Thursday, December 9, 2010

Day 23

Day 23 - 15 facts about you

May nagawa na ako dati parang 30 facts about you pero sympre para maiba naman hindi ko yun ico-copy paste.

in no particular order

1. Nearsighted ako. So pag malayo ka sa akin ng mga dalawang dipa, blurred ka na kaya pag nakasalubong ninyo ako, hindi ko agad kayo mapapansin unless malapit na kayo sa akin.

2. I worked in a broadcasting company kaya pag may breaking news or special coverage may pasok ako. Busy ang lola ninyo.

3. May pagkakikay akong tao. I love pink. Pink lipstick. Pink dress. Pink Shirt. Pink Skirt. Pink bag. Pink everything. hindi ba masyadong obvious? pero hindi ko favorite si Hello Kitty, mas gusto ko si Robby Rabbit.

4. Kuripot ako. Mahirap magkapera so ever since hindi ako gumagastos para sa mga bagay na more than 1k kaya naman muntik na akong magkasakit nung binili ko etong si Lee. Naniniwala kasi ako na kung mabibili mo ang isang bagay ng sale bakit mo siya bibilhin ng regular price? lol!

5. Mataray DAW ako pero pagnakakasama na nila ako sasabihin nila na, "hindi naman pala". Dati super mataray talaga ako pero ngayon, ahm.. hindi na masyado, medyo tame na ako unless provoked.

6. NBSB. I don't know if its related with number 5 pero I strongly believe na hindi pa kasi SIYA dumadating.

7. I love pasta and pizza. Dati nagtataka ako kung bakit wala akong favorite food. Everytime na sasagot ako ng slum book palaging "anything delicious" ang sagot ko BUT now, meron na! Italian food ang preferred ko kainin.

8. I usually arranged my books according sa release or book code (yun ba yung tawag sa number na nasa book?!).

9. I'm not an avid fan of flowers. Kasi masyado siyang expensive para lang ipangdisplay. Okay na yung isang pirasong bulaklak (este tangkay pala) kesa dun sa mga bouquet-bouquet na yan malalanta din naman sila pero kung isang tangkay lang, yun pwede pang makeep.

10. I love freebies! pero sa work ko di ko masyado yun maenjoy kasi bawal kami tumanggap ng gifts from whoever lang unless personal yung transaction.

11. Basta usapang kaibigan, lagi akong concern. Alam ko kasi ilan lang ang tunay kong kaibigan kaya naman as much as possible I want to be there for them. Pero pag sila ang nang-betray wala na, may lamat na talaga. Mahal ko kasi sila.

12. Gusto kong mag-aral ng Forensic Psychology pero hindi yun sika dito sa Pilipinas. Pero if given a chance, ipu-pursue ko talaga to. Yung mas madali na lang ireach ay yung sa solair na muna.

13. Hindi ako marunong magdrive. Nakakatakot kasi eh. Pero siguro pag natry ko na at magkaroon ako ng lisenya, itatry ko mag-drift driving! **c/o ms. elise! ;)

14. Mababaw lang daw ang kaligayahan ko. Madali akong mapatawa eh. Madaling bumenta sa akin ang mga jokes kahit pa minsan corny.

*whew! buti last na, ang hirap mag-isip eh*

15. Ang name na Neziele ay kinuha ng mama ko sa naging pasyente niya dati pinalitan lang niya ang "M" ng "N". Would you believe na may kapangalan ako dito sa Pilipinas, friend ng friend ng friend ko, nasa US na siya so technically, ako lang ang nag-iisang Neziele sa Pilipinas. *sa pag-kakaalam ko at kung may makikilala kayong ka-name ko dito sa bansang to, ilabas nio siya! :))

bow.


6 comments:

  1. May friend naman ako Nelieza ang pangalan. ^^ wala lang. Maganda din. hehe. :)

    ReplyDelete
  2. 4. Kuripot ako. Mahirap magkapera so ever since hindi ako gumagastos para sa mga bagay na more than 1k kaya naman muntik na akong magkasakit nung binili ko etong si Lee. Naniniwala kasi ako na kung mabibili mo ang isang bagay ng sale bakit mo siya bibilhin ng regular price? lol!

    haha, gooo, ako rin! ^_^

    ReplyDelete
  3. aba! hindi lang pala si mama ang weird sa pagbibigay ng name :D

    ReplyDelete
  4. sayang kasi yung matitipid davah?

    madami na akong mabibili nun!

    ReplyDelete
  5. Haha. ayon sa kaniyang kwento sabi daw ng Mama niya boring naman daw kung lieza lang ang pangalan niya kaya dinagdagan ng N-E. hehe. :)

    ReplyDelete