Wednesday, December 8, 2010

Day 22

Day 22 - A letter to someone who has hurt you recently.

o-kay. Ahm. Someone who hurt me recently, actually wala naman akong maalala. Pero kung yung dati pa, yun meron. Last year pa yun pero yun na yung maku-consider ko as hurtful event for me, kaya yun na lang siguro. May letter ako sa kanya before pero gagawa na lang ako ng bago.

Dear MCP,

Its been a year already pero until now hindi pa din tayo okay. Ayoko nang balikan pa at i-rewind ng i-rewind yung mga nangyari. Siguro may dahilan ka for doing that to me at iintindihin ko na lang yun, nangyari na eh at hindi na natin mababago pa.

Alam ko naman na naiparating ko sayo kung gaano ako na-hurt nung nangyari yun. Of all people kasi, hindi ko ineexpect na ikaw ang gagawa nun sa akin. I felt betrayed talaga. Itinuring kitang ate at sa palagay ko naman masasabi kong naging close tayong magkaibigan. Nanghihinayang lang ako sa mga pinagsamahan natin dahil pakiramdam ko na lahat yun hindi totoo. Ikaw pa naman yung pinakapinagkakatiwalaan ko at umaasa ako na more than anyone else, ikaw ang makakaintindi sa akin, after all, ikaw ang team leader namin di ba?

Dati sinabi ko sa sarili ko na, hindi ko makakalimutan yung ginawa mo at hindi pa kita nafo-forgive at ayokong makasama ka sa kahit na anong event na kakailanganin nating mag-interact. Pero ngayon, alam nila na okay lang sa akin na nasa isang okasyon tayo. Alam ko na kaya kong maging civil sayo. Hindi ko to sinasabi dahil magpapasko na, sinasabi ko to dahil yun ang totoo.

Ayoko nang isipin pa yung betrayal, kakalimutan ko na yung nangyari at siguro may tipak na nang forgiveness sa puso ko. At thank you na din pala dahil madami din akong natutunan sa mga nangyari. Sabi nga attract positive energy kaya ayokong maging nega forever. One day siguro dadating yung time na total forgiveness na ang meron ako para sayo.

Masaya ako para sa mga narating mo na ngayon at happy din ako na hindi ka na NBSB! Congrats! Ako din pagdating ko ng 26 hindi na din ako NBSB!

Goodluck! and GodBless!

Neish

**akala ko wala akong maisusulat, whew!**

5 comments:

  1. Gagawa ako ng 30days tsutsu na itetch at ipapasok ko sa bote, itatapon ko sa sea sabay wish ng fafa, wohoo! Haha.

    ReplyDelete
  2. @ms.va: baka foreigner ang dumating! blue eyes!!!

    ReplyDelete
  3. Ako din pagdating ko ng 26 hindi na din ako NBSB!

    haha, go neish! ^.^

    ReplyDelete
  4. may 3 years pa ako para gawin itong realidad! aja!

    ReplyDelete