Wednesday, July 20, 2011

Realisasyon

from FB notes:


Kanina habang paakyat ako ng hagdan, may naisip ako: ang buhay pala ay para ding pag-akyat ng hagdan, kailangan mong humakbang ng paisa-isa nang walang pagmamadali para malagpasan natin ito ng matiwasay.

 

Ang buhay natin ay isang paglalakbay patungong langit (sino ba naman ang nabubuhay para makarating ng impeyrno di ba?) at sadyang hindi ito madali para kanino man. Noong mga bata pa tayo, tinuturuan tayo ng mga magulang natin na tumayo sa sarili nating mga paa, dahil alam nila na kailangan nating lakbayin ang buhay na bigay Niya sa atin.

 

Sa bawat paghakbang na ito, hindi natin kailangang madaliin dahil baka madulas tayo o baka mapatid tayo. Minsan, nararamdaman natin na kailangang marating natin ang tuktok agad, ni hindi na natin napapansin ang ibang taong nakakasabay natin sa paglalakbay. Minsan din sa pag tanaw natin sa itaas  maari din tayong madapa at masugatan dahil hindi na natin nakikita ang nilalakaran natin. Madapa man tayo at masugatan kailangan nating magpatuloy.

 

May mga pagkakataon na kailangan nating lingunin ang pinanggalingan natin pero dapat pagkatapos nun, uusad tayo dahil pag masyado tayong nagtagal sa pagbabalik tanaw maari tayong malula at mahulog o maari din tayong makaabala sa daan. Minsan napapagod din tayo, kaya kailangan nating tumigil at magpahinga pero siguruhin nating uusad tayo pagkatapos. 

 

Dumarating din tayo sa puntong, kailangan nating mamili ng tatahaking landas. Hindi din naman kasi pwedeng sa deretsong daan lang tayo, minsan kailangan nating lumiko. Hindi din maiiwasan na may madaanan tayong matarik na hagdan, mahirap pero kailangan natin itong malagpasan. Kaya nga merong barandilya (salamat sa google at tinagalog niya para sa akin ang handrail!) pansuporta, pang-amot ng konting lakas.

 

Minsan kailangan din nating magparaya sa iba para mauna na sila dahil kung hindi maari kayong magkabangaan at mag-away, maabala pa kay pareho. Hindi masamang magparaya basta alam mo sa sarili mo na kaya mong mahuli, hindi maglalaon masasabayan mo din sila.

 

Ang hirap no? Pero wala namang may sabing kailangan nating maglakad ng mag-isa. Kaya tayo meron tayong kapamilya, kaibigan, kaklase, kabarkda, katrabaho, kabatak, kai-bigan, at kapanalig para kahit papaano maibsan ang hirap at mas maging magaan ito.

 

Hay buhay! 

8 comments:

  1. Weeh! Gusto kong magsulat ng tulad nito pero ayoko kasi maa-unmask ang happy face ko. :-)

    ReplyDelete
  2. nice one neish. :))
    yup, parang hagdanan nga ang buhay. take one step at a time, at kung mahulog ka man o madapa sa pag-akyat, andito lang kami para abutan ka ng kamay o itulak uli pataas. ^^

    ReplyDelete
  3. delikado pala kapag lampa ka ano? maya't maya ka madadapa. :D

    ReplyDelete
  4. nice analogy! galing galing naman.

    ReplyDelete
  5. salamats ng marami!

    may nirereflect kasi ako nung mga moments na yan tapos sakto paakyat ako ng hagdan ayun, bigla kong naisip parang buhay lang yung pag-akyat ng hagdan, one step at a time (tama ka ate yumz!)

    ReplyDelete
  6. at kung matarik ang hagdan at hingal ka na..well..hindi naman bawal ang gumapang o kumapit sa laylayan ng tshirt nung nasa unahan mo para mahila ka rin niya paakyat :D

    ReplyDelete