Habang ako ay sakay ng MRT at minalas na natalo sa pakikipagbuno para sa espasyong mauupuan, napansin ko ang mga ligaw na bulaklak sa mga poste na sumosuporta sa MRT.
Bigla ko itong naikumpara sa isang klasikong sitwasyon ngayon: ang mga ligaw na bulaklak ay tila mga taong nakikipagsapalaran dito sa Maynila. Kahit na sa isang mataas na poste sila nabuhay, nanatili pa din silang mga ligaw. Pilitin man nilang akyatin ang pinaka mataas na poste sa Maynila, bale wala din.
Walang nagtatangkang mag-alis sa kanila ngunit wala ding nag-aalaga.
Ang bawat isa ay kelangang mabuhay, kahit pa sa isang malamig na poste lamang sila kumakapit ang mahalaga: ANG MABUHAY.
Nakakalungkot isipin na madami ang nagiging LIGAW NA BULAKLAK SA EDSA.
whoa, ang lalim, neshel ang masaklap pa, sobrang hirap ng buhay ngayon.. tipong kahit anong struggle ng karamihan, tama ka, parang nauuwi rin sa wala.. pano pa yung mga walang-wala na diba.. sad.
ReplyDeletetulad mo.. ngunit ikaw ang ligaw na bulaklak ng masakit ang ngipin.
ReplyDeletehehe
ReplyDeleteyan ang nagagawa ng masakit na ngipin...
ReplyDeletebaliw! pero grabe talaga, alam ko na itsura paglomobo na ako ng husto pero half lang kasi half lang yung may maga eh..
ReplyDeletenosebleed! shiyett! ano meron at ganyan ka!
ReplyDeletekasi masakit ang ngipin ko at namamaga pa kaya ganito..
ReplyDeletegrabe! mahirap pala 'pag namamaga ang kaliwang pisngi mo! pinadugo mo ilong ko! Jusko! Ang deep mo pare!!
ReplyDeletenga pala, gusto ko lang sabihin na wala itong kinalaman sa Ligaw na bulaklak na pinapalabas sa ABS-CBN, nalaman ko lang ang existence nun kanina lang after ko ipost itong blog. Hindi ako avid fan ng ABS sapagkat ako ay isang KAPUSO!
ReplyDeletealam namin yang lahat!
ReplyDeletemasyadong malalim ang iyong mga sinabi :))
ReplyDeletebaka akalain nio kasi na bigla akong naging kapamilya eh.. hehe!
ReplyDeletedi naman masyado!
ReplyDeleteminsan ganoon talaga ang buhay. masaklap man isipin pero mayroon talagang mga tao na kahit na wala silang kakayahang suportahan ang sarili ay gagawin ang lahat makakapit lang sa "poste" ng buahy. maswerte tayong mga nakakabasa nito at hindi tayo katulad nilang nahihirapang kumapit sa tinatawag nating "poste" ng buhay.
ReplyDeletengunit hindi ako naniniwalang sila ay mga ligaw na bulaklak.. bulaklak silang katulad natin.. ngunit mas matibay, mas malakas , at mas mabango.
minsan ganoon talaga ang buhay. masaklap man isipin pero mayroon talagang mga tao na kahit na wala silang kakayahang suportahan ang sarili ay gagawin ang lahat makakapit lang sa "poste" ng buahy. maswerte tayong mga nakakabasa nito at hindi tayo katulad nilang nahihirapang kumapit sa tinatawag nating "poste" ng buhay.
ReplyDeletengunit hindi ako naniniwalang sila ay mga ligaw na bulaklak.. bulaklak silang katulad natin.. ngunit mas matibay, mas malakas , at mas mabango.
naks! yan dapat ang mga sagot!
ReplyDeletewow, anu bang POSTE yan?!
ReplyDeleteposte sa papuntang Cubao
ReplyDeletehaha
ReplyDeletepuro kayo poste!! ahaha...
ReplyDeleteanong bang gusto mo? haha!
ReplyDelete