Friday, November 19, 2010

Day 3

Day 3 – Your idea of the perfect first date

**mahirap tong day 3 ah! kasi naman never ko pa naexperience yung date as in "real date" basta ang alam ko lang sa isang date ay either dinner sa isang sosi resto or watch ng movie (na parang ginagawa ko naman with my friends) hmm..

tuwing break time namin iniisip ko kung ano ba yung perfect first date para sa akin hanggang 10PM na wala pa akong naiisip.

Kung si Pot ang gusto niya bahala na yung guy sa date nila ako naman gusto ko may say pa din ako. Siguro para sa akin ang perfect date ay sa isang lugar na peaceful at malapit sa nature.

Preferably umagang umaga or pa-sunset na. Masyado kasing mainit pagtanghaling tapat eh. Tapos magpipicnic kami, yung tipong siya yung gumawa and nagprepare ng food (so chef talaga kelangan ko?!), for me kasi that's sweet. No need for roses and chocolates usual na yun eh. Tapos may activities kaming gagawin together na never ko pa na-try in my whole life like biking (yes, parang sa Full House!), skating (Full House ulet), Zipline, Wall climbing (naexperience ko na to pero highschool pa pati rappelling).  Through this mas makikilala namin ang isa't isa at malalaman ko kung may sapat siyang pasensya! >:D
Yun naman ang objective ng "dating" di ba? getting to know each other. Di naman kami pwedeng mag human bingo dahil dalawa lang kami! (lol! jk!). Yun lang!

11 comments:

  1. Wahahaha. Human bingo! I enjoyed that game kahit di ako kasali.
    Sweet naman ang date na naisip mo.

    Ako? My idea of a perfect first date is to spend it with... Jensen Ackles! Ayan, dream date talaga siya, pang panaginip lang. Wehehehe.

    ReplyDelete
  2. Pero uy, masaya yung date na may zipline, rapelling, sali na rin natin trekking and biking ah. Yun nga lang, kinabukasan, siguradong isusumpa mo yung date mo dahil sa sakit ng katawan mo. hehe.

    ReplyDelete
  3. dapat pala may prologue... mageexercise muna ako bago sumabak sa mga ganyang date! :D

    ReplyDelete
  4. Na-try ko na ang date na mag wall climbing, jogging at biking. At tama ka Neish dapat may prologue na warm up exercise dahil kinabukasan masakit ang katawan ko. Lalo na kapag biking. :) Your idea of perfect date is so sweet. ;)

    ReplyDelete
  5. agree with LD, ang cute ng dream date mo. ako rin yan ang gusto ko eh. dapat may sunset watching eklavung drama. wag na ang sunrise dahil siyempre, alam na ito ni jette - mahirap akong gumising sa umaga. ang 10AM ay umaga pa sakin. hahaha..

    at uu! nagustuhan ko yung human bingo! aliw na aliw ako dun! pang-ice breaker talaga! :D kapag may program chorva sa amin, gagayahin ko ang game na yan. :D

    ReplyDelete
  6. @dan: kelangan ko na lang ng ka-date!

    @ms.JM: go lang! mas mahirap mas masaya :))

    ReplyDelete
  7. @neish: hahanap kita... pag nakahanap ako ng pang-akin

    @h: ako rin, gagayahin ko rin yung human bingo. ;-)

    ReplyDelete
  8. ako rin hindi pa ako nakakexperience ng real date haha
    gusto ko din malapit sa nature specifically beach :D

    ReplyDelete
  9. at ngayon lang ako nakabalik dito, hndi ko pa din pala naeexperience itong "idea" ko na ito wahahah

    ReplyDelete