kong iextend yung panaginip ko para mas mafeel ko pa yung mga yun, mapagkakitaan man lang! hehehe!

Ano naman kaya sa susunod? Titigan ko na siya ng husto para makilala ko siya!

Friday, April 29, 2011

Freedom

I remember two years ago, I was trying to break free from the company which makes me sick everyday. I understand Ivy very well, somehow I can relate

Sa ngayon kasi hindi yung company ang may problema, yung tao na, well, lets say isang tao. Minsan talaga malas ako sa mga nagiging katrabaho ko. 

I will mark this day *birthday pa naman ng friend kong si Ateng! Happy birthday!* pero talagang hindi ko siya kinaya! I broke down in front of him! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang wala na akong karapatang magdecide on my own at sobrang tanga ko ba at very incompetent ako para iguide ako ng sobra?! Siguro hindi ko talaga kaya ang mga face to face discussion about things that I am not ready to face. Mas okay akong mag-express kung isusulat na lang, dito kasi napag-iisipan ko pa yung sasabihin ko. 

Wala namang problema sa akin kung pag-usapan natin yung problema pero para diktahan ako na hindi ako dapat gumalaw nang hindi mo alam, sa tingin ko sobra na yun. Sinasakal mo na ako! Sa lahat ng ayaw ko ay yung hinahadlangan ang kalayaan ko to express myself (in whatever way). Ang alam ko kasi democratic country to, may karapatan akong mag-rant, mag-whine, magwala! lalalong lalo na kung pag-aari ko naman ang "account" ng kung anumang networking site! Mataas talaga ang resistance ko pag-alam kong pinipigilan ako sa bagay na ginagawa ko lalo na kung alam kong wala naman akong ginagawang mali. 

Real world would never really be a perfect world, pero ang mundo na ito ay hindi sa iyo! Hindi kita boss para magreport ako araw-araw. Gusto mo na yung mga intern nasusupervise mo ng husto, edi sayo na! Kaya wag mo akong or kahit sino sa amin na binaby-pass ka! Wala kang hawak na empleyado.

Ano ba ung sinasabi mo na ayaw mo na mangyari sa akin yung nangyari sayo? Magkaiba naman tayo! sa isang taon ko na tinagal dito, wala pa naman akong kontrobersyang nasangkutan, ewan ko sayo. You said you are just helping me grow pero I'm telling you, you are not helping me grow, para akong halaman na dinidiligan mo araw-araw pero hindi mo ako hinahayaang maarawan! Lulunurin mo ako tubig!

Huwag ka masyadong ganid sa kapangyarihan dahil hindi mo yan madadala sa langit! Aanhin mo ang kapangyarihan na yan kung wala namang nagmamahal sayo?! At the end of the day, ano ba ang na-accomplish mo? Ang mamuno? oh, tapos? Pag naging tunay na boss ka, I'm telling you, aalis talaga ako! bumuo ka ng sarili mong team! 

From now on, I'll prove to you na I can do better things for the company! I will not let you pull me down or drown me with your so-called power! I just need to practice my assertiveness more. I will not give up my freedom to grow!

Friday, April 22, 2011

Holy Week - The Experience

I was invited by Kuya Jonas and Ate Magic to spend the holy week with them. I had to think it over for how many days pa dahil nga I usually spend it with my family at home. Tapos naisip ko, I could try it since wala din naman akong gagawin sa bahay kundi mga household chores *takas*. 

When I agreed with them, I didn't expect it to be that "exciting" and "memorable". 

Maundy Thursday

11AM, umalis ako ng bahay papuntang Malolos, Bulacan. 12AM na ako nakasakay at nakaalis ng Trinoma dahil a.) mahaba-haba ang pila papuntang Malolos, at b.) wala masyadong bumibiyahe. 1:30PM na ako nakarating ng Malolos crossing, mga quater to two nila ako nasundo dun. Pumunta kami sa bahay ng boss namin, si Mam Kelly. Dinala kami nila Mam sa new house nila. Hindi pa tapos na tapos yung bahay nila pero maganda yung structure. Nagpicnic kami sa labas ng bahay nila. Kwentuhan, at mega sharing. I always like hearing their production stories, madami ka kasing matutunan sa mga experienced people like them. Nakapag-open up din kami tungkol sa unlikeable officemate namin. 

6PM umalis na kami para maghanda sa Visita Iglesia. Halos 7:30 na din kami nakarating sa Basilica Minore de Imaculada Concepcion, ang unang simbahan namin. Nakasama ko yung family ni Ate Magic and Friends ni Kuya Jonas. Hindi naman ako na-OP dahil nameet ko na din naman before yung mga kapatid ni Ate Magic, at friendly din naman yung friends ni Kuya Jonas. Naexperience ko ang ginagawa sa Visita Iglesia. Dati akala ko, magvivisit ka lang talaga sa mga simbahan, meron pa palang reading, reflection at prayer na gagawin.  Pangalawang simbahan sa Barasaoin Church. Nakarating na ako dito before pero hindi ko pa napapasok. Ang ganda nung loob niya at madami ding mga tao. After nun, dumaan kami sa bahay nila Kuya Jonas para kunin yung tubig then off to the third church. Pangatlong simbahan, Parish Church of Sta. Isabel, ako ang naglead ng prayer dito. Nauutal pa ako sa pagbabasa nung prayer at yung Our Father, Hail Mary at Glory Be nila tagalog! e hindi ko alam yung tagalog version, sabi ko kay Ate Magic siya na lang yung part na yun or in english ko dadasalin yun. Pang-apat na simbahan, Sta. Maria Trinidad Church tapos panlimang simbahan, St. James the Apostle Parish, Pang-anim na simbahan,  Sta. Rita Parish, may mga batang angel talaga na nasa stage/altar. Yung pampitong simbahan ay yung St. Martin of tours Church sa Bocaue na kung saan kami na yung last na nagpunta dahil 12AM na nun so magsasara na sila, buti na lang pinatuloy pa din kami. May eksena pa dito na may matandang babaeng pumasok, nagsusungit, bakit daw kami nakaharang sa may pinto, hindi daw makapasok yung gustong pumasok. Tapos nagmano dun sa pari at lumuhod at taimtim na nagdasal. Parang nakita ko sa kanya yung mga iprokritang mamamayan sa Noli Me Tangere at El Fili, makasalanang-maka-Diyos! Anyway, hindi na namin pinatulan bilang nagbi-visita Iglesia kami at matanda na siya.

Station of the Cross sa Divine Mercy National Shrine. Andaming tao, weird lang kasi kalahati sa nagpunta at nakita namin parang hindi naman nandun para mag nilay-nilay. They meet with their friends, family, boyfriends-girlfriends. Pero naisip ko, sino ba ang masama? Sila na naalalang gunitain ang mga religious practices ng simbahan or ang mga taong piniling manatili sa bahay at balewalain ang holy week? Well, bahala na si Lord sa kanila. Mga ilang istasyon din ang binasahan ko ng prayer, hindi ko na malaalala kung anu-ano yun basta apat na beses akong nagbasa dito. Naisip ko na sana next year may makasama din akong friend sa Visita Iglesia. Kahit bonggang lakad yung ginawa namin, hindi sumakit yung legs ko o yung katawan ko. Siguro, dahil para naman sa Kanya yung ginawa ko at ako, sa sarili ko, bukal sa loob ko yung ginawa namin kaya hindi na Niya ako hinayaang manakit ang katawan, pero sinipon at inubo ako. Pinaghalong puyat, pagod at pagkainin ng ice cream. 

Good Friday

Alas kwatro na din kami natulog nito at gumising kami ng 8AM para makita at mapanuod ko ang mga nagpipinetensya at nagpapapako sa Krus sa Paombong, Bulacan. Pinag-suot nila ako ng black shirt para daw hindi makita yung talsik ng dugo (ewwness to!) Pero dahil tinanghali kami, isa na lang yung nakita ko (hindi ako natalsikan dahil lumayo ako). Three out of five ang nakita ko na nagpapako sa Krus. May video ako nung last na nagpapako. Andun din pala yung mga crew ng Rescue para icover yung event. Ayun, nakapunta kami sa harap mismo ng stage (ginamit namin ang koneksyon). Sobrang init as in dahil tanghaling tapat! Nakablack pa ako, nangitim  ako ng bongga! I'll post the video one of these days. or better watch rescue on Thursday, after Saksi. Hindi dito nagtatapos ang journey ko. Pinasabay na nila ako sa van ng rescue pauwi para hindi na daw ako mahirapang sumakay ng bus. Andito na exciting part. Kailangan pa nilang mag-interview ng doktor at yung last na nagpapako sa Krus dahil yun ang case study nila. Naligaw kami papuntang Hagonoy. Natagalan kami sa pag-iinterview sa CS dahil may nag-aamok na lasing at pinapaalis yung van namin, kinailangan pa naming lumipat ng lokasyon at inabot na kami ng 8PM! Napagdesisyunan nila na magdinner, dine in dahil sa sobrang katoxic-an. Nasa KFC kami sa Tabang exit ng NLEX, kumakain na kami nang biglang may nagkagulo sa labas, may sumalpok na sasakyan sa center island. Hindi pa kami tapos kumain lahat, at bilang Rescue ang kanilang show sabi ko sa kanila, icover nila yun, dali-dali silang nagpunta sa labas dala ang camera *na buti na lang may dalawang extrang tape pa si Kuya Leonard (assistant videojournalist). Naiwan ako sa loob para bantayan yung pagkain, thinking hindi naman sila magtatagal, pero I was wrong, grabe yung nangyari sa driver *watch Rescue for more details*. Nag-take out na kami ni Chard *yung researcher*. Maya-maya, may nagkabanggaan na cars ilang kilometro lang ang layo sa pinangyarihan ng unang aksidente. Bakit sila nabangga? mga usi kasi! Buti na lang galing sila sa Visita Iglesia kaya hindi na sila nagtalo, pinag-usapan na lang nila ang bayaran ng damage, etc. Napag-usapan palang namin habang nasa van na magkakaroon na sila ng istorya ayun! biglang meron nga. 11:30PM na ako nakauwi sa bahay, nag-offer na sila na ihatid na ako sa bahay pero nagpababa na lang ako sa tricycle-an. Feeling ko, bigla ako nagkaroon ng "immersion" sa programa. Tayong-tayo na nila ang buong episode just in one day! Thanks to me daw! hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil may naaksidente kaya! Buwenas na malas! Nakakapagod ang buong experience na ito as in. Nafeel ko kung ano ang nangyayari behind the scenes! Nakita ko kung paano sila nagwork, hindi kumain on time, etc. etc. 

Sabi nila patay daw ang Diyos pag sapit ng 3:00PM, pero gusto kong maniwala na andyan pa din siya at nakikinig sa mga little prayers ng tao. Nang hiniling namin ni Chard na sana magkaroon pa sila ng istorya hindi ko naisip na ganun kabilis. Parang ang nega ng dating kung point of view nung naaksidente yung titingnan pero sa point of view namin, hindi *masama na ba kami dahil dun?*

Napagalitan ako, pero ayos lang, the whole experience was worth it! Hindi ito ang inaasahan kung outcome pero thank You na din dahil madami akong natutunan at narealize sa lahat ng ito! 

p.s: pasensya na kung masyadong mahaba ang kwento ko, hindi pa yan detailed pero yan naman ang mga highlights! 

Sunday, April 17, 2011

A Wedding

I attended a wedding yesterday. It was a very simple wedding pero parang punong-puno siya ng love and sincerity. Parang yung mga binabasa ko lang na libro at favorite plot ko, best friend-turned-lovers! :) 

May moment lang na nagpaflash sa utak yung sarili kong wedding. Hahaha! O di ba?! Atat?! Anyway, boyfriend muna. 

First time kong maka-attend sa "after-the-wedding-party" which is "inuman". Napasubo kami ng friendship kong si Paula. Bigyan ba naman kami ng Emperador Brandy Light! Bonggang shock talaga ako. Anyway, bilang nasa probinsya kami at kailangang "makisama" ayun, uminom kami ni Pau! Who would have thought na mauubos namin ang isa't kalahating brandy?! Apat lang ang nagtatagayan hanggang sa tatlo na lang kami. Hilong-hilo talaga ako dun after ng hindi ko nabilang na shots. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa CR AT ayun, bumigay na ako! Nagtawag na ako ng uwak! For the second time in my life! Nung unang beses kasi dahil sa tequila at gin ngayon naman dahil sa brandy! Pagbalik namin sa bahay, ayun plakda agad ako! Hanggang pagkagising ko may feeling pa din ako na parang masusuka ako na hindi *hang-over na ba yun?!*

ayun, sharing lang! hindi na rin kami nakaikot masyado! next time na lang siguro! :D

Saturday, April 2, 2011

Crazy Little Thing Called Love

Rating:★★★★★
Category:Movies
Genre: Romance
Unang nagsabi sa akin na maganda itong movie na ito ay si Pot, tapos si Jami, tapos si Aimee. May kinopy ako na movie sa kapatid ko, hindi ko alam na ito pala yun. I got bored yesterday kaya pinanuod ko.

Mega tawa at iyak ako. Classic story na nga siya kung tutuusin, ugly duckling turned to a swan. Pero na-tats pa din ako.

Aakalain mo na one-sided love ang concept ng movie pero hindi pala. Di ko na nga napigilan mapaiyak sa last part. May gusto din pala si Shone kay Nam! Bongga talaga yung flashback na yun.

Siguro isa sa mga natutunan ko sa movie na ito ay kung kayo talaga, kayo. Humadlang man ang panahon, magkikita at magkikita pa din kayo lalo na pag parehas na kayong mature at handa na sa isang relationship. Tinuro din dito yung importance ng friendship! You must stick with your true and real friends no matter what.

Try to watch it! Ang ganda niya!

Friday, April 1, 2011

Maling Dahilan

Dahil sa mga nangyayari sa mga OFW natin sa ibang bansa, naalala ko yung isang lecture namin sa SCL 3. Ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino ay PANANDALIANG solusyon lamang sa UNEMPLOYMENT dito sa Pilipinas. Pero sa pagdaan ng panahon, ito na ang naging PANGUNAHING solusyon ng gobyerno para umangat ang ekonomiya ng bansa. Sinasabi na prinoject lang nila na ilang taon lang ito na magiging OPTION at pagkatapos kailangan nang tapusin pero ganun ba ang nangyari? HINDI.

Ito na ang naging sagot sa patuloy na inflation rate ng bansa. Ito na ang naging sagot ng mga mamamayang Pilipino sa kahirapan nila. Ito ang EASY MONEY para sa kanila. MALAKI kasi ang epekto ng mga dolyar na nireremit ng mga OFW sa estado ng bansa. Ito na ang isa sa naging pambayad utang natin.

ALAM ba nila ang tunay na epekto nito sa atin?

SA PAMILYA. Ito nga daw ang pangunahing bumubuo sa isang mamamayan. Dito nilililok at hinuhubog ang mga kabataang PAG-ASA ng BAYAN. Pero malaking porsyento ng mga Pilipino ang nagiging OFW. Sino na ang huhubog sa mga ANAK nila? Sino na ang magtuturo ng tamang landas sa kanila? Ang mga Lola at Lolo nila? Tiya at Tiyo? Mga kapit-bahay? Isa ito sa mga nagiging dahilan ng pagiging rebelde ng mga bata ngayon *inuulit ko, ISA lamang ito sa dahilan at hindi ko ni-lalahat* Nakakalungkot dahil, yumaman man sila ang katumbas naman nito ay pagiging watak-watak ng pamilya. Sapat ba ang pera na pinapadala nila sa pamilya nila para hubugin ang kanilang mga anak? Sapat ba ito para ituwid ang landas nila? Mapag-aaral nga nila ang kanilang mga anak sa magandang eskwelahan, mapag-tatapos nila at ANO PA?!  Yun na lang ba ang paraan nila para maparamdam ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga? Naniniwala pa rin ako sa PROXIMITY. Ang PRESENSYA nila ang mas mahalaga. Hindi na nila maibabalik ang panahong nasayang nila, hindi na nila makikita muli ang UNANG ngiti, ang UNANG hakbang, ang UNANG kaibigan at madami pang-UNA ng kanilang mga ANAK. Yun ba ang ang pangarap nila sa kanilang PAMILYA? Kelan sila babalik? pag HULI na ang lahat? ano na lang ba ang maabutan nila? ang HULIng asawa ng kanilang anak? ang HULIng apo nila? ang HULIng ngiti? ang HULIng buhay?

SA BARANGAY. Hindi na bago sa inyo ang mga kwentong barangay na may mga mamamayan na OFW. Ang mga asa-asawang naiwan dito sa Pilipinas ang tumatanggap ng mga PADALA nila. AT pag-nagbabalik-bayan ang mga OFW uso ang PASIKATAN sa BARANGAY.  Bibili ng bagong sala set si Misis dahil nagpadala si Mister sa kanya. Si Kapit-bahay naman nakita ang na nagpadala ang Mister ng KUMARE nila. Tatawag siya sa Mister niya at manghihingi din ng pera para matalbugan ang sala set ng Kapit-bahay. Patalbugan dito, patalbugan doon hanggang sa umabot sa puntong mangungutang na sila para mapanindingan ang pagiging MAYAMAN nila sa barangay. Magkakaroon ng IRINGAN sa pag-uwi ng mga OFW nilang mga asawa. Hindi naman piyesta sa kanila pero talo pa nila ang may piyesta sa dami ng handa ng bawat pamilya. Isa lamang ito sa mga klasikong kwento sa isang barangay.

SA BANSA. Hindi ako masyadong magaling sa ECONOMICS na subject pero nakikinig naman ako paminsan-minsan sa prof namin. Tulad nga ng nabanggit ko na, nakakatulong sa ating ekonomiya ang mga "remittances" nila. Hindi na ma-abolish ang kalakaran na ito dahil NAKAKATULONG ito sa ekonomiya. Ilang taon na din ba mula ng NA-USO ang pangingibang-bansa? Naging negosyo na nga ito ng ilang nating mga kabababayan, nagkaroon na ng mga kumpanya na nagdadala ng mga Pilipino sa ibang bansa para mag-trabaho. Nagkaroon na ng mga DEPARTAMENTO na nakatututok sa mga overseas filipino worker. PANANDALIAN lang daw na SOLUSYON pero bakit ganito?


Hindi ko itatanggi na may mga kamag-anak din akong OFW. Kinakabahan din ako para sa kanila lalo na't napapabalita na may mga gulo na din sa Saudi Arabia. Pero hindi ko maiwasang magkumento tungkol dito. Naging saksi ako sa TUNAY na kalagayan ng mga kamag-anak ko, nakakalungkot PERO yun ang reality ng mga buhay nila. SANA dumating ang panahon na hindi na nila kailangan pang mangibang-bansa para mapabuti ang kanilang buhay. SANA magkaroon tayo ng TAMANG kasagutan sa KAHIRAPAN