Sunday, April 17, 2011

A Wedding

I attended a wedding yesterday. It was a very simple wedding pero parang punong-puno siya ng love and sincerity. Parang yung mga binabasa ko lang na libro at favorite plot ko, best friend-turned-lovers! :) 

May moment lang na nagpaflash sa utak yung sarili kong wedding. Hahaha! O di ba?! Atat?! Anyway, boyfriend muna. 

First time kong maka-attend sa "after-the-wedding-party" which is "inuman". Napasubo kami ng friendship kong si Paula. Bigyan ba naman kami ng Emperador Brandy Light! Bonggang shock talaga ako. Anyway, bilang nasa probinsya kami at kailangang "makisama" ayun, uminom kami ni Pau! Who would have thought na mauubos namin ang isa't kalahating brandy?! Apat lang ang nagtatagayan hanggang sa tatlo na lang kami. Hilong-hilo talaga ako dun after ng hindi ko nabilang na shots. Ilang beses din akong nagpabalik-balik sa CR AT ayun, bumigay na ako! Nagtawag na ako ng uwak! For the second time in my life! Nung unang beses kasi dahil sa tequila at gin ngayon naman dahil sa brandy! Pagbalik namin sa bahay, ayun plakda agad ako! Hanggang pagkagising ko may feeling pa din ako na parang masusuka ako na hindi *hang-over na ba yun?!*

ayun, sharing lang! hindi na rin kami nakaikot masyado! next time na lang siguro! :D

16 comments:

  1. saang probinsiya yan neish? ganyan din kasalan sa amin. hehe! gawd, naalala ko rin nang malasing ako sa kasal ng friend ko. ganyang-ganyan. ihi at suka sabay plakda pag-uwi. waaah! kaso paggising ko after a few hours, ok na uli. ewan ko pero parang di ako hina-hangover. :p

    ReplyDelete
  2. YUMI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :D

    ala lang...

    ReplyDelete
  3. sa Lucena ate yumz! may after effect yung alak!

    ReplyDelete
  4. haha! parang sinabi na rin ni ivy na sanay na ako. LOL
    depende kasi sa taas ng alcohol tolerance mo, neish. :p

    ReplyDelete
  5. uy, wala akong sinasabing ganyan ate yums..saka depende rin sa klase ng alcohol na iniinom..
    like ako, pwede kong gawing tubig ang beer at brandy pero hilo na ako sa isang basong gin:D

    ReplyDelete
  6. pag-vodka kasi madali kong magauge kung dapat na akong tumigil kasi namumula yung dibdib ko. Pag-brandy at tequila pag nasusuka-suka na ako yun, kailangan ko ng tumigil pag gin, ahm, ganun din pag hilo na :) *more or less mga 10 tagays yan

    ReplyDelete
  7. ivy - haha! basta ako, desperado akong malasing nang todo, yung nawawala ba sa sarili. kaso di ko pa inabot ang point na yun kahit gaano pa kadami ang nainom ko. peste!

    neish - wala din ako particular na alcohol na madali ako tamaan. well, mahirap ako tamaan sa beer kaya ayoko siya. gusto ko kasi, isang shot lang sana, lasing na. kaso, waley eh.hahahaha!

    ReplyDelete
  8. feeling ko hindi ko to mararating kasi tinatry ko na ipush yung sarili pero wala, nahihilo na talaga ako at nagtatawag pa ng uwak!

    ReplyDelete
  9. curious kasi ako kung totoo bang makakagawa ako ng isang di kaaya-ayang gawain or isang kahihiyan.

    ReplyDelete
  10. hang over na yan, tas ippramis mo sa sarili mong hindi ka na iinom ever... Epektib yun< for several days! Tas balik inom ka ulit..

    ReplyDelete
  11. hehehe! hindi ko naman naipromise na hindi na ako iinom ulit!

    ReplyDelete