Saturday, August 20, 2011

A Review

A review not of my life but one the books I've read recently, hindi pa ako nakakapagreview ng libro na ginawan ko ng sariling blog, usually kasi  kung saang website andun yung writer dun ko pinopost but since hindi ko kilala yung writer hindi ko alam kung saan ilalagay. 

Pag hindi ko nagustuhan yung libro, usually hindi na ako nagkocomment pero sabi nga nila makakatulong din yung negative criticism or should I say constructive criticism sa isang writer.

MID siya na nakasabay ng libro ni Dior. Dahil MID siya, binasa ko siya agad. Naloka ako while I was reading it kasi feeling ko bipolar yung heroine tapos later on naisip ko bipolar din yung hero so bagay sila. 

1st issue: Characterization. Alam ko na dapat ang character ng mga bida dapat nag-eevolve sa istorya pero dito parang kinapos ng eksena para maipakita yung pagpapalit o pag-evolve nung heroine. From a mahiyain biglang naging outgoing. Okay yung ganun pero parang naging abrupt lang yung nangyari. Sa unang chapter, college student pa lang yung heroine tapos later on nag-fade na yung "student" character niya naging mature siya na parang 25 years old na siya. Okay lang na hindi magbanggit ng edad as long as masusundan mo yung mga pangyayari tapos alam mo na tumanda na pala sila. Kaya parang bipolar tuloy sila :(

2nd issue: Yung friend na lalaki ng heroine eh parang siya yung hero na nakalaan para dun sa girl.  Too protective for a friend and she's too close to be just his friend. Madami din masyadong characters na nabanggit, nakakalito. **binasa ko ulit yung book for the second time kasi baka wala lang ako sa mood or something pero ganun pa din.

3rd: Sexual tension. Hindi siya masyadong nadevelop sa story parang bigla na lang may nangyari sa kanila dahil nakita nung hero na nakabikini yung heroine basta as a reader alam mong may sexual tension sa pagitan ng bida sa unang interaction nila pero dito wala. 

4th. May mga eksenang fill-in the gap. I know minsan, talagang yung reader yung magpifill-in dun sa story dahil hindi naman dapat ihahain ng writer pero parang yung mga importanteng detalye yung kailangang i-fill in ng readers.

5th. Too much vulgar words? Para sa isang hero, sapat na siguro yung mapapa-shit siya pero siguro nga hindi ko lang type yung hero kaya pati yun napansin ko **dahil may mga ibang hero naman na mapag-mura pero parang hindi lang bumagay sa hero dito.

Hindi naman siya super bad. The fact na naapprove yung novel ibig sabihin okay siya, hindi ko lang siya siguro type. I know babasahin at babasahin pa din siya, sabihan ninyo na lang ako kung okay naman pala siya at hindi ko lang naappreciate yung story. 

7 comments:

  1. bagong writer ba yan? hay, may mga stories talagang mapapa-WTF na lang tayo, kaso may mga ibang nagkakagusto naman.

    parang na-tense ako dito bigla! waaaah! "Pag hindi ko nagustuhan yung libro, usually hindi na ako nagkocomment."

    ReplyDelete
  2. hahaha! nakaka-tense talaga pag me nababasa kang book review. lalo kung ikaw ang sumulat ng librong yun.

    honestly, bilang isang writer, forever na yata akong insecure sa mga sinusulat ko. of course i love my stories as well as my characters, kahit ano pa sila at kung paano tumakbo ang kani-kanilang istorya. pero siyempre, ang views ng isang writer ay hindi naman palaging pareho sa views ng mga readers.

    wala pa namang nagsabi na sablay ang mga sinulat ko. i don't know kung paano ako magre-react if ever na meron. hehehe! pero tama ka neish, malaking tulong ang constructive criticism para sa isang writer. so if ever na sablay na yung ginagawa ko, feel free to tell me. :))

    ReplyDelete
  3. opo, bagong writer.

    lately andaming kailangan bigyan ng reviews dahil maganda siya kaya lang wala akong enough time, hindi ko lang mapigil reviewhin etong book na to kaya ayan.

    redundant na ata yung sinabi kong negative criticism (dahil may positive criticism ba?)

    ReplyDelete
  4. maganda yung working girls mo ms. doreen! :D

    ReplyDelete