**mahirap tong day 3 ah! kasi naman never ko pa naexperience yung date as in "real date" basta ang alam ko lang sa isang date ay either dinner sa isang sosi resto or watch ng movie (na parang ginagawa ko naman with my friends) hmm..
tuwing break time namin iniisip ko kung ano ba yung perfect first date para sa akin hanggang 10PM na wala pa akong naiisip.
Kung si Pot ang gusto niya bahala na yung guy sa date nila ako naman gusto ko may say pa din ako. Siguro para sa akin ang perfect date ay sa isang lugar
na peaceful at malapit sa nature.
Preferably umagang umaga or pa-sunset na. Masyado kasing mainit pagtanghaling tapat eh. Tapos magpipicnic kami, yung tipong siya yung gumawa and nagprepare ng food (so chef talaga kelangan ko?!), for me kasi that's sweet. No need for roses and chocolates usual na yun eh. Tapos may activities kaming gagawin together na never ko pa na-try in my whole life like biking (yes, parang sa Full House!), skating (Full House ulet), Zipline, Wall climbing (naexperience ko na to pero highschool pa pati rappelling). Through this mas makikilala namin ang isa't isa at malalaman ko kung may sapat siyang pasensya! >:D
Yun naman ang objective ng "dating" di ba? getting to know each other. Di naman kami pwedeng mag human bingo dahil dalawa lang kami! (lol! jk!). Yun lang!






