Tuesday, December 14, 2010

Day 27

Day 27 – A picture of you last year and now and how have you changed since then




















          Now                                                                                  Then

The picture in the right was taken last November 13, 2009 sa bahay, eto yung panahong bum pa ako at walang magawa kaya ayan, picture picture, pose, pose. The picture in the left naman was taken last December 3, 2010 sa Studio 5 ng GMA. First picture ko with Richard Gutierrez.

How have I changed since then?

Masasabi kong sobrang daming nagbago. Una, dati bum ako ngayon hindi na. Pangalawa, yung relationship ko with my friends before ay hindi pa ganun katatag kumbaga friends kami pero hindi tight yung relationship kaya ngayon medyo nagdrift na yung iba kaya nalaman ko yung mga friends ko na worth keeping. Pangatlo, lumawak yung network ko, hindi na lang ako limited sa HS, College at Officemates may mga extracurricular activities na din ako ngayon.

Nameet ko sila Victoria Amor, Aira Felicity, Angel Bautista, Carla Giopaolo, Edith Joaquin, Jean Mae Oryza, Maan Beltran, Ella Gualvez, Yumi Sagara, Elise Estrella, Roma Nympha, Faith Teodoro, Nicka Gracia and a lot more!

Last year, nafeel ko yung tinatawag nilang "mid life crisis" kahit pa nga 21-22 pa lang ako nun, struggle talaga. Ngayon, mas alam ko na yung gusto kong gawin sa buhay. Alam ko na yung priorities ko at yung mga goals na gusto kong maachieve. Dati kasi blurred pa dahil sobrang dami kong gustong gawin pero hindi ko siya magawa. Natuto akong magprioritize at maging realistic din. Hindi ko naman masabing tapos na ako sa mid life crisis na yan pero ngayon, stable pa ako ulit. Kung dadating man yung time na malilito ako and all siguro mas alam ko na siyang ihandle compared dati.

When I was still in JC (previous employer ko) feeling ko ang toxic ng buhay ko everyday. Walang nangyayaring maganda, lahat talaga negative pati tuloy yung mga taong nakapaligid sa akin nahahawa sa pagkanega ko. I hated my life then. Ngayon, ayoko naman magsalita ng tapos pero I can say na mas okay na ako sa kung saan ako naroroon. Mas naging patient na din ako sa mga bagay bagay. From a cigarette patience naging candle patience na siya (I improved right?) Naniniwala akong nagmature na ako (yung ang paniniwala ko okay, bawal kumontra).

I'm still hoping for the best in life.

3 comments:

  1. you improve a lot, noh. and it's so nice meeting you. :) ngayon ko nararamdaman ang mid-life chuva. dahil ngayon ko hinahanap kung ano ba talaga gusto kong mangyari sa buhay ko. whahaha

    ReplyDelete