Naka-chat ko si Ate Rox., naikwento ko sa kanya yung 'special friend' ko sabi niya sa akin mahal ko na daw yun hindi ko lang ma-accept. Bigla naman daw akong napaisip di ba?
Nakikilala ko si Special Friend thru my officemate. Nung una, wala talaga akong balak magpadala sa panrereto ng officemate ko, alam ninyo naman na puro losers lang yung mga lalaking namimeet ko lately so parang pahinga muna ako and besides mag-MA pa ako so busy talaga ang buhay ko at walang space para sa love life. And then, this happened.
Nung inintroduce kami hi-hello lang talaga, ni hindi ko nga naisip na magugustuhan ko siya or something eh. Yung second encounter (parang aparisyon lang) namin, dun umo-kay! Feeling ko kumportable akong makipagkwentuhan sa kanya, yung tipong friends-friends. Sabi niya sa akin, naappreciate niya yung effort ko na magstay kasama siya kahit todo buyo ang mga magagaling kong officemates. Nung kinagabihan nga ay magkatext na kami. Chill lang. Normal na getting to know. Share-share ng mga usual na bagay like work, family and exes (niya lang--malamang di ba? ang ex ko lang naman ay ex-crush). Every night na nag-uusap kami para lang kaming friends. Hindi ko nga lang alam kung kelan at kung paano kami naglevel-up. Siguro nung hinatid niya ako sa house nung may bagyo o baka naman nung sinabi niyang namimiss niya ako o baka nung first time niyang hinawakan yung kamay ko. Ewan ko, biglang ganun na.
Sabi ko nga, feeling ko, nabuhay yung "dream guy" ko, gentleman, stable, patient, understanding, caring, loving, mature, God-fearing. He's all that. He is too good to be true. Sabi nga nila Ms. Ej at Ate Rox huwag kong isipin na I don't deserve someone like him. Kumbaga kung swerte ako sa kanya, swerte din siya sa akin.
Ito yung sinasabi nila na, "Love comes when you least expect it." Hindi kaya ako prepared. Winish ko lang naman siya nung birthday ko ah, pinagdasal ko lang naman siya tapos biglang, tadan! Ayan na siya. May warning naman Siya actually (nung sinabi sa akin ng officemate ko na may irereto siya) dinedma ko lang. Malay ko bang magiging ganito! HAY!
In fairness naman, hindi naman niya ako pinepressure or anything, basta pinaparamdam at pinapakita lang niya yung nararamdaman niya. At ako? ganun din, sinusubukan kong tumbasan yung ibinibigay niya sa aking patience at understanding. Alam ninyo ba ang nagawa ko na for him?My friends wouldn't believe this pero I was able to wait for him from 5PM to 9PM for our first date. Imagine, first date namin tapos pinag-antay ako? AKO talaga na very impatient sa mga bagay-bagay. Second date, I waited again for him ng mga one and a half hour dahil 7PM pa ung out niya sa office. Third date, I invited him to watch a movie kaya lang 7PM pa nga siya so I went ahead and bought movie tickets for us plus food na din since 7:50PM na wala pa siya. Siguro kung ibang tao lang yun, 1st date pa lang na pinag-antay ako, tsugi na, pero ano?! I waited for him. Siguro deep inside, alam ko na ilang taon din naman yung inantay ko para sa pagdating niya so ano naman yung ilang oras pa na mag-antay di ba?
Last sunday, I went to Bulacan para magsimba. Nagseserve kasi siya sa simbahan ng 11AM. 7AM palang gising na ako para magprepare. Nag-antay ako sa Trinoma ng more than hour para makaalis yung FX papuntang Bulacan. Narinig ko na nga lang yung first reading niya mula sa labas ng simbahan, responsorial psalm na lang talaga yung narinig ko ng malapitan. Hindi ko din naman siya masyadong makita dahil malabo nga yung mata ko. The idea of surprising him was from my officemate talaga, tapos nakakakita na din ako ng way para maipakilala siya sa bahay as my friend. Super naappreciate daw niya yung effort ko ng pagpunta dun at pagsurprise sa kanya, touched daw siya. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun. To think wala pang isang buwan kaming magkakilala.
Kakabreak lang din niya sa girlfriend niya of 4-years (I think). Pero inaassure niya ako na hindi siya yung tipo ng tao na papasok sa isang bagay na alam niyang hindi siya makakapag-commit and I believed him. I trusted him 100%. Mali ba yun? Nararamdaman ko naman na sincere siya and all. Kinukwento niya yung ex niya pero parang sinasabi lang niya yun para malaman ko yung mga ayaw niya sa isang relationship. Halos pareho kami ng takbo ng isip, ang hirap paniwalaan na may tao palang pwedeng makaintindi sa akin.
Sobra akong natatakot, ngayon na pina-iisipan ko siya. Parang ang hirap isipin na mawawala na lang siya bigla na parang bula. Hangga't maari nga ayokong masanay at maging masyadong dependent sa kanya. Alam ba ninyong, he talks about marriage at this point and having family din? Though kaswal na usapan lang naman yun, parang nakakatakot isipin pa din. Pero nakikita ko naman yung sarili ko na kasama siya ng matagal pero madami lang akong tanong sa isip.
Paano kung hindi ko pala kayang mahalin siya ng matagal? Paano kung magsawa ako? Paano kung mawala yung feelings namin sa isa't isa? Paano kung hindi niya ako maantay? Paano kung hindi pala kami para sa isa't isa? Paano kung mag-fade ung feelings niya? Paano na?
I think too much daw sabi ni Ms. Ej, kaya lang hindi ko lang talaga maiwasan. Kung pwede lang na iskip namin tong stage na ito eh. AT alam ba ninyong ang song for the week ko eh yung "Nothing gonna stop us now by MYMP" Swak na swak sa amin.
Sabi ko sa kanya, be patient lang, basta ang alam ko I'm half-way there pero sabi nga ni ate Rox, I am there na. I need more time para i-accept yun! hay! buhay!
Nobody is perfect and yet I feel we are perfect for one another. 

if you love him, which i think you do, and if you trust him 100% just like you said, then trust him na hindi niya hahayaang mangyari yung mga kinatatakutan mo. saka nasabi ko na rin yata to sa kabilang post mo, if isip ka ng isip at nagpadaig ka sa takot mo, sa mga iniisip mo, you will never really know how happy you might have been with him. parte naman sa buhay ang magtake ng risk eh. Oo, kahit sa lovelfe, kailangan magrisk ka.
ReplyDeleteNaiintindihan ko naman yung apprehension mo kasi first time mo ma-in love. Pero ikaw na rin ang nagsabi, ang tagal mo hinintay ang pagdating niya. Palalampasin mo ba talaga yung pagkakataong maging masaya with your dream guy dahil sa mga tanong sa isip mo na hindi rin naman masasagot unless you take that plunge? (parang nestea lang o!)
ok lang mag-take ng time, neish. :) sabi nga, when you know, you know.
ReplyDeleteand yes, like everything else in this life, falling in love is a risk. but it's a risk that it's all worth it. take the plunge, girl. :))
may dagdag pala ako...
ReplyDeletepaano kung mawawala din siya sa 'yo? paano kung hindi magtagal ang pag-ibig niyo sa isa't-isa? paano kung sa hiwalayan din pala kayo mauuwi?
think of these things: the rainbow after the rain, the comet blazing in the evening sky (ok, galing sa kanta yun), and the rose from the garden... ang lahat ng mga ito ay alam nating hindi magtatagal at mawawala rin sila. pero gusto pa rin natin sila sa kabila niyon, hindi ba? why? because they're beautiful. and they make us happy.
iyon na 'yun. and this is coming from a reformed cynic and a former atheist.
thank you! thank you sa inyo!
ReplyDeletenabasa ko na rin te, good thing may mga evolutiog nagaganap sabuhay nating lahat! mabuhay ka! *mahilig ka talaga sa religious! di nagbabago taste mo! ahihihi
ReplyDeletehahahahaha! di ko naisip yun ah! :P
ReplyDeleteat last! read it na!!! hmmmm~~ hindi ko alam sabihin ko sayo siguro just go with the flow. hirap pigilan yan e. try mo lang wala naman mawala e. at least you tried diba? text me.. ano nga pala name niya??? text me ah dami akong tanong.. hehehe
ReplyDeletemessage sent!
ReplyDeleteEpal lang Neish... :) Wag ka matakot mag-take ng risk if ever ha? Kasi from that malalaman mo kung anu ba talaga yung purpose nya. Minsan kasi sa takot natin, hindi na natin nakikita yung totoong essence ng mga bagay bagay. Basta enjoy lang! Tas pag andun na sa point na naamin mo na sa sarili mo na love mo na sya, just give your best. Don't hold back kahit mei fears kasi hindi naman masamang ma-in love eh. Tsaka dun ka talaga matututo. At least, you gave it a shot kesa naman makagregrets ka for doing nothing. :) Tsaka expect the worst din pagdating sa point na yun. Kasi lahat ng relationships ay parang roller coaster. :) Haha enjoy! Good luck! :)
ReplyDeleteSO true! :)
ReplyDeleteexpert! cge, kaya ko to!
ReplyDeleteHaha expert? Lols. God bless! :)
ReplyDelete