Saturday, April 17, 2010

Change

It is really true when they said that there is nothing permanent in this world except death and change.

I am working for more than a month (with my dream company) and I know I changed a lot already. Probably an after-effect or whatsoever but I am still glad for everything, and of course thankful as well.

I am doing things now that I don't usually do before like watch news (intently), read newspapers (not just the lifestyle section or entertainment section but all sections) and be aware of EVERYTHING as in everything that is happening around me and our country (for this matter). Well, its a welcome change and I really never thought that I will be doing "this" in the future but here I am!

Some people were asking me if my current work is toxic and I proudly say, YES! Sounds ironic? but I am still happy. I am aware that there is no easy work in this world. Every job entails effort and hard work.

I don't have an idle time. Every moment should be productive and every minute is important.

Excellence. Passion. Maturity.

Excellence. I love the fact that I am surrounded by people who really strive for "excellence". It creates an overwhelming feeling on my part. Its fueling up my drive to do the same, to strive for excellence and to meet the "high standards".

Passion. You will really see their passion and love for the work that they do every day. You will see how professionalism exist beyond the things that they wear or the things that they own. I was once blinded by the real meaning of professionalism, blinded by people whom I thought are worth looking up to.

Maturity. I am not saying this because I am with my dream company already and I am in a perfect world and all but I am saying this because I know now how to look the other side of the coin. There is no perfect world but there is always a certain perspective that will change how you accept reality.

Beyond the demand of my work, I still have time for myself, my friends, and my family. I even learn how to give myself a little reward for all the effort I did for the whole week.

I am happy.

**Every time that I will feel like I am losing the "passion" I will revisit this blog and reminisce the feeling that motivates me to work passionately.**

 

Thursday, April 8, 2010

DD for Disaster Day

Like what the title says, today is my disaster day. Muntik ko ng mapakyaw ang disaster sa buong mundo (**exagge lang).

Anyways!

D1: Uber sa traffic sa lugar namin dahil may umararo ng fence ng SB sa may Nitang Street. Isang bus na ewan ko kung lasing ba o ano eh. Eto ang naging cause ng pagkalate ko ng 36 minutes! Saan ka pa!

D2: Nakatulog ako sa FX at dahil nga traffic ang daan nagshort cut (na parang longer cut pa siya!) I have a feeling na matagal tagal na akong nakatulog so i thought malayo na ang narating namin. Nagising ako. Pag tingin ko sa labas, nagulat ako dahil unfamiliar place ang nabungaran ko! Nagpanic ako! "Nasaan na ako?! Nalagpas na ba ako sa GMA?! OMG!". Inaayos ko na ang upo ko at ang bag ko. Muntik ko ng itanong sa driver kung nakalagpas na ng GMA at bago pa ako tuluyang magpanic to the highest level! lumabas na sa Main road ang FX. I was relieved at the same time disappointed dahil hindi pa din pala kami malapit sa EDSA! Malupit!

*buti na lang at di ako nagtanong dahil kung hindi magkakaroon ako ng kahihiyan.

D3: Uwian na. I was expecting to meet with my friends kaso may mga lakad na sila (dahil nga holiday bukas). Bigla naman akong nakafeel ng something..hmm.. empty feeling?! Weird nga eh dahil in my 22 years of existence dun ko lang yun naisip.. ang hanapin ang wala pa sa akin.

D4: Nakasakay na ako ng tricyle, nang biglang tumigil dahil naubusan ng gas! what a life! Inalog pa ng driver yung tric para makaabot sa bahay namin at dahil nga nakaclassify ito as D4 ibig sabihin hindi siya umabot sa bahay namin. Mga 6 blocks pa ang nilakad ko. Kawawang tricycle driver dahil tinulak na nila ang tric palabas ng subdivision.

**hay.. DD talaga! Wala pa akong moment! aww..

 

Tuesday, March 30, 2010

Baguio 2010 Itinerary

 

Baguio

2 Days / 1 Night (May 1-2, 2010)

 

 

Departure from Manila: 11:00pm (April 30, 2010)

 

DAY 1

04:00am:               Arrival and check-in sa bahay (hehe)

09:00am:               Breakfast

10:30am:               Burnham Park| PMA|

12:00am:               Lunch

01:30pm:               Baguio Cathedral

03:00pm:               Tam-awan Village

06:30pm:               Mines View Park

07:30pm:               Dinner  - Night out?!

08:00pm:               Bonding time

 

Day2

07:00am:               Breakfast

08:00am:               Botanical Garden| Wright Park Riding Circle| The  

                                Mansion|Good Shepherd Convent

11:30am:               Lunch at Camp John Hay Picnic Area

01:00pm:               Souvenir Shopping: Baguio Market

02:30pm:               Departure

09:00pm:               Manila na!

 

**pwede namang magtagal yung iba, pero para sa mga walang leave, yan na ang pinaka-advisable na itinerary.

 

Budget:

 

Bus Fare: 900 (roundtrip) *Victory Liner; Cubao to Baguio

Food: May mga may birthday dyan! ehem! so siguro magshare na lang tayo ng 200? pwede na ba yun? or tulad ng Tagaytay na lang ulet?

Miscellaneous: kanya-kanyang pocket money na yan. Pero more or less dala kayo ng 1000 para sure.

 

**per head po iyan at hindi ako magaling magestimate ng gastusin so tell me kung ano ang mas appropriate.

 

What to pack:

> jacket, sweater, scarf, shawl or wrap

> head gear: hat or cap or bonnet (eto na ateng! masususot mo na)

> walking shoes (malamang wag magheels)

> outdoor clothes

> umbrella (sabi sa website para pag sobrang maaraw or umulan man)

> CAMERA (of course!mas maganda kung lahat meron para more pictures!)

> toiletries (alam ninyo na dapat to)

 

If you plan to go to Mass pwede eto yung time sa Baguio Cathedral:

 

6:00am and 7:00AM

 

Meals: Breakfast, Lunch, Dinner, Breakfast and Lunch

 

> pwede tayong kumain ng lunch sa mga restaurant/fast food since nasa labas tayo ng house

> for breakfast, pwedeng ito na ang dalhin natin or bilhin (mga pancake at delata ulet, pero dapat ubusin ang pancake!!!)

>for dinner, pwedeng sa labas or pwedeng magluto, kayo kung anong preferred ninyo pero utang na loob, planuhin na ang food ng hindi tayo magulo! lol!

 

Restaurants available (and sabi nila ay maganda):

 

1. Cafe by the Ruins (Otek Street) - native chicken, mountain rice and strawberry wine ang specialty. Set lunch: 350php

2. Pizza Riccio - lasagna and pizza (14" - 350php)

3. Rito's (Marcos Highway) - native Filipino dishes. 150php and food

4. Zola - (down the Session Road) 24hours open. 6"-16" pizza; 100php and up. Free internet. Pero sabi ni pot pambagets daw ito. Pero mura ang food and all.

5. Pizza Volante - suggestion ni pot; 350php/ meal. 24hrs din at may live music din daw (accdg. sa website)

6. 50's Diner - parang fast food at may large servings and mura din daw. Vintage ang setting.

Monday, March 29, 2010

Summer Getaway!

saan ninyo gusto mag-summer getaway?

Option 1: Baguio (kina eth daw!)

Option 2: Camsur (CWC) **pwede akong magpahanap sa mga pinsan ko ng murang accomodation, etc. Pwedeng magbus (10-12hrs ang biyahe) or plane (pero mahal ang plane) **di ko iaadvice ang pagrerent ng van dahil toxic ang pagddrive.

Option 3: Zambales ulet pero sa ibang beach naman (yung ibang resort na suppose to be e pupuntahan natin!)

**gagawan ko yan ng itinerary (inlcuding the costs, etc.) pero over the holy week ko na ipopost ah!

Thursday, February 25, 2010

Thank you MEG!

hahaha!! Big thanks to MEG for the

SANUK SANDALS that I won!  for the Letter of the Month for February!

 

Let Go

--inuunahan ko na ang madla, ipagpatawad ninyo ang mga kababawan ng gawa ko, bata pa po ako nito, walang alam sa mundo (gumawa daw ba ng excuse?!). Wala din itong kinalaman sa buhay ko (kaya naman bj, wag kang mag-isip ng kung anu kung hindi di ka magiging SWAN!), isa pa po ito sa mga nahalungkat ko sa aking mahiwagang notebook, originally English ito kaso, alam kong madaming wrong grammar kaya tatagalugin ko na lang --

"Cherry, I'm so sorry...Hindi ko sinasadyang mahalin siya.." Humihingi ng tawad si Matthew sa kanyang girlfriend dahil gusto na nitong makipaghiwalay.

"Matt, okay lang yun, sabi nga nila 'expect the unexpected'" sinusubukan ni Cherry na pagaanin ang sitwasyon. Para sa isang taong hinihiwalayan, hindi galit si Cherry.

"Huwag mong isipin na hindi kita minahal nung magkasama tayo. Minahal kita pero ngayon nakita ko na ang "true love" ko, for good." Nagulat si Cherry sa sinabi ni Matt pero hindi niya ito pinakita bagkus ngumiti pa siya dito at sinabi, "Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't isa at alam kong merong ibang nakatadhana para sa akin."

"Napakabuti mo Cherry, alam kong makikita mo ang lalaking para sayo." at nagpaalam na si Matt. Walang ibang ginawa si Cherry para pigilan ito, nagkasya na lang siya na titigan ito habang papalayo sa kanya. Biglang nawalan ng malay si Cherry at nang gumising siya, nasa loob na siya ng isang ospital. Dumating ang doktor at kinausap siya.

"Ms. Dominquez, palala na ng palala ang kondisyon mo araw-araw. Mas makakabuti sayo na mag-stay dito sa ospital para maobserbahan ka."

"Doc, mamatay na po ba ako?" tanong niya.

"Kritikal ang na kalagayan mo dahil mahina na ang puso mo, hindi ka na maaring sumailalim pa sa isang heart transplant dahil ilang beses ka ng naoperahan. Magpahinga ka na muna sa ngayon." Lumabas na ang doktor sa silid niya.

"Ma-matay na ako.." nanghihinang saad niya and she sighed. "Mabuti na lang at magiging masaya na si Matt kahit wala na ako dito.."

Naalala niya ang panahong nadiagnose siya na may butas ang puso niya. Alam niyang ikamamatay niya yun. Kaya naman kinausap niya ang matalik na kaibigan na si Mae. Sinabihan niya itong makipaglapit kay Matt. Walang alam ang kaibigan niya na nobyo niya si Matt dahil kakagaling lang nito sa Amerika. Wala din itong alam tungkol sa sakit niya, maski si Matt. Inakala ni Mae na ipini-pair lang niya ito kay Matt dahil nga kakahiwalay lang nito sa boyfriend at broken-hearted pa. Umayon sa kanyang plano ang lahat. Handa na siyang antayin ang oras niya.

Ilang linggo ang nakalipas. Sa ospital.

Nakahiga si Cherry sa hospital bed. "Masaya na ang mga importanteng tao sa buhay ko, handa na akong umalis na may ngiti sa labi..." Cherry said to herself. Naramdaman niyang hindi siya makahinga. Nagmamadaling tinulungan siya ng nars at kasunod nun ay ang pagdating ng doktor. Sinusubukan siyang isalba ng mga ito... ngunit wala na siya.

Nabalitaan nila Matt at Mae ang nangyari. Pumunta ang mga ito sa pinagdausan ng libing. Nilapitan sila ng ina ni Cherry at iniabot ang sulat na nakita sa ilalim ng unan ng dalaga.

Dear Matt,

     Masaya ako at nakita mo na ang kaligayahan mo at least kahit wala na ako, alam ko na may mag-aalaga at magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko. Pinlano ko ang lahat para naman hindi ka malungkot pag-iniwan kita. Palagi mo sanang tatandaan na, saan man ako naroroon, patuloy kitang mamahalin.

                                                                                                       Cherry

Hindi makagalaw si Matt habang hawak pa din ang sulat. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya.

"Letting go of someone doesn't mean we're hurt but we let go because we want the person to be happy with someone else."

--oh ha! may kasama pa palang quote ito! Palagay ko nagawa to dahil sa palabas na "Lavender" yung taiwanese drama. walang originality! hahaha!--

Bakit

Sa iba’t-ibang pagkakataon, may nakikilala tayong iba’t ibang tao. May mamahalin tayo na di sinasadyang dumating sa ating buhay ngunit may pag-asa pa ba kung ito’y huli na?

SA di inaasahang panahon, muling nagkita sina Bien at Owen. Ang pagtatagpo ba na ito ay babago sa kani-kanilang buhay o mananatili ang tanong ang nakaraan.

“Rowena Martinez? Ikaw ba yan?” tanong ni Bien

“Ako nga, Bienvenido Santos!” nagulat man si Owen pilit niyang itinago ang nararamdam sa pagpapakita ng blangkong ekspresyon dito.

“Gumanda ka ngayon ha, mukhang in-love ka.” Tudyo nito.

“Hindi naman ako in-love, ahm… gusto mo maupo muna tayo?”

Sila ay nasa isang parke sa Maynila. Naupo sila sa isa sa mga nakahanay na mga bangko.

“Kumusta na nga pala kayo ni Lynnie?” tanong niya. Si Lynnie ang dating kasintahan ni Bien.

“Matagal na kaming naghiwalay… Ikaw, kamusta na?”

“Okay naman ako” maiksing sagot niya.

“May asawa ka na ba? O kasintahan?”

“Wala at saka wala pa yan sa isip ko.”

“Ganun?” bumalot ang lungkot sa puso ni Bien, wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango. Akala pa naman niya na may pagkakataon na sila ni Owen.

‘Kung alam mo lang, matagal na kitang gusto kaya lang maraming mga bagay na nangyari na di ko napigilan’ bulong ni Bien sa sarili.

Sa muli nilang pagkikita, muli ring bumalik ang pag-ibig na matagal nang namamahay sa kanyang puso. Nakatingin si Bien sa kawalan habang ginugunita ang nakaraan. Natahimik ang paligid, umaayon ang katahimikan sa nakaraan, isang nakaraan na kailanman di na maibabalik pa…

Lumapit si Lynnie kay Bien, humihingi ng pagkalinga. “Bien tulungan mo ako, iniwan ako ng kasintahan ko.” Maluha-luhang sinambit ni Lynnie kay Bien.

“Lam mo, kaya mo yan. Marami namang iba dyan na pwede mong mahalin.” Ang mga salitang iyon ay tumatak sa isipan ni Lynnie. Nakabuo siya ng konklusyon na matutulungan talaga siya ni Bien. Alam niyang maaring si Bien ang kasagutan sa kanyang pangungulila.

Para kay Bien, wala sa puso ang sinabi niyang iyon. Naikumpara lang niya ang sarili niya sa sitwasyon ni Lynnie—na binabalewala ng kanyang napupusuan na si Owen. Doon nagsimula ang pagiging magkasintahan nila.

Ngayon, nagkaharap na silang muli. Nakasalalay na sa kanila ang hinaharap.

‘Bien, huli na ang lahat, ang pagtingin ko sayo noon at sakit na nadama ay tila naiwan na lamang sa nakaraan. Bakit ngayon ka lang nagbalik? Kung kalian napagod na ang aking puso sa paghihintay. Ako ba ang may pagkakamali? Ako ba ang dapat sisihin?’ mga salitang tanging siya lamang ang nakakarinig, mga tanong maiiwang walang kasagutan.

“Sige aalis na ako” tumayo at tumalikod na si Owen.

“Owen…” napatayo na rin si Bien. Nais niyang pigilan si Owen. Nanatiling nakatalikod ang babae.

“Pwede pa ba?” nasabi din ni Bien ang kanyang iniisip.

Napaluha si Owen, mabuti na lang at nakatalikod siya. Hindi sinagot ni Owen ang tanong ni Bien. Iniwan niya si Bien pati na ang katanungan nang puso na siya lamang ang makakasagot.

Lumamig ang simoy ng hangin at nanunuot ito sa kalamnan ni Bien. “Bakit, Owen, Bakit?” bulong ni Bien habang tinatanaw ang pag-alis ng babae. Isang tanong na kalian ma’y hindi masasagot.

 

---ang weird nito... naghahalungkat ako ng mga gamit tapos nakita ko to sa isang notebook. Feeling ko habang binabasa ko to nasa ibang panahon ako, parang panahon ni Rizal, weird talaga. Hindi ko din maalala kung bakit ko to sinulat at kung bakit nag-inarte si Owen dito. I think 2nd HS ako nung ginawa ko to.