Tuesday, January 4, 2011

Forensic Psychology

Okay, na-ignite bigla yung desire ko dito!

"You just gotta ignite the light
And let it shine
Just own the night
Like the Fourth of July"

hay naman... ikukwento ko kung paano ko naisip maging forensic psychologist.

Before graduation, may inattendan kaming seminar, psych-related seminar siya, tapos isa sa mga speaker ay inclined sa pagiging forensic psychology, ang galing niya talaga *too bad, di ko maalala yung name niya pero naalala ko yung itsura niya* nakaka-amaze kasi yung mga shinare niya sa amin noon about criminals etc. Afterwards, naintroduce naman sa akin ang mga criminal-related series ng US, ayun na nga, na-hook na ako.

Ang kaso, dito sa Pilipinas hindi pa siya "sikat" kaya wala pang school or university na nag-ooffer nun as a course talaga. Sa ibang bansa ako dapat magpunta kung gusto ko pag-aralan to. Pero hindi naman ganun kahopeless case ang Pinas, pwede ka pa ding maging Forensic Psychologist pero baka abutin na ng magiging apo ko ang katuparan ng pangarap kong ito.

First step, dapat akong mag-take ng masteral na Clinical Psychology so it would take more or less mga 3 years *kasama ang thesis* well actually 2 years keri na, pero minsan kasi tumatagal dahil sa thesis at internship.

Next, mag-PhD naman ng Clinical Psychology sooo, after nito, Doctor na ang magiging title mo, from here dito ka mamimili ng specialization mo. * 3 years kaya din to kung full time ka ah*

Next, dun sa specialization, kelangan mo sympre ng exposure at immersion. I think yung speaker na yun nagwork siya sa isang law firm.

Next, mag take ng law (eto ang isa sa way) or magtake ng criminal justice course (well, i'm not sure kung tama yung intindi ko na isa itong course or baka subject lang itey) tapos magwowork ka sa NBI 

Ayan, forensic psychologist ka na pag napagdaanan mo yan! Imagine, magproprofile ka ng mga kriminal, aalamin mo ang mga behavior pattern, ang psychological history nila, ano yung naging cause ng pag-commit nila ng crime! Ang idefend na may psychological problem talaga ang isang tao, i-aassess mo ang witness, and nag-aakusa, ang inaakusahan. You will be invited sa court to explain stuff! You will prove the sanity and insanity of the person!   hay... sounds like forever...

Shortcut sa lahat ng ito? Siguro magwork sa NBI! as HR! joke! Magwork sa isang Law firm at maki-usi sa boss mong lawyer tungkol sa mga kaso niya! umepal ba, ganun. Magbasa ng madaming books about forensic psychology at magfeeling magaling! 

If I could just study aboard! a wishful thinking! Baka pag dito ko iyan tinuloy, tuluyan na akong mawalan ng lovelife, i know na wala akong lovelife ngayon kaya technically wala namang mawawala but that's exactly the point, ngayon ngang work lang ang ginagawa ko wala na opps, wala PA akong lovelife paano pa kaya pag nagfocus ako dito? edi wala NA! *ano daw??*

Eto siguro ang isang bagay na masarap gawin *para sa akin* sa mahabang panahon. Endless discovery. May certain thirst talaga ako sa pag-intindi sa ugali ng tao, kaya nga siguro ako nag-Psych no?

It is pleasurable for me na maintindihan ang isang tao base sa mga verbal cues at pati sa mga non-verbal cues, ang malaman ang nilalaman ng subconscious at unconscious mind nila, ang malaman ang history ng isang trait nila, etc, etc.

I love Psychology! 

10 comments:

  1. well ipagdadasal ko na matupad ang iyong hangarin...

    ReplyDelete
  2. Simulan mo na ngayun! :) Mag-MA ka na rin. Hehehe

    ReplyDelete
  3. hehe, si dra. fortun nakakatawa, alam ko forensic pathologist siya, ang spunky at hip niya ^_^

    ReplyDelete
  4. @rose: thanks! i need that ;)

    @rich: mag-so-solair ako **sana**

    @ms. ella: oh di ba, astig yung mga nasa ganyang field :D

    ReplyDelete
  5. neish sabi ng tita ko na nasa canada in-demand daw ang psych ngaun sa kanila... for immigrant pa... para di hassle... magwork ka muna abroad din pag medyo adjusted ka na saka mo ipursue ang forensic... hehehe... just giving you an idea.

    ReplyDelete
  6. ayoko talagang magwork sa ibang bansa pero kung mag-aaral lang ako pwede pa.. :))

    ReplyDelete
  7. wow... kailangan mo ng mag-ipon o kaya maghanap ng skolarship o kaya ng papang kaya kang pag-aralin sa ibang bansa... alin kaya ang gagawin mo??? hmmm... hahahaha,

    ReplyDelete
  8. maghanap ng fafang kaya akong pag-aralin! !!! hindi na yan tinatanong pa! LOL!

    ReplyDelete
  9. haha...good luck sana makahanap ka

    ReplyDelete