Thursday, October 20, 2011
Wednesday, October 19, 2011
Monday, October 17, 2011
May Unawaan
Okay. Finally, naiintroduce ko na siya sa bahay as "manliligaw" kahit pa nga para kaming mag-MU (May Unawaan! lalalim!) na kami. Sobrang bothered pa ako kung paano ko siya ipapakilala, after all, first time ko naman kaya di ba? So I have an excuse para mangarag. Last minute pa nga parang gusto ko pang magback-out pero go lang ako! Alam ko namang kaya niya ang sarili niya eh.
Overall, masasabi ko na I have nothing to worry about. Sabi nga ni special friend, I want to be always in control daw and I worry too much and I guess he's right. Mukhang acceptable naman siya dito sa bahay so, kailangan lang nilang masanay na palaging may pumupunta dito sa amin. At ako, on the other hand kailangang matututong, I let go yung feelings ko for him. I tend to hold back. Ayoko kasing maging clingy, needy at too dependent on him to the point na masasanay na ako at mahihirapan na akong intindihin siya. Sabi niya sa akin, okay lang daw yun, sundin ko lang daw yung sinasabi ng
ko. He likes me dahil mature daw ako mag-isip, sabi ko, tipikal lang din akong babae, nagpapapansin, nagpapapilit, nagtatampo, hindi ako palaging mature. Sabi niya, siya na daw bahala sa akin pag naging ganun ako, after all, tipikal din daw siyang lalaki, naghahanap ng sweetness at affection sa isang girl.
ko. He likes me dahil mature daw ako mag-isip, sabi ko, tipikal lang din akong babae, nagpapapansin, nagpapapilit, nagtatampo, hindi ako palaging mature. Sabi niya, siya na daw bahala sa akin pag naging ganun ako, after all, tipikal din daw siyang lalaki, naghahanap ng sweetness at affection sa isang girl.You know what's great about our relationship is that we are open with each other. We can talk about anything under the sun. Hindi ako nahihiyang ibrought up ang mga bagay-bagay, hindi ako nahihiyang sabihin kung ano talaga yung iniisip ko. Siya din naman ganun. Sabi ko nga before, parehas kami ng wavelength, I'm not sure if its good or not pero so far, nagkakaintindihan kami. Dahil nga dun, feeling tuloy ng ibang tao masyadong mabilis yung takbo ng relasyon namin. Pero, nagkakaintindihan kasi kami hindi na kailangan ng paligoy-ligoy pa, o pahirapan pa, basta ginagawa namin yung makakapagpasaya sa amin, go!
Minsan pag nag-uusap kami, he tends to edit his thoughts, kaya kong sabihin sa kanya na huwag na niyang i-edit pa at sabihin na lang niya kung anong iniisip niya, hindi siya naooffend or something. Siya nasasabihan niya ako na ng mga bagay na he disapproves of, like if he invites me out daw, hindi ko na kailangang idrag pa ang friends ko, he is inviting me out dahil he wanted to have quality time with me (in short masolo). Kung iba yung nagsabi nun, maiinis ako pero na-gets ko naman yung point niya kaya yun.
Feeling ko, nagbabago ako, masyado akong understanding, masyadong patient at masyadong giving, baka hindi ko mapanindigan. *eto na naman ako, nagwoworry ulit. Pasensya na po, hindi ko lang talaga maalis sa sistema ko ang maging cynical. Konting time pa, bibigay na din ako. 

Tuesday, October 11, 2011
Monday, October 10, 2011
I Love You?
Ako na ang hindi pa naiinlove, ano bang dapat kong gawin ha?
Naka-chat ko si Ate Rox., naikwento ko sa kanya yung 'special friend' ko sabi niya sa akin mahal ko na daw yun hindi ko lang ma-accept. Bigla naman daw akong napaisip di ba?
Nakikilala ko si Special Friend thru my officemate. Nung una, wala talaga akong balak magpadala sa panrereto ng officemate ko, alam ninyo naman na puro losers lang yung mga lalaking namimeet ko lately so parang pahinga muna ako and besides mag-MA pa ako so busy talaga ang buhay ko at walang space para sa love life. And then, this happened.
Nung inintroduce kami hi-hello lang talaga, ni hindi ko nga naisip na magugustuhan ko siya or something eh. Yung second encounter (parang aparisyon lang) namin, dun umo-kay! Feeling ko kumportable akong makipagkwentuhan sa kanya, yung tipong friends-friends. Sabi niya sa akin, naappreciate niya yung effort ko na magstay kasama siya kahit todo buyo ang mga magagaling kong officemates. Nung kinagabihan nga ay magkatext na kami. Chill lang. Normal na getting to know. Share-share ng mga usual na bagay like work, family and exes (niya lang--malamang di ba? ang ex ko lang naman ay ex-crush). Every night na nag-uusap kami para lang kaming friends. Hindi ko nga lang alam kung kelan at kung paano kami naglevel-up. Siguro nung hinatid niya ako sa house nung may bagyo o baka naman nung sinabi niyang namimiss niya ako o baka nung first time niyang hinawakan yung kamay ko. Ewan ko, biglang ganun na.
Sabi ko nga, feeling ko, nabuhay yung "dream guy" ko, gentleman, stable, patient, understanding, caring, loving, mature, God-fearing. He's all that. He is too good to be true. Sabi nga nila Ms. Ej at Ate Rox huwag kong isipin na I don't deserve someone like him. Kumbaga kung swerte ako sa kanya, swerte din siya sa akin.
Ito yung sinasabi nila na, "Love comes when you least expect it." Hindi kaya ako prepared. Winish ko lang naman siya nung birthday ko ah, pinagdasal ko lang naman siya tapos biglang, tadan! Ayan na siya. May warning naman Siya actually (nung sinabi sa akin ng officemate ko na may irereto siya) dinedma ko lang. Malay ko bang magiging ganito! HAY!
In fairness naman, hindi naman niya ako pinepressure or anything, basta pinaparamdam at pinapakita lang niya yung nararamdaman niya. At ako? ganun din, sinusubukan kong tumbasan yung ibinibigay niya sa aking patience at understanding. Alam ninyo ba ang nagawa ko na for him?My friends wouldn't believe this pero I was able to wait for him from 5PM to 9PM for our first date. Imagine, first date namin tapos pinag-antay ako? AKO talaga na very impatient sa mga bagay-bagay. Second date, I waited again for him ng mga one and a half hour dahil 7PM pa ung out niya sa office. Third date, I invited him to watch a movie kaya lang 7PM pa nga siya so I went ahead and bought movie tickets for us plus food na din since 7:50PM na wala pa siya. Siguro kung ibang tao lang yun, 1st date pa lang na pinag-antay ako, tsugi na, pero ano?! I waited for him. Siguro deep inside, alam ko na ilang taon din naman yung inantay ko para sa pagdating niya so ano naman yung ilang oras pa na mag-antay di ba?
Last sunday, I went to Bulacan para magsimba. Nagseserve kasi siya sa simbahan ng 11AM. 7AM palang gising na ako para magprepare. Nag-antay ako sa Trinoma ng more than hour para makaalis yung FX papuntang Bulacan. Narinig ko na nga lang yung first reading niya mula sa labas ng simbahan, responsorial psalm na lang talaga yung narinig ko ng malapitan. Hindi ko din naman siya masyadong makita dahil malabo nga yung mata ko. The idea of surprising him was from my officemate talaga, tapos nakakakita na din ako ng way para maipakilala siya sa bahay as my friend. Super naappreciate daw niya yung effort ko ng pagpunta dun at pagsurprise sa kanya, touched daw siya. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun. To think wala pang isang buwan kaming magkakilala.
Kakabreak lang din niya sa girlfriend niya of 4-years (I think). Pero inaassure niya ako na hindi siya yung tipo ng tao na papasok sa isang bagay na alam niyang hindi siya makakapag-commit and I believed him. I trusted him 100%. Mali ba yun? Nararamdaman ko naman na sincere siya and all. Kinukwento niya yung ex niya pero parang sinasabi lang niya yun para malaman ko yung mga ayaw niya sa isang relationship. Halos pareho kami ng takbo ng isip, ang hirap paniwalaan na may tao palang pwedeng makaintindi sa akin.
Sobra akong natatakot, ngayon na pina-iisipan ko siya. Parang ang hirap isipin na mawawala na lang siya bigla na parang bula. Hangga't maari nga ayokong masanay at maging masyadong dependent sa kanya. Alam ba ninyong, he talks about marriage at this point and having family din? Though kaswal na usapan lang naman yun, parang nakakatakot isipin pa din. Pero nakikita ko naman yung sarili ko na kasama siya ng matagal pero madami lang akong tanong sa isip.
Paano kung hindi ko pala kayang mahalin siya ng matagal? Paano kung magsawa ako? Paano kung mawala yung feelings namin sa isa't isa? Paano kung hindi niya ako maantay? Paano kung hindi pala kami para sa isa't isa? Paano kung mag-fade ung feelings niya? Paano na?
I think too much daw sabi ni Ms. Ej, kaya lang hindi ko lang talaga maiwasan. Kung pwede lang na iskip namin tong stage na ito eh. AT alam ba ninyong ang song for the week ko eh yung "Nothing gonna stop us now by MYMP" Swak na swak sa amin.
Sabi ko sa kanya, be patient lang, basta ang alam ko I'm half-way there pero sabi nga ni ate Rox, I am there na. I need more time para i-accept yun! hay! buhay!
Nobody is perfect and yet I feel we are perfect for one another. 

Sunday, October 9, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
