Ang tao minsan parang walang mapaglagyan ng sama ng loob dito sa mundong ibabaw, parang ako.
Ayokong idaan sa buntong hininga dahil baka matagal na akong nalagutan ng hininga.
Ayokong isigaw dahil baka paos na ako't lahat wala pa din.
Ayokong iiyak dahil matutuyuan lang ako ng luha.
Ayokong idaan sa paninira ng gamit dahil baka maubos lang ang mga kagamitan sa paligid ko.
Nakukuntento na lang ako sa pakikinig ng malakas na MUSIKA at pinipilit kong magpakalunod sa SALIW nito.
Mahirap pa lang kumapit sa poste na yari sa HANGIN.
Mahirap magpakabingi sa KATAHIMIKAN.
Mahirap lumangoy sa ilog na walang TUBIG.
Sa totoo lang, ayoko ng mag-isip pa ng mga negatibong bagay, ang gusto ko lang ay magsulat, dahil dito lang ako nakakaramdam ng KALAYAAN.
*Buti na lang at nagagawa kong isulat ang mga bagay na iniisip ko sa isang ELEKTRONIK NA PAPEL. 
antaray.. anlalim ah.. :) tila nagiging matalinhaga kna ngaun ah..
ReplyDeletemahirap kasing walang mapaglagyan ng stress(and everything).. ano nga palang office number nio??
ReplyDelete