Thursday, February 25, 2010

Bakit

Sa iba’t-ibang pagkakataon, may nakikilala tayong iba’t ibang tao. May mamahalin tayo na di sinasadyang dumating sa ating buhay ngunit may pag-asa pa ba kung ito’y huli na?

SA di inaasahang panahon, muling nagkita sina Bien at Owen. Ang pagtatagpo ba na ito ay babago sa kani-kanilang buhay o mananatili ang tanong ang nakaraan.

“Rowena Martinez? Ikaw ba yan?” tanong ni Bien

“Ako nga, Bienvenido Santos!” nagulat man si Owen pilit niyang itinago ang nararamdam sa pagpapakita ng blangkong ekspresyon dito.

“Gumanda ka ngayon ha, mukhang in-love ka.” Tudyo nito.

“Hindi naman ako in-love, ahm… gusto mo maupo muna tayo?”

Sila ay nasa isang parke sa Maynila. Naupo sila sa isa sa mga nakahanay na mga bangko.

“Kumusta na nga pala kayo ni Lynnie?” tanong niya. Si Lynnie ang dating kasintahan ni Bien.

“Matagal na kaming naghiwalay… Ikaw, kamusta na?”

“Okay naman ako” maiksing sagot niya.

“May asawa ka na ba? O kasintahan?”

“Wala at saka wala pa yan sa isip ko.”

“Ganun?” bumalot ang lungkot sa puso ni Bien, wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango. Akala pa naman niya na may pagkakataon na sila ni Owen.

‘Kung alam mo lang, matagal na kitang gusto kaya lang maraming mga bagay na nangyari na di ko napigilan’ bulong ni Bien sa sarili.

Sa muli nilang pagkikita, muli ring bumalik ang pag-ibig na matagal nang namamahay sa kanyang puso. Nakatingin si Bien sa kawalan habang ginugunita ang nakaraan. Natahimik ang paligid, umaayon ang katahimikan sa nakaraan, isang nakaraan na kailanman di na maibabalik pa…

Lumapit si Lynnie kay Bien, humihingi ng pagkalinga. “Bien tulungan mo ako, iniwan ako ng kasintahan ko.” Maluha-luhang sinambit ni Lynnie kay Bien.

“Lam mo, kaya mo yan. Marami namang iba dyan na pwede mong mahalin.” Ang mga salitang iyon ay tumatak sa isipan ni Lynnie. Nakabuo siya ng konklusyon na matutulungan talaga siya ni Bien. Alam niyang maaring si Bien ang kasagutan sa kanyang pangungulila.

Para kay Bien, wala sa puso ang sinabi niyang iyon. Naikumpara lang niya ang sarili niya sa sitwasyon ni Lynnie—na binabalewala ng kanyang napupusuan na si Owen. Doon nagsimula ang pagiging magkasintahan nila.

Ngayon, nagkaharap na silang muli. Nakasalalay na sa kanila ang hinaharap.

‘Bien, huli na ang lahat, ang pagtingin ko sayo noon at sakit na nadama ay tila naiwan na lamang sa nakaraan. Bakit ngayon ka lang nagbalik? Kung kalian napagod na ang aking puso sa paghihintay. Ako ba ang may pagkakamali? Ako ba ang dapat sisihin?’ mga salitang tanging siya lamang ang nakakarinig, mga tanong maiiwang walang kasagutan.

“Sige aalis na ako” tumayo at tumalikod na si Owen.

“Owen…” napatayo na rin si Bien. Nais niyang pigilan si Owen. Nanatiling nakatalikod ang babae.

“Pwede pa ba?” nasabi din ni Bien ang kanyang iniisip.

Napaluha si Owen, mabuti na lang at nakatalikod siya. Hindi sinagot ni Owen ang tanong ni Bien. Iniwan niya si Bien pati na ang katanungan nang puso na siya lamang ang makakasagot.

Lumamig ang simoy ng hangin at nanunuot ito sa kalamnan ni Bien. “Bakit, Owen, Bakit?” bulong ni Bien habang tinatanaw ang pag-alis ng babae. Isang tanong na kalian ma’y hindi masasagot.

 

---ang weird nito... naghahalungkat ako ng mga gamit tapos nakita ko to sa isang notebook. Feeling ko habang binabasa ko to nasa ibang panahon ako, parang panahon ni Rizal, weird talaga. Hindi ko din maalala kung bakit ko to sinulat at kung bakit nag-inarte si Owen dito. I think 2nd HS ako nung ginawa ko to.

11 comments:

  1. aba naman... ituloy yan teh! wag mong iburo!!! sasakalin kita kapag di mo to ginawa!

    ReplyDelete
  2. o, ha... may future ito!!! :D
    tama si si EJ! tuloy lang!!!

    ReplyDelete
  3. Putek! kala ko kung anong madramang yugto nanaman ng buhay mo ito.

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa comment ni 'korean movie series' pero in fairness, neish, kung nasalutat mo 'nung second year ka. aba naman, ituloy mo na ito ngayon...tanggalin mo lang sa panahon ni Rizal,hehe, ayus na ayus na.

    ReplyDelete
  5. ms. yumi, ms. ej, ms. carla: noong unang panahon, sinubukan kong magsulat kaya lang ewan ko ba, hindi ko natatapos, palagi pang malungkot na ending ang naiisip ko... hehehe..

    bj! hinidi ko sinusulat ang buhay ko! baliw ka talaga! tska bakit nanaman??

    ReplyDelete
  6. ateh neish!!
    ituloy mo ang pagsusulat..
    nakakintriga sina bien at owen..
    i wanna know kung ano ang nangyari at mangyayari pa sa kanila..

    ReplyDelete
  7. naku diane, sa totoo lang hindi ko din alam kung anong nangyari sa kanila.. hahahah.. di ko maalala ang dahilan ng pag-iinarte ni Owen.. hahah!

    ReplyDelete
  8. hahaha..
    emoterang owen..
    akala ko pa noong una is si bien ang girl at si owen ang guy..
    yun pala baliktad.. =)

    ReplyDelete
  9. hahaha!!! alam mo yun din naisip ko eh.. tapos biglang bienvenido pala yung name.. iniisip ko, bakit ba kasi owen ang pangalan nung girl.. sa original ko na sulat hindi nabanggit ang name ni owen.. nilagyan ko na lang para hindi malito, baka isipin pa nila na brokeback pa ang aking mga characters..

    ReplyDelete
  10. hahaha..
    true teh..
    kung hindi mo ni-reveal ang full name nila, aakalain na brokeback ang drama nila..
    parang di ko maimagine.. :D

    ReplyDelete
  11. di ko din maimagine diane! yay! scary!

    ReplyDelete