Friday, April 1, 2011

Maling Dahilan

Dahil sa mga nangyayari sa mga OFW natin sa ibang bansa, naalala ko yung isang lecture namin sa SCL 3. Ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino ay PANANDALIANG solusyon lamang sa UNEMPLOYMENT dito sa Pilipinas. Pero sa pagdaan ng panahon, ito na ang naging PANGUNAHING solusyon ng gobyerno para umangat ang ekonomiya ng bansa. Sinasabi na prinoject lang nila na ilang taon lang ito na magiging OPTION at pagkatapos kailangan nang tapusin pero ganun ba ang nangyari? HINDI.

Ito na ang naging sagot sa patuloy na inflation rate ng bansa. Ito na ang naging sagot ng mga mamamayang Pilipino sa kahirapan nila. Ito ang EASY MONEY para sa kanila. MALAKI kasi ang epekto ng mga dolyar na nireremit ng mga OFW sa estado ng bansa. Ito na ang isa sa naging pambayad utang natin.

ALAM ba nila ang tunay na epekto nito sa atin?

SA PAMILYA. Ito nga daw ang pangunahing bumubuo sa isang mamamayan. Dito nilililok at hinuhubog ang mga kabataang PAG-ASA ng BAYAN. Pero malaking porsyento ng mga Pilipino ang nagiging OFW. Sino na ang huhubog sa mga ANAK nila? Sino na ang magtuturo ng tamang landas sa kanila? Ang mga Lola at Lolo nila? Tiya at Tiyo? Mga kapit-bahay? Isa ito sa mga nagiging dahilan ng pagiging rebelde ng mga bata ngayon *inuulit ko, ISA lamang ito sa dahilan at hindi ko ni-lalahat* Nakakalungkot dahil, yumaman man sila ang katumbas naman nito ay pagiging watak-watak ng pamilya. Sapat ba ang pera na pinapadala nila sa pamilya nila para hubugin ang kanilang mga anak? Sapat ba ito para ituwid ang landas nila? Mapag-aaral nga nila ang kanilang mga anak sa magandang eskwelahan, mapag-tatapos nila at ANO PA?!  Yun na lang ba ang paraan nila para maparamdam ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga? Naniniwala pa rin ako sa PROXIMITY. Ang PRESENSYA nila ang mas mahalaga. Hindi na nila maibabalik ang panahong nasayang nila, hindi na nila makikita muli ang UNANG ngiti, ang UNANG hakbang, ang UNANG kaibigan at madami pang-UNA ng kanilang mga ANAK. Yun ba ang ang pangarap nila sa kanilang PAMILYA? Kelan sila babalik? pag HULI na ang lahat? ano na lang ba ang maabutan nila? ang HULIng asawa ng kanilang anak? ang HULIng apo nila? ang HULIng ngiti? ang HULIng buhay?

SA BARANGAY. Hindi na bago sa inyo ang mga kwentong barangay na may mga mamamayan na OFW. Ang mga asa-asawang naiwan dito sa Pilipinas ang tumatanggap ng mga PADALA nila. AT pag-nagbabalik-bayan ang mga OFW uso ang PASIKATAN sa BARANGAY.  Bibili ng bagong sala set si Misis dahil nagpadala si Mister sa kanya. Si Kapit-bahay naman nakita ang na nagpadala ang Mister ng KUMARE nila. Tatawag siya sa Mister niya at manghihingi din ng pera para matalbugan ang sala set ng Kapit-bahay. Patalbugan dito, patalbugan doon hanggang sa umabot sa puntong mangungutang na sila para mapanindingan ang pagiging MAYAMAN nila sa barangay. Magkakaroon ng IRINGAN sa pag-uwi ng mga OFW nilang mga asawa. Hindi naman piyesta sa kanila pero talo pa nila ang may piyesta sa dami ng handa ng bawat pamilya. Isa lamang ito sa mga klasikong kwento sa isang barangay.

SA BANSA. Hindi ako masyadong magaling sa ECONOMICS na subject pero nakikinig naman ako paminsan-minsan sa prof namin. Tulad nga ng nabanggit ko na, nakakatulong sa ating ekonomiya ang mga "remittances" nila. Hindi na ma-abolish ang kalakaran na ito dahil NAKAKATULONG ito sa ekonomiya. Ilang taon na din ba mula ng NA-USO ang pangingibang-bansa? Naging negosyo na nga ito ng ilang nating mga kabababayan, nagkaroon na ng mga kumpanya na nagdadala ng mga Pilipino sa ibang bansa para mag-trabaho. Nagkaroon na ng mga DEPARTAMENTO na nakatututok sa mga overseas filipino worker. PANANDALIAN lang daw na SOLUSYON pero bakit ganito?


Hindi ko itatanggi na may mga kamag-anak din akong OFW. Kinakabahan din ako para sa kanila lalo na't napapabalita na may mga gulo na din sa Saudi Arabia. Pero hindi ko maiwasang magkumento tungkol dito. Naging saksi ako sa TUNAY na kalagayan ng mga kamag-anak ko, nakakalungkot PERO yun ang reality ng mga buhay nila. SANA dumating ang panahon na hindi na nila kailangan pang mangibang-bansa para mapabuti ang kanilang buhay. SANA magkaroon tayo ng TAMANG kasagutan sa KAHIRAPAN

15 comments:

  1. nakakalungkot talaga pero kailangang magsakripisyo minsan o mamamatay kang dilat sa gutom. ilang college grads ba meron tayo ang walang matinong trabaho, or, walang mahanap na trabaho sa atin? ang kapatid ko, grad siya ng 2-year IT course at pagiging cashier lang ang na-apply-yan niya, kakarampot pa ang sweldo. napilitan siyang pumunta sa singapore at mag-DH doon kasi may sakit noon ang nanay namin at hindi naman sapat ang kita ko sa munisipyo para suportahan ang pamilya namin.
    madami pa akong kaibigan na mga degree holders pero wala talagang mahanap na trabaho sa atin, kung meron man, contractual lang at mababa ang sahod. kaya ayun, nasa ibang bansa sila ngayon.
    sana nga, isang araw, gumanda na ang ekonomiya ng pilipinas at di na kailangang umalis ng bansa para humanap lang ng trabaho.

    ReplyDelete
  2. pero tama ka neish, malaki ang impact nito sa pamilya. that's why my mom didn't stay long in kuwait. noong nagkagulo ang mga amo niya at pinapili siya kung itutuloy pa niya ang kontrata niya o uuwi na lang, she chose to go home to us (after 5 months).
    nakakabuwisit pang makita ang mga anak ng mga kakilala kong OFW na nilulustay ang perang pinaghirapan ng mga nanay nila. kundi mamahaling cp, ipod at kung anu-ano pa sila, samantalang ang mga nanay, nirarayuma na sa trabaho sa ibang bansa. tapos nambabae pa ang ilang asawa. aynakuuuu!!!
    pero iyon nga, minsan talaga, walang choice ang iba sa atin kundi mangibang-bayan para kumita lang. :(

    ReplyDelete
  3. eto yung pinaka-nakakalungkot, sana dumating yung time na magkakaroon na sila ng choice.

    ReplyDelete
  4. suntok sa buwan, pero sana nga, someday...

    ReplyDelete
  5. me konek ito dun sa ideal world na tinutukoy ni EJ. sa isang ideal world kasi, walang tatay o nanay na napipilitang iwan ang mga anak para lang kumita ng pera. but as it is, wala tayo sa isang ideal world. at iyon ang nakakalungkot.

    ang isa pang mali sa atin, ang tingin natin sa mga kababayan nating OFW, porket dollar ang sinasahod eh marami ng pera. sobra tayong magdemand ng mga material things. so imbes na maging temporary option lang, naging lifetime solution na. hindi na natin inisip yung sacrifices nila.

    maling masanay tayo sa ganitong perception. mali ring umasa na lang ang gobyerno sa ganitong sistema (san ka naman nakakita ng medicine grad pero mag-aaral uli ng nursing para lang makapag-work abroad?) mali ring maghangad tayo ng sobra.

    a friend of mine once asked me kung kuntento na daw ba ako sa buhay ko. sayang daw ang pinag-aralan ko kung hindi ako mag-aabroad. i can earn as much as i want to kung gugustuhin ko lang. at isa lang din ang isinasagot ko sa kanila.

    what for? requirement ba talaga na kailangan marami kang pera? malaking turn off na ba kung simple lang ang pananaw mo? kung kuntento ka na with what you have?

    how i wish na ganoon lang din kasimple ang pananaw ng iba. pero hindi ko naman alam ang needs nila so sino ako para humusga? and just like what yumi said, suntok sa buwan nga, pero, let's not stop hoping. maybe someday....

    ReplyDelete
  6. ay, doreen, dumaan din ako diyan. inulan ako ng tanong na bakit di raw ako mag-abroad, kesyo lahat na ng classmates ko ay nasa abroad na. sabi ko naman, tamad ako sa gawaing bahay para mag-DH, baka utusan ko pa ang amo ko! haha!

    pero, yeah, may mga tao talagang gusto lang mag-abroad kasi easy money nga. pero kadalasan, ang marami'y nagsa-sakripisyo lang kasi kulang na kulang ang kita sa atin lalo pa't may mga pamilya na sila. lalo pa yung mga degree holders na walang mahanap na matinong jobs sa atin, ayun, nagiging DH sila. hindi ko sila minamaliit, in fact, I look up to them kasi hindi birong sacrifice iyon.

    isa pa yan, kung makapaghingi ang mga tao sa atin sa mga nanggaling abroad, parang pinipitas lang nila ang pera mula sa mga puno. peste talagaaaa!

    ReplyDelete
  7. kaya nga. naku may mga kamag-anak ako na ganyan. hindi ba maghintay na bigyan sila ng kusa.

    ReplyDelete
  8. ako din! langya! pagdating ko sa amin noong namatay ang mama ko, imbes na condolence ang unang sasabihin ay 'pasalubong ko?' punyeta talaga!

    ReplyDelete
  9. naku naman talaga ang mga pinoy, napaka-classic

    ReplyDelete
  10. oo teh. totoo yan. ilang tao ang nagsabi sa akin niya. :( nainis ako pero hindi ko na ibinulalas kasi ang tiyak na susunod na maririnig ko: "nakapunta lang sa states, yumabang na. parang wala nang kilala."

    ReplyDelete
  11. ganyan ang iba sa atin, di ba? kainis pero totoo. parang obligasyon mong maging mabait at galante sa kanila porke't nasa abroad ka. buset!

    ReplyDelete
  12. 'yung iba talaga, ang kakapal, may mga umutang sa akin na hindi na nagbayad. actually, lahat ng umutang sa akin, walang bayad! buti sana kung lininaw na hingi ng pera ang gusto nila. ako pa naman ay hindi marunong maningil, hinihintay kong magbayad sila.

    ay, sorry, neish! nagra-rant na ako sa post mo! :p

    ReplyDelete
  13. okay lang yun ate yumz! sadyang may mga makakapal talaga ang mukha! hindi kaya pinupulot ang pera.

    ReplyDelete