As HR (Recruitment) its a challenge for me to search for candidates to qualify in our job openings.
Challenge na yun for me, pero meron pa palang mas challenging, to keep them in their positions. Para sa akin pa naman every time may nahihire ako, fulfilling na yung pakiramdam. Alam ko kasi nakatulong ako sa kanila to land a job. May ganun akong pananaw at hindi lang para ma-meet ko yung requirement sa akin ng company. Its just sad na, sumusuko agad yung mga applicants. Pinaghirapan ko silang piliin, invite for exam and interview tapos magbaback out lang din pala. Let me tell you this, hindi yun PROFESSIONAL.
Eto ang sasabihin ko na tandaan ng mga FUTURE APPLICANTS (ke sa company namin or sa ibang company pa):
1. WALANG TRABAHONG MADALI. Lahat ng trabaho mahirap. Kahit nga pagbebenta ng katawan mahirap eh kaya meron tayong tinatawag na "WORK HARD" at hindi "WORK EASY". Ihanda ninyo yung sarili ninyo for all the pressure, stress at toxicity, part yan eh!
2. SA PAG-QUIT SA ISANG TRABAHO, PINAG-IISIPAN YAN NG MATAGAL. Hindi yung, gigising ka na lang na naisip mo na, mag-quit ka sa work mo dahil lang mapressure ka. Hindi basta basta nag-kuquit. Una, dapat tapusin yung contract mo. Next, give yourself a chance to face the challenge, dahil pag na-overcome mo yang challenge na yan later on marerealize mo na "madali lang pala yun eh".
3. IKONSIDERA LAHAT NG TUNGKOL SA TRABAHO BAGO TANGGAPIN. Huwag padalos-dalos. I-assess ng mabuti ang sitwasyon. Itanong mo ito sa sarili mo: Kaya ko ba ang work na ito? Ang salary sapat ba? Ang location malayo ba? Mahihirapan ba akong umuwi sa gabi? Ang work schedule, Mondays to fridays ba or hindi? Benefits? Dito ko ba talaga gusto magtrabaho? Nakikita ko ba ang sarili ko dito for the next five years? Naniniwala ako na isang calling ang paghahanap ng perfect job. Hindi pwede yung, kukunin mo yung isang job offer dahil lang gusto mo magkatrabaho! Para sa iyong kaalaman, pinagdaanan ko din to. Bago ako nag-apply sa GMA, lahat yan inisip ko na mula sa exam, interview hanggang sa job offer. Alam ko sa sarili ko na dream company ko ang GMA kaya decided ako kahit pa natagalan bago ako magkawork after ko magresign sa una kong work okay lang. ITS ALL WORTH IT.
4. IHANDA ANG SARILI SA LAHAT NG BAGAY. Physically, Mentally, Emotionally and Spiritually. Ihanda mo ang sarili mo sa lahat lahat! Andito ka na sa sinasabi nilang "REAL WORLD". Walang take-two, re-take, make-up classes, remedial, o exempted dito. Kung successful ka, good! Kung hindi, move on, don't sulk, ganyan ang buhay eh. Hindi titigil ang mundo para antayin maayos ang buhay mo.
5. KUNG ANO ANG PINAKAGUSTO MONG GAWIN SA BUHAY, YUN ANG PASUKAN MO. Sabi nga dapat passionate ka sa ginagawa mo para tumagal ka kahit pa para sa ibang tao wala namang kwenta yang work mo. Bakit ka ba nag-aral ng apat na taon para sa isang course? Dahil ba wala ka ng ibang maisip na kurso?napilitan ka? Huwag kang pumasok sa isang sitwasyon na kung saan "half-hearted" ka lang. Sayang ang effort at energy! Sa lahat naman ng aspeto ng buhay nag-aapply yan eh, sa trabaho, sa school, sa lovelife at sa family life.
DON'T WASTE YOUR TIME ESPECIALLY MY TIME BY QUITTING AFTER A DAY OF HELL.
hahahaha mukhang may ng-resign na inyo ah mtapos nyong i-hire =P
ReplyDeleteAmen.
ReplyDeleteWow, ang ganda. Puwede siyang gawing sermon para sa youth people sa church namin. Hehe.
Di ko alam kung san ko narinig, ang pagtatrabaho daw, parang pag-aasawa. Dapat pinag-iisipan bago mo pasukin at hindi raw puwedeng basta iiwan mo na lang. Tingnan muna, baka pagsubok lang yan.Hehe.
Iyong 1st job ko, hindi ko talaga gusto. Pero nagtagal ako ng 2 years kahit ganun. Tinyaga ko kahit hindi ko siya nae-enjoy kasi alam kong mahirap ang buhay, mahirap maghanap ng ibang trabaho at ayaw pumayag ng pride ko na matawag akong palamunin ng kahit sino. :-)
hay naku, i agree sa lahat ng sinabi mo, neish. pinaka-hate ko sa buong mundo 'yung hirap-hirap ka na ngang mag-schedule, pinag-aksayahan mo ng oras na basahin ang application niya, in-interview mo at ng tatlong taong busy rin...pumirma ng kontrata at pagkatapos ay bigla na lang maggu-goodbye. meron pa nga ni walang courtesy na magpaalam ng maayos.
ReplyDeleteNaku, nakarelate naman ako dito. I was one of those kasi. HAHAHA. Pag ayaw na, resign. Sana ngayun, maovercome ko na yan. Trying to be mature na. Sana. :)
ReplyDeletenaku cess, hindi ko siya makoconsider ay resign dahil isang araw lang ang tinagal niya!
ReplyDeleteamen.
ReplyDeletepang sermon po talaga?? kasi naman, ke-aga aga yun agad mababasa kong text. take note, text ah. hayz, naman!
ako din sa unang job ko, super hindi ko kaya at kinaya sila pero umabot ako ng isang taon. iba na talaga ang mga aplikante ngayon.
kami, madalas na experience namin, text lang sila. o davah?!
ReplyDeletesana.. :D
ReplyDeleteactually, neish ang ganda nga niya. kung maari lang, ipabasa sa lahat ng job applicants at saka sa mga bagong recruits.
ReplyDeleteisama ko kaya sa information sheet nila?
ReplyDeleteAng ganda ng entry na 'to. :) Actually, yung first job ko isang linggo lang talaga ang itinagal ko dahil unang araw pa lang sumusuko na ang katawan ko. Pero sabi ko baka naman naninibago lang ako kaya tumagal pa ako ng isang linggo. Pero maayos naman akong nagpaalam at nag-abot ng resignation letter. :) Gustong-gusto ko 'yong number two. :)
ReplyDeleteay gusto ko ang entry na to... love this.. at super agree ako.. kalokah iyong mga taong apply lang ng apply para lang masabing may work sila. tapos hindi naman pala tatagal. kainis yung mga ganun. susme!
ReplyDeleteano opening sa inyo? wala bang pang part time?
ReplyDeletekorek, neish. pakopya nga nito. ididikit ko sa likod ng kontrata nila.hehehe
ReplyDeleteneish..hindi ko alam kung tatamaan ako o hindi sa blog mo na to..
ReplyDeleteuy in fairness, 3 years na ako sa trabahong to..marami rami na rin akong naging pressures, issues, rants at angst. i love my job, para que pa pinangarap kong maging gaya ni lara croft. i just don't like the way the agency is handling the internal kachuvahan at dun usually nagmumula ang mga reklamizing moments ko..nevertheless, i still cannot imagine myself working outside law enforcement.
in short..wag papasok sa trabahong di kayang panindigan.,and what the hell?..resignation thru text??..konting professionalism naman sana di ba?
ReplyDeletekelangan ko kasi talagang mailabas ang inis ko and all! hay! okay lang naman kung may resignation letter at least propesyonal di ba? :D
ReplyDeleteso true...
ReplyDeletefull time lahat pot! :D
ReplyDeletemay conforme dapat.. :))
ReplyDeleteat least ikaw 3 years na, e sila 1 day lang.. susme!
ReplyDeletesinabi mo pa.. :(
ReplyDeletewow 1 day lng ngresign na! hehehe sa IT industry ginagawang career ang pagpapataas ng sahod.., may kakilala akong ganyan every year yata ngreresign sa company pag nkhanap ng mas mataas magpasahod... feeling ko di nmn mgandang career move ang ganun >.
ReplyDeletehey Neish! thanks for the reminder! hehehe soon i'll be meeting HRs... i have a second cousin pala who works for GMA
ReplyDeletehindi din naman maganda yung every year na lang palipat lipat ng work (restless soul?!)
ReplyDeleteanong department?
ReplyDeleteewan, sa stat ata.. di kami close eh, kelan ko nga lang sya na-meet... madami akong di kilalang family sa father side
ReplyDeletegood idea.
ReplyDeleteKung totoo nga yung sinabi na ang career ay parang marriage din, ano to? taun-taon, iba asawa? hehe.
ReplyDeleteang tawag sa akin? kaka-divorce lang
ReplyDeletedivorcee ka na! Wow, sa wakas pumayag na siyang makipaghiwalay ka.
ReplyDeleteAko naman, gusto kong mag-career polygamy... para masaya.
kaya siguro may mga taong gustong ma-approve ang Marriage License na may expiration date! >_
ReplyDeleteaba naman para na ring sinabi na dapat after a certain period of time eh may option kung i-rerenew ang marriage contract o hindi..
ReplyDeletesalamat neish sa future tips hehehe.
ReplyDeletesa GMA ka pala nagttrabaho hehehe
tama! para silang sira! kung ano2 ang iniisip na law!
ReplyDeleteyup! :D
ReplyDelete