Thursday, February 25, 2010

Let Go

--inuunahan ko na ang madla, ipagpatawad ninyo ang mga kababawan ng gawa ko, bata pa po ako nito, walang alam sa mundo (gumawa daw ba ng excuse?!). Wala din itong kinalaman sa buhay ko (kaya naman bj, wag kang mag-isip ng kung anu kung hindi di ka magiging SWAN!), isa pa po ito sa mga nahalungkat ko sa aking mahiwagang notebook, originally English ito kaso, alam kong madaming wrong grammar kaya tatagalugin ko na lang --

"Cherry, I'm so sorry...Hindi ko sinasadyang mahalin siya.." Humihingi ng tawad si Matthew sa kanyang girlfriend dahil gusto na nitong makipaghiwalay.

"Matt, okay lang yun, sabi nga nila 'expect the unexpected'" sinusubukan ni Cherry na pagaanin ang sitwasyon. Para sa isang taong hinihiwalayan, hindi galit si Cherry.

"Huwag mong isipin na hindi kita minahal nung magkasama tayo. Minahal kita pero ngayon nakita ko na ang "true love" ko, for good." Nagulat si Cherry sa sinabi ni Matt pero hindi niya ito pinakita bagkus ngumiti pa siya dito at sinabi, "Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't isa at alam kong merong ibang nakatadhana para sa akin."

"Napakabuti mo Cherry, alam kong makikita mo ang lalaking para sayo." at nagpaalam na si Matt. Walang ibang ginawa si Cherry para pigilan ito, nagkasya na lang siya na titigan ito habang papalayo sa kanya. Biglang nawalan ng malay si Cherry at nang gumising siya, nasa loob na siya ng isang ospital. Dumating ang doktor at kinausap siya.

"Ms. Dominquez, palala na ng palala ang kondisyon mo araw-araw. Mas makakabuti sayo na mag-stay dito sa ospital para maobserbahan ka."

"Doc, mamatay na po ba ako?" tanong niya.

"Kritikal ang na kalagayan mo dahil mahina na ang puso mo, hindi ka na maaring sumailalim pa sa isang heart transplant dahil ilang beses ka ng naoperahan. Magpahinga ka na muna sa ngayon." Lumabas na ang doktor sa silid niya.

"Ma-matay na ako.." nanghihinang saad niya and she sighed. "Mabuti na lang at magiging masaya na si Matt kahit wala na ako dito.."

Naalala niya ang panahong nadiagnose siya na may butas ang puso niya. Alam niyang ikamamatay niya yun. Kaya naman kinausap niya ang matalik na kaibigan na si Mae. Sinabihan niya itong makipaglapit kay Matt. Walang alam ang kaibigan niya na nobyo niya si Matt dahil kakagaling lang nito sa Amerika. Wala din itong alam tungkol sa sakit niya, maski si Matt. Inakala ni Mae na ipini-pair lang niya ito kay Matt dahil nga kakahiwalay lang nito sa boyfriend at broken-hearted pa. Umayon sa kanyang plano ang lahat. Handa na siyang antayin ang oras niya.

Ilang linggo ang nakalipas. Sa ospital.

Nakahiga si Cherry sa hospital bed. "Masaya na ang mga importanteng tao sa buhay ko, handa na akong umalis na may ngiti sa labi..." Cherry said to herself. Naramdaman niyang hindi siya makahinga. Nagmamadaling tinulungan siya ng nars at kasunod nun ay ang pagdating ng doktor. Sinusubukan siyang isalba ng mga ito... ngunit wala na siya.

Nabalitaan nila Matt at Mae ang nangyari. Pumunta ang mga ito sa pinagdausan ng libing. Nilapitan sila ng ina ni Cherry at iniabot ang sulat na nakita sa ilalim ng unan ng dalaga.

Dear Matt,

     Masaya ako at nakita mo na ang kaligayahan mo at least kahit wala na ako, alam ko na may mag-aalaga at magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko. Pinlano ko ang lahat para naman hindi ka malungkot pag-iniwan kita. Palagi mo sanang tatandaan na, saan man ako naroroon, patuloy kitang mamahalin.

                                                                                                       Cherry

Hindi makagalaw si Matt habang hawak pa din ang sulat. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya.

"Letting go of someone doesn't mean we're hurt but we let go because we want the person to be happy with someone else."

--oh ha! may kasama pa palang quote ito! Palagay ko nagawa to dahil sa palabas na "Lavender" yung taiwanese drama. walang originality! hahaha!--

30 comments:

  1. ang bigat sa dibdib! wah!
    puwede ka ngang maging writer neish! :D

    ReplyDelete
  2. saka ok lang naman na na-inspire ka ng 'lavender', di mo naman tahasang ginaya. there's a difference between adaptation and inspiration. sa tingin ko, na-inspire ka lang sa napanood mo kaya mo ito naisulat. :)

    ReplyDelete
  3. nainspire nga siguro ako... kasi hindi naman nagkaanak ang bida ko..hahaha! ;) ang drama nga nung mga nabasa kong mga works, kebata bata ko pa noon ang drama ko na.. :)

    ReplyDelete
  4. buti ka pa keri mag-drama, ako wa epek talaga. hehe!

    ReplyDelete
  5. ang weird pero ngayon hindi na ako makagawa ng ganyan..

    ReplyDelete
  6. naku, talaga? pero try mo lang. kasi nai-internalize mo pa rin naman ang dramatic contents ng mga books na nababasa mo, di ba? :)

    weird din sa akin. kasi noong high school ako, action at horror ang sinusulat ko. ngayon, parang di ko na kayang magsulat ng ganoon.

    ReplyDelete
  7. baka dumadaan tayo sa evolution (pokemon??)
    try ko pong magsulat ng mga ganyan ganyan..
    gusto kong makabasa ng isang action-horror story na gawa ninyo ;)

    ReplyDelete
  8. hahahaaa! pokemon! :p
    naku, parang di ko na keri, as in. :/
    ewan ko nga rin kung ako nauwi sa pagsusulat ng romance, di naman ako palabasa ng love stories at mas lalong di ako romantic na tao. hehe!

    sulat ka lang neish. binabasa ko ang mga reviews mo, ang galing mong mag-describe ng mga emotions. :)

    ReplyDelete
  9. sana talaga may maisulat akong makabuluhan..

    ReplyDelete
  10. i second da motion! game! pababantayan kita kay carla! gow!

    ReplyDelete
  11. natakot naman ako bigla.. si ms. carla ang magbabantay... yay! ibang level na yun!

    @ateng: matagal na yang article na yan

    @rich: hindi naman masyado!

    ReplyDelete
  12. nakakatakot ba ako? sabi nga ni yumi, mabait daw ako. hahaha.

    ReplyDelete
  13. @ms. carla: hehehe.. expert na po kasi kayo.. ibang level na yun.. kumbaga sa artista, sikat na actress na po kayo! ;)

    ReplyDelete
  14. haha. loka. di masyado. just another writer.

    ReplyDelete
  15. hehe! basta super favorite ko ang mga flashback moments sa mga pbs ninyo! lab it! sana makagawa ako ng ganung ka-effective na flashback..

    ReplyDelete
  16. thanks, neish. kaya mo 'yun. practice lang yan. keep writing and writing and writing. pero kung di man 'yun ang maging 'specialty' mo, , sigurado ako makakahanap ka kung saan ka pinaka-effective as a writer.

    ReplyDelete
  17. tigilan mo ko sa just another writer mo teh! hindi ka just! you're a writer... kung gusto mo pa ng adjective before "writer," eto, "you're a big time writer!!!! woohoo!! idol!!!

    at tama, may future ka neish... andito lang kami to support you.. game na! sulat na ng buong novel!

    ReplyDelete
  18. hands down ako, ateh neish!
    ang ganda..
    nakakaantig ng puso..

    ReplyDelete
  19. te palitan mo theme mo, ndi makita yung mga reply!!!

    ReplyDelete
  20. naku bj, mahirap maghanap ng magandang theme eh..

    ReplyDelete
  21. my gulay neish, nanikip ang lalamunan ko, hahaha, talagang ganoon ang term? may potential ito girl, gawin mong buo, pero p'wede bang magsuggest? haha, kasi nainis ako kay matt dahil na inlove siya kay mae, di ba kahit naman sorta tinaboy siya ni cherry kung talagang mahal niya si cherry dapat di siya bumitaw, hahaha, parang tsinugi ko ata yung tema na letting go ano? parang ayaw ko ata mag let go? haha, alam mo naman tayo maldita^_^. pero seryoso, try mo.

    ReplyDelete
  22. napansin ko ata puro haha ang mga post ko, parang eng-eng lang, hehe----ay! ayun na naman^_^

    ReplyDelete
  23. minsan kasi diba yung mahal mo may mahal or minamahal na iba..yak! ang serious!

    ReplyDelete