As HR (Recruitment) its a challenge for me to search for candidates to qualify in our job openings.
Challenge na yun for me, pero meron pa palang mas challenging, to keep them in their positions. Para sa akin pa naman every time may nahihire ako, fulfilling na yung pakiramdam. Alam ko kasi nakatulong ako sa kanila to land a job. May ganun akong pananaw at hindi lang para ma-meet ko yung requirement sa akin ng company. Its just sad na, sumusuko agad yung mga applicants. Pinaghirapan ko silang piliin, invite for exam and interview tapos magbaback out lang din pala. Let me tell you this, hindi yun
PROFESSIONAL.
Eto ang sasabihin ko na tandaan ng mga
FUTURE APPLICANTS (ke sa company namin or sa ibang company pa):
1. WALANG TRABAHONG MADALI. Lahat ng trabaho mahirap. Kahit nga pagbebenta ng katawan mahirap eh kaya meron tayong tinatawag na "
WORK HARD" at hindi
"WORK EASY". Ihanda ninyo yung sarili ninyo for all the pressure, stress at toxicity, part yan eh!
2. SA PAG-QUIT SA ISANG TRABAHO, PINAG-IISIPAN YAN NG MATAGAL. Hindi yung, gigising ka na lang na naisip mo na, mag-quit ka sa work mo dahil lang mapressure ka. Hindi basta basta nag-kuquit. Una, dapat tapusin yung contract mo. Next, give yourself a chance to face the challenge, dahil pag na-overcome mo yang challenge na yan later on marerealize mo na "
madali lang pala yun eh".
3. IKONSIDERA LAHAT NG TUNGKOL SA TRABAHO BAGO TANGGAPIN. Huwag padalos-dalos. I-assess ng mabuti ang sitwasyon. Itanong mo ito sa sarili mo: Kaya ko ba ang work na ito? Ang salary sapat ba? Ang location malayo ba? Mahihirapan ba akong umuwi sa gabi? Ang work schedule, Mondays to fridays ba or hindi? Benefits? Dito ko ba talaga gusto magtrabaho? Nakikita ko ba ang sarili ko dito for the next five years? Naniniwala ako na isang calling ang paghahanap ng perfect job. Hindi pwede yung, kukunin mo yung isang job offer dahil lang gusto mo magkatrabaho! Para sa iyong kaalaman, pinagdaanan ko din to. Bago ako nag-apply sa GMA, lahat yan inisip ko na mula sa exam, interview hanggang sa job offer. Alam ko sa sarili ko na dream company ko ang GMA kaya decided ako kahit pa natagalan bago ako magkawork after ko magresign sa una kong work okay lang.
ITS ALL WORTH IT.4
. IHANDA ANG SARILI SA LAHAT NG BAGAY. Physically, Mentally, Emotionally and Spiritually. Ihanda mo ang sarili mo sa lahat lahat! Andito ka na sa sinasabi nilang
"REAL WORLD". Walang take-two, re-take, make-up classes, remedial, o exempted dito. Kung successful ka, good! Kung hindi, move on, don't sulk, ganyan ang buhay eh.
Hindi titigil ang mundo para antayin maayos ang buhay mo. 5.
KUNG ANO ANG PINAKAGUSTO MONG GAWIN SA BUHAY, YUN ANG PASUKAN MO. Sabi nga dapat passionate ka sa ginagawa mo para tumagal ka kahit pa para sa ibang tao wala namang kwenta yang work mo. Bakit ka ba nag-aral ng apat na taon para sa isang course? Dahil ba wala ka ng ibang maisip na kurso?napilitan ka? Huwag kang pumasok sa isang sitwasyon na kung saan "half-hearted" ka lang. Sayang ang effort at energy! Sa lahat naman ng aspeto ng buhay nag-aapply yan eh, sa trabaho, sa school, sa lovelife at sa family life.
DON'T WASTE YOUR TIME ESPECIALLY MY TIME BY QUITTING AFTER A DAY OF HELL.