Monday, March 7, 2011

Ibuhos mo yan!

Sabi nga sa comercial ng Nestea, Ibuhos mo!

Tulad ng sinabi ko sa FB, ang mga bagay-bagay na napupuno dapat binabawasan para hindi umapaw. 

I would to consider this a positive thing for me (though hindi positive ang mga pangyayari) PERO nasa perspective lang naman talaga natin ang lahat davar? 

Anyways,

*I know, na hindi mawawala ang mga ganitong tao sa mundong ibabaw, I just want to let it out! okay?!


I am getting pissed off with our "little madam" (feeling boss kasi siya). Wala na akong ginawang tama sa paningin niya! Ano ba siya nagmemenopause? *which I doubt dahil wala siyang matris! WALA!*

Eto lang naman, sabi niya sa akin before, partners kami, take note PARTNERS at hindi ko siya boss at hindi niya ako subordinate. Pero ano tong mga kaganapan na itey?! Feel na feel niya ang pagiging MADAM! Amputek!

Hindi ko gusto na sa tuwing may kameeting kami eh parang sekretarya niya ako para sabihan na itake note yan, itake note yun. Gusto ko nang sabihan siya na "IKR!" Lakas ng power tripping talaga. 

Hindi naman sana ako mahihirapan sa mga task na assigned sa akin if WE share the work. On top of that, meron pa siyang mga side utos (UTOS talaga ah like pakikuha nga nito ---eh mas malapit kaya siya)

Nasabi ko na din sa post ko before sa FB na, hindi ibig sabihin na "tolerable" kang tao eh magaling ka, TINOTOLERATE ka nga di ba? so meaning may mali sayo pero tolerable ka naman kasi. 


Should I list down the things I hate about you?! 

1. Power tripping
2. Pala-utos (na wala sa hulog)
3. Ikaw lang ang dapat masunod (you would ask for suggestion pero ikaw pa din ang last say)
4. Tactless
5. Namamahiya (okay, hindi ka boss para gawin to, at kahit boss ka pa, dapat lumagay ka sa tama)

Sinum-up ko na lang para hindi na humaba pa. 

Araw-arawin mo lang ang "good morning" mo sa akin, talaga namang, mapag-iisipan ko ang mga bagay-bagay. ARGH!

14 comments:

  1. parang masarap gilitan 'yan ng leeg, ano?

    ReplyDelete
  2. super! nag-iinhale-exhale na lang ako.

    additional pa pala: walang sense of time te! after working hours at weekend nagtetext pa din about work maski nung Christmas EVE!!!

    ReplyDelete
  3. ay.... poknat siya, sabihin mo wag niya kayo isali sa kawalan niya ng life! grr...

    ReplyDelete
  4. assert your self, pro in a professional way pa rin. I dont know how you'll do it, pero you'll figure it out. Patience is a virtue. Buhos mo lang muna dito hehe, celeb ka na naman e!

    ReplyDelete
  5. @ms. ej: wala kasi siyang boylet eh! hay, nandadamay pa.


    @ate yumz,ms.apps, ms.doreen: HAY!

    @ateng: assertive naman ako sa kanya eh, ganun talaga siya eh. Tama, dito ako magbubuhos.

    ReplyDelete
  6. parang alam ko ito. Napanood kita, neish! :D

    ReplyDelete
  7. haysusme, bakit ko ito binasa ng ganito kaaga? na-agit ako para sa iyo neish. naku lang, minsan put her/him in his/her proper place.

    pero on a brighther note, *dahil schizo tayo - love love your tv appearance.

    ReplyDelete