*late post
Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala akong masyadong ginagawa. Something is consuming me. I realize it might be my heart. Overworked na ata. I never felt this way before yung sobrang pagod na yung puso, ngayon lang.
Pakiramdam ko namanhid na ako, natanga. Napapagod din pala talaga ang puso. Gusto ko ng matapos etong phase na ito sa buhay ko at ng makabalik na ako sa paglalaan ng lakas ko sa mga makabuluhang bagay.
Anong panlaban ko sa pagkapagod ng puso ko? Ano pa edi pagdadasal. Sa bawat minutong nakakaramdam ako ng pagkahapo, pagkapagod... nagdadasal ako, pinagdadasal ko na sana mawala na yung hindi magandang pakiramdam na yun. Pinagdadasal ko na kunin na Niya lahat ng sakit ng puso ko at kasabay ng buntonghininga ko naway mawala din yun.
Naniniwala akong nasa tabi ko lang Siya, hawak ang mga balikat ko para patatagin ako at tinutulak ako para malagpasan ko ang isang araw na lilipas. Alam ko, hawak Niya ang mga kamay ko para hindi ako mag-isa sa panahon na ito. Alam ko na Siya ang tanging lakas ko.
No comments:
Post a Comment