Sunday, August 14, 2011

What's Wrong?

Siguro naman aware kayo na patuloy kong hinahanap si Mr. Right, The One, True Love etc., taon-taon, isa sa mga wishes ko ay ang mameet siya. Tuwing magbibirthday ako sinasabi ko na "next birthday ko may boyfriend na ako", hindi ko naman akalaing madami pala akong next na dadaanan. 

Hindi pa naman December 31 para iwrap-up ko ang taon pero pakiramdam ko lang masyadong madaming nangyayari sa buhay ko sa walong buwan na nakalipas, nagiging uneasy tuloy ako na parang ayoko ng umusad pa. 

Alam ninyo yung issue tungkol kay Deadma King, Married Guy, Epal Officemate at Weird-Stalker guy (wala akong posts about dito pero alam ko nabanggit ko na ito sa mga usapan dito) at meron pa pala My Impossible Dream. Hindi ko maintindihan kung anong meron ako at puro sablay ata ang mga lalaking namimeet ko.

Kamakailan lang nagkaboyfriend yung isa kong officemate, wala masyadong nakakaalam dahil complicated (complicated dahil maaring maging issue sa office). Isa ako sa mga nakakaalam nito, hinulaan ko lang naman yun, and oh well, tama ako. Naging friend ko din yung guy at nakakatext ko din once in a while. Supportive ako sa lovelife ng officemate ko kahit pa nga feeling ko she deserve more than that, tutal buhay naman niya yun, go!. Nasabi ko na nakakatext ko yung guy di ba? May nakakalokang eksena lang sa text. Inamin ng guy na may crush siya sa akin, ako naman nashock ako kahit pa nga madalas magparinig yung guy sa text deadma lang ako, iniisip ko, joke lang yun. Sinabi ko iyon sa officemate ko dahil magkaibigan din kami, nagkaroon sila ng maliit na away dahil doon pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko yun, she has the right to know. 

Guess what, yung boyfriend ng officemate ko at yung Married Guy ay partner sa work. Sabi ko nga dun sa officemate ko, hindi na ako makikipaglapit pa o magpapakita ng friendliness sa mga crew nila baka malagyan nila ng malisya. Kung iisipin mo nga hindi naman ako kagandahan (sakto lang), hindi rin ako mabait, Miss Sungit nga daw ako kaya hindi ko sila maintindihan.

Naalala ba ninyo yung post ko about sa new found friend ko? May feeling ako na another sablay guy ulit siya. A month ago, dapat magpopropose na siya sa girlfriend niya pero nagbreak sila at parang nalost siya bigla. Nirefer ng friend-madz ko siya para sa kahit na anong work sa amin at dahil CompSci graduate siya naisip ko na pwede siya dun sa isa sa mga position sa amin. Ininvite ko siya for exam, and then nakapasa siya so interview naman, napili din siya nung boss so for requirements. Nakatext ko siya dahil sa mga iyon. He invited me out with my madz, umokay naman ako tutal kasama naman yung friend ko. Sa mga palitan namin ng texts, hindi naman ako manhid o tanga para hindi mapansin na nagpapalipad hangin siya sa akin. Deadma lang ako, last thursday, dumaan siya sa office dahil gusto daw niya akong makita at kahit naghintay pa siya ng 2 hours sa akin. Hinatid niya ako hanggang MRT. He asked me kung gusto ko daw kumain sa labas sabi ko naman pag kumain kami sa labas dapat kasama yung mga friends ko at hindi pa din naman ako gutom.

Hindi ba dapat kinikilig ako sa mga texts, tawag at pagpunta niya sa office? Pero ZERO! In my mind, gusto ko lang makatulong sa kanya para mawala yung pagkabore niya sa bahay nila (dahil mag-isa lang to at nasa mindoro ang family niya). I have this feeling kasi na, he needed someone to uplift his ego by dating someone again. Hindi ako naniniwala sa love at first sight dahil hindi ko pa naman yun nararamdaman kaya alam kong hindi pa naman seryoso kung ano mang pagka-crush ang meron siya para sa akin.

Okay naman siya actually, matangkad, may lahing chinese, gentleman, sweet PERO hindi ako kinikilig sa kanya, either naMANHID na ako or wala lang talagang SPARK. Hindi ko alam kung nasobrahan na ako sa kakabasa ng PB pero hinihintay ko yung "butterflies in my stomach" "erratic heartbeat" and "spark in my eyes". Am I expecting too much? Pero hindi ba dapat mararamdaman ko yun kung siya na nga? kaso wala eh. O baka naman hindi yun nararamdaman agad? baka pagnagtagal tska yun lalabas? Super late bloomer nga siguro ako kasi dapat iniisip ko to nung college pa ako pero wala akong magagawa ganun talaga.

Sabi ko sa sarili ko, kapag dumating na si Mr. Right ngayon, handa na ako pero parang hindi pa din pala. What's wrong with me?

18 comments:

  1. alam mo neish, despite being a romance pocketbook writer, wala akong mabigay na advice kasi zero ang experience ko d'yan! hihi. wala talaga akong maisip na matinong advice. anyway, i don't think there's anything wrong with you. bata ka pa, carry bells lang 'yan ^_^

    ReplyDelete
  2. hay sana naman next time yung matino na! at yung kikiligin ako

    ReplyDelete
  3. alam mo neish, ang true love ay hindi hinahanap yan. kusang dumarating yan in the right time. basta na lang ilalagpak ni god sa iyo.
    in my experience, NBSB ako bago ko nakilala ang asawa ko. pero honestly, kahit nakakatuwa rin yung thought na hindi zero ang lovelife ko, hindi iyon ang priority ko noon. siguro masyado lang akong madaming dinadala sa buhay so love took the backseat. umiwas pa nga ako sa mga prospects na talagang masasabi ko ring may spark kahit papano.
    but anyway, kung meron, meron. kung wala, e di wala, tuloy ang buhay, di ba? i was ready to be an old maid kaso nakilala ko ang asawa ko. hindi na ako nakaiwas. haha! i got married when i was 30. and looking back sa time na loveless ako at dedma sa mga prospects, natatawa na lang ako. everything happens for a reason, ika nga. and whenever i look at my husband sleeping beside me, i know he is the reason na hindi ako nagka-lovelife noon.

    you're so young, neish. you're pretty and smart and you're so blessed. darating din si mr. right para sa iyo, and doon mo mare-realized na worth it ang panahon na wala kang lovelife. :))

    ReplyDelete
  4. Naiinspire talaga ako sa love story na tulad ng iyo! Ipinagdadasal ko na sana ganun din ang mangyari sa akin.

    Kung sakali man na magiging old maid talaga ako, magtatayo na lang ako ng library.

    ReplyDelete
  5. mabuti kang tao so you deserve a good kind of love. pero kung wala, you can find it naman sa friends mo, family, ganoon. and of course, yourself. :))

    ayy, baka e-library na lang yan. haha! uso na ngayon ang mga e-books eh. pero sa totoo lang, mas gusto ko pa rin ang bumuklat ng mga papel. so sana, mga librong papel ang laman ng library mo someday! ^^

    ReplyDelete
  6. o, sosyo tayo sa library...pera din 'yan..hahahaha...
    wag molang masyado isipin ang mga spark spark, erratic heartbeat na 'yan..
    minsan talaga, you would feel those thing towards the most unexpected person of all..kasi posible naman na nung una eh zilch ang spark at kilig mo para sa isang tao pero katagalan may twist na mangyari na bigla ka na lang mauryente or something...trust me, dinaanan ko 'yan...wag mo lang masyado isipin...darating din 'yan..

    ReplyDelete
  7. uulitin ko lang yung nasabi ko na sa note mo... please lang, kung sa pagkakakilala mo eh, hindi ka naman malandutay na nagpapakita ng motibo sa lahat ng dumaan sa harap mo, hindi ka din naman tanga para patulan lahat ng lumapit sa iyo, never ever ask what is wrong with you. think of it this way, andyan sila para makilala mo kung ano'ng hindi mo dapat pagtyagaan.

    tama si yumi, tuloy ang buhay. this is a test of you being at peace with yourself. of you being content with yourself. maybe, kapag natagpuan mo nang lubos ang kaligayahan na hindi iniaasa sa iba, saka darating si mr.right sa iyo.

    cheer up, girl! you're young and beautiful and smart and talented. mahaba pa ang life. enjoy mo lang. :)

    ReplyDelete
  8. neish, you're still young. marami ka pang makikilala, marami ka pang mae-experience. ang buhay ay isang continuous learning process. God is teaching you. so be open to everything. But also, be very wise. Love yourself more and don't expect too much from other people.

    maging patient ka lang. baka pinipili pa lang ni Lord yung taong ibibigay niya sa iyo.

    ReplyDelete
  9. wag naman sana, gustong gusto ko kasing magbalot ng mga libro e kaya gusto kong magtayo ng library! :P

    ReplyDelete
  10. thanks ivy! :D, bayaan mo, pag natuloy yung library ko tatawagan kita :)

    ReplyDelete
  11. salamat ms. ej! i guess kailangan ko silang icharge sa experience:)

    ReplyDelete
  12. sa tingin ko nga po, maraming salamat ms. doreen!


    siguro nga alam Niya na medyo huli na ako sa pag-experience kaya binuhos niya na yung mga kailangan kong matutunan :)

    ReplyDelete
  13. ano na nga uli sasabihin ko?...aha!! eto pala 'yun..

    'wag na 'wag mong iisipin na there is something wrong with you dahil lang wala kang maramdaman na spark or chemistry or whatever sa mga lalaking umaaligid sa'yo...isa lang ang ibig sabihin niyan...hindi sila ang para sa'yo..

    mag-library nalang tayo..sosyo nalang tayo sa pangarap naming coffee bookshop ni diane :D

    ReplyDelete
  14. magandang combination yan ivy! coffee shop at library :)

    ReplyDelete
  15. oo nga..mag-aapat na taon na ang pangarap namin na 'yan..wiiihhh...:)

    ReplyDelete
  16. trust me, being single and being in a relationship has their own set of problems. one day you'll be wishing you're taken, the next you're wishing otherwise. kung anuman status, basta happy yun lang magmamatter!

    PS. ang haba na ng hair mo talaga. hahaha. at di ko pa din nalimutan yung crime mo sa ladies washroom. baaad!

    ReplyDelete