Friday, May 22, 2009

Anawanigan, Zambales

Start:     May 23, '09 03:00a
End:     May 24, '09
Location:     Anawanigan, Zambales
masinop outing!

Sunday, May 17, 2009

Kapitan Sino

Rating:★★★★
Category:Books
Genre: Literature & Fiction
Author:Bob ong
Super strength turned Kapitan Sino!

*Mejo nahirapan ako sa paghahanap ng book na ito. Wala sa National Bookstore ng Glorietta so ang next stop ko eh sa National Bookstore ng Trinoma, wala pa din. Finally, pinuntahan ko yung Powerbooks (Trinoma) meron na!! pero mga 7 copies na lang yung nakita ko. Anyways.. (ayokong maging spoiler so di ako masyado maglalabas ng kwento d2)

Four stars ang rating hindi dahil hindi siya maganda pero may mga nabanggit lang na mga pangyayari, bagay, at pangalan na hindi pamilyar sa akin so di ko masyado na-appreciate. Tulad ng:

*Pelikulang Iron Eagle
*Sino si Jograd De la Torre?
*Sino si Carole King? at ano ang mga kanta niya?

May part din dun na may halimaw na pala pero di masyadong nagsink-in sa akin (eto na kasi yung part na nakatulugan ko..)

Ang libro na ito ay sumsalamin ng isang tipikal na barangay sa isang probinsya. Mula sa uri ng pamilya, klase ng pag-uugali at ang kapaligiran. Sabi ni BO (sa facebook) na mas makakarelate yung mga magbabasa nito na ang edad eh 27 pataas.

May love story rin dito sa libro (isang chapter din yun ah). Yun nga lang tragic. Pwede nga itong gawing pelikula eh dahil sa mga dramatic scenes. Madami din quotable quotes sa chapter na yun..

Lahat lahat, maganda siya. Madami kayong mapupulot na aral at karagdagang kaalaman (katulad din sa iba pa niyang libro.).

Mga quotable quotes na favorite ko:

*Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag"

"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo eh. Minsan isang tao lang ang kasama mo buo na ang mundong kailangan mo habambuhay."

"Ang pinaka magandang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata"

"Mag maskara ka man o hindi huhusgahan ka ng mga tao!"