Monday, June 4, 2007

Reasons for being single

Eto ang mga dahidahilan ng ilan kung bakit pa sila single

 

1. Destiny Adik

 

Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. ayan... kapapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila such a cliché.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is useless.

 

//wah!! Minsan ganyan ang dahilan ko.. though I make efforts naman//

 
2. Perfectionist/ Mapili

Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung gusto mo halos magtambling ka pero deadma parin yang stunts mo sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?

//I think di ito maiiwasan lalo na dun sa mga naloko na before, they are just probably searching for the best kung di man perfect db? At bagay to sa may matataas na standards na di mo na alam kung anong hanap nila..hehe..//

 3. Busy Busyhan

Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.

//GUILTY!! Well, di naman kasi maiiwasang maging busy noh.. lalo na ngayon, may thesis, practicum at kung anik-anik pa.. Nakakapagmall pa din naman ako paminsan at nakikipag-session sa mga friends so mejo parang ganito lang ako..//

4. Friendship Theory

Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho kayong naghihintayan. . hmmp!

//Parang madami akong kakilalang may ganitong theory!! <ehem!> I don’t want to mention names for privacy purposes.. Hahaha!! Ang masasabi ko na lang: GUDLUCK!//


 5. Born-to-be-one (Autistic)

 Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa noh!

//hmmm.. parang minsan ganito ako.. though for sure di naman ako tatanggapin sa kumbento..haha! feeling ko lang.. bakit ba!//


 6. Happy-go-lucky

 Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw... Walang halong seryosohan. ABA hoy! yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

//This is not me. Hindi naman natin  masisi yung iba na maging ganito kasi takot silang magkaroon ng commitment kaya kahit sino na lang. Ang hanap ng mga ito ay fling lang.. Fling means Feeling of Love but It is Not Growing.//

 7. Wrong Place

May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.
 

//Ano naman ako? Alien? Para mafeel na nasa ibang mundo ako? Haha! Pero there is really such thing as “wrong place”//


 8. Wrong Time

 Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod.

//Lahat na wrong! Ano ba yan.. pwede na din na isama ang wrong person! Pero meron naman talagang tamang panahon para sa love noh! Hindi naman pwedeng sige lang ng sige kasi hindi naman lahat ng makikilala mo eh maicacategorize mo na sa emotion na LOVE pwedeng sa physical aspect lang di ba?. <defensive!>//


 9. Si parents kasi!

 Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo. Awwwww. Payo ko sayo, Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!

           
//19 pa lang naman ako eh! Hehe.. pero guilty din ako dito! Pero sympre pag tumanda tanda na ako pwede na! hello naman noh.. haha!//


 10. Traumatic Experience

 Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na!!! takot na ako mangyari pa ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? Yes, tama ka. Eto yung dahil sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!, ano pa ba? Madami yan wag na nating isa isahin at baka tumulo si tears hehehe Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo. Ibat iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim. Aba mapalad ka at natikman mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya ikaw, Do not be afraid to fall in love again malay mo sweetiness na ang malasahin mo next time. E di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo| Yang ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig. tsk! drama!

           
//I would not consider myself here.. eh kasi naman noh wala naman akong ‘experience’ since NBSB db? Oh baka sabihin ninyo na yung nangyari before.. hindi yun counted!//


11. EX to the nth power

 

Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May ganito naman. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa't isa. YES, after ay year sasabihin natin, im over him/her na, pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX. Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan alam ko yan pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give urself KITKAT, take a break.

 

//Hindi rin ako pwede dito, yun lang!//

 

from: http://www.tristancafe.com/forum/102487

9 comments: